Prayer Nagkamalay na si Gerard. He was disoriented. Doon lamang niya namalayan na nakahiga na pala siya sa stretcher at nakita na ang asawa ay nasa isang stretcher din. Sabay silang inakyat sa ambulansya at pareho silang may oxygen mask. Kahit hinang hina siya ay pinilit niyang inabot ang kamay ng asawa dahil magkatabi lamang sila. Pinipilit niyang ibuka ang mata niya pero nagdidilim ang paligid. Napaluha siya at tahimik na nagdasal. Paulit ulit ang dasal niya na maligtas ang asawa. Naisip niya ang mga kanilang mga anak. Ayaw niyang maiwan na walang magulang ang kaniyang mga anak. Pilit niyang nilalabanan ang pakiramdam niya. Pilit niyang nilalakasan ang willpower na mabuhay. Habang lumalaban siya, binubulong din niya sa hangin ang gusto niyang sabihin kay Shayla. Kahit imposible, u

