Congee, Flowers, and Teddy Bears Excited na binasa ni Shayla ang Congee recipe na itinuro sa kanya ng matalik na kaibigan na si Jackie. Kasalukuyang niyang isinasagawa ang kanyang 'Oplan Move-Over-Bianca-sa-Puso-ni- Gerard'. Tiwala lang. Aja! Napangiti niyang naisip habang nago-grocery kanina. Pag balik niya sa mansion ay kumain na siya ng lunch, tapos naghanda na para sa gabihan. Mabuti na yung maagang makapagluto, para mamayang gabi, pagdating ni Gerard ay ready na ang lahat, naisip niya. Tumunog ang kanyang mobile phone at si Gerard iyon. Excited niyang ibinaba ang spatulang hawak at pinunasan ang mga kamay, bago dinukot ang mobile phone sa pocket ng Pink na apron. Bago kasi ang kanyang phone at ibinigay iyon ni Gerard para sa kanya noon isang linggo, nang umattend ito ng meeti

