Chapter 31 Nakatulog na si Phoebe sa paghihintay ng kung anong text o tawag mula man kay Mikay o kay Miller. Pero ni isa sa dalawang ‘yon ay walang nagpadala ng update sa kanya. Palibhasa, sinabi niya kay Mikay kanina na gumawa na lang ito ng dahilan at kung ano man ang kunwaring pinapabili niya ay bahala na siyang dumiskarte. She really became a bridge to the two of them. Imbes na maging kontrabida? Phoebe chose to give way. She wasn't expecting anything in return. Alam niyang mali 'to kung titignan mo sa point of view ni Miller. It's okay if Miller will hate her after this. Deserve niya naman din kasi. She will accept anything that he might say. Or, iiwas na lang siya rito para wala nang mahabang usapan o paliwanagan pa sa pagitan nila. Kinabukasan, gumising at bumangon nang maaga si

