Bookstore Ilang araw din ang nakalipas, at parati na siyang lumalagi sa book store, ngunit hindi pa rin bumabalik si Milena. Panay ang silip niya sa entrance ng book store tapos babalik siya sa architecture section. Pakiramdam niya babalik si Milena, pero ilang araw na ang nakalipas ngunit there was still no sign of her. Nakakabaliw mag-intay! Pinagsisisihin niya na pinabayaan lang niya itong umalis ng ganun. Sana pala kinidnap o hinostage na lang niya ito ng hindi siya nagkakaganito. Sa susunod na makita niya ito, iyon na nga talaga ang gagawin niya. Pangako niya yan sa sarili niya. 10:00 pm na. Sigurado siyang wala na talagang pag-asang dumating pa iyon sa bookstore. Tinungo na niya ang harapan ng mall. Malapit kasi ito sa daungan ng mga hile-hilerang yate. Naroon kasi ang yate na nab

