Kabanata 4

2539 Words
Chapter 4 Dinala ako ni Claire sa cr para makapag ayos ng sarili. May sapat na oras pa naman para makapag ayos ako. Naghilamos, nag powder pero wala parin. Bakat na bakat pa rin ang mga luha sa aking mga mata. Tiningnan ko siya. Ngayon araw, ngayong araw lang ako magpapakahina sa harap niya. "Ang sakit." "Shhhh. Tahan na. Mugtong mugto na ang mga mata mo Lex." Niyakap niya ako. Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang lumabas. Kumuha ako ng pweding gawing pamaypay. "Wag na lang kaya akong pumasok muna? Nakakahiya naman tong mukha ko." Tumingin ako sa salamin. Pulang pula ang aking ilong tsaka pisngi, mugtong mugto nga ang aking mga mata. I pouted, naaawa sa sarili. "No Lex. Papasok ka. Kahit late, sasabayan kita. May 30 minutes pa naman tayo." Tinulungan niya akong mag paypay ng mukha. "Ang hirap naman nito." Tumawa siya. "Mabuti rin palang hindi ako nag invest ng feelings dati kay James. Pag nagkataon iiyak din pala ako kagaya mo. Hindi pa naman ako kagandahan, ewan ko na lang sa mukha ko." "So inaamin mong hindi mo talaga siya gusto? Alam mo bang may theory kami ni George na pinapaselos mo lang talaga si Kent. Magpaparty ang bruha kapag nalaman niya to." "Hindi no! Ano ba kayo. Akala ko talaga may nararamdaman ako kay James. Meron naman, kaya lang kalaunan, nawala rin." Nagkwentuhan pa kami about sa kanyang love life na hanggang ngayon wala pa rin. Akalain mo yun? Masasama rin pala ako sakanila. Ng maging okay na ang aking mukha, lumabas na kami sa cr. Pagbalik namin sa room walang Drake at Justin. Naroon na si George, at kaming apat na lang ang kulang. "Saan kayo galing mga bakla? Kanina pa ko dito ah, may ginawa na naman kayo ano? Bat hindi ako inform- What happened to your eyes?" Tumingin siya kay Claire. Tumango naman ito, confirming what George is thinking. "Oh~ chika later. TGIF mga bakla!" "Huy George saan kayo mamaya? Frontrow raw sabi ni Hannah, birthday eh, invited lahat." Singit ni Michael na narinig ata ang TGIF mula kay George. "Sorry baby, girls out kami later eh." Maarteng sagot ni George. "Kahit sa dinner na lang. Claire? Alex?" Sabi ni Hannah. "We'll try Hannah." Sagot ni Claire na tinitimbang ang reaksyon ko. "We'll go Han, sa dinner, I mean." Ngumiti ako sa kanya, tumingin siya saking mga mata kaya umiwas kaagad ako ng tingin. "Alright. See you, 6 pm ah?" Masaya nitong saad. "You sure? Baka pupunta rin duon sina Drake." Tanong ni George. "Dinner lang naman. Tsaka pagbigyan niyo na. Minsanan lang rin naman yan mang invite." Pertaining to Hannah. "Alright, your call." Nagsimula ang klase na walang Drake at Justin. Baka nasa kay tita Carmella, ngayon araw kasi siya makakalabas, tho hindi kami nakapag tanong kung ngayong umaga ba. Hindi narin kami nag attempt pang magtanong, hindi rin naman kami kasi makakapunta. Ewan ko lang sa iba naming classmates, may nagpaplano kasing sabayan sina Drake sa opsital. Dahil sa may pasok naman, baka kaunti lang ang makakapunta ruon. Knowing andito pa naman kaming lahat bukod kina Drake at Justin, baka mamaya pa lalabas si tita. Sa hapun naman, 5 classmates namin ang umabsent, mga malpit na barkada nila Drake at Justin. Lahat naman ng babae naiwan, tinatanong kami kung pupunta ba. We simply shook our heads to answer. After ng klase, umuwi muna kami para makapag palit ng damit. I dont know kung pupunta sina Drake, pero dahil kakalabas lang ni tita Carmella, baka hindi yun pumunta. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko kapag nagkita kami duon. Pero kung pumunta man, bahala na siguro. Sinundo ko muna si Claire sa kanila. Si George magpapahatid na lang daw kay ate Sharlene, madadaanan naman kapag papuntang ospital. I'm wearing a teal spaghetti strap in a sweetheart neckline with a high waisted circle white skirt. Clubbing naman, kahit hindi ako umiinom kaylangan ring makibagay. I braid my hair in a ponytail plait and a T-strap black YSL shoe. Which reminds me, I am very much single. "You know, dinner ang pupuntahan natin. Hindi tayo mag clu-club Alex." Puna ni Claire ng makita ang suot ko. "Knowing George Claire, hindi yun papayag ng hindi tayo makaka akyat sa club ng Frontrow." "Well, this dress can blend also." She said, pertaining to her spaghetti strap white dress. "Yeah." Pumunta na kami sa Frontrow. While on the way, Claire recall how Hannah doesn't really invite us to her party. Simula kasi ng naging sila ni Michael unti unti siyang naging open saming mga classmates niya. Usually sila Ashley, Michelle at Stephanie lang kasi ang natatakbuhan niya, sila rin naman kasi talaga ang close simula highschool hanggang dito sa college. "Magandang influence sa kanya si Michael, Claire. Wag mo na kayang ungkitin pa? Makikicelebrate tayo pero chichismisan mo." "Huy Alex, makapag sabi kang chinichismis ah? Hindi naman masama yung mga pinagsasabi ko. May makarinig sayo iisiping sinisiraan ko si Hannah. Nagtataka lang naman, dati kasi wala talaga siyang paki sa ibang classmates natin. Ngayon lang. Kita mo? Na invite pa tayo." "Good influence nga kasi si Michael sa kanya. Alam mo naman yung taong yun, hindi nauubusan ng mga kaibigan. Kaya siguro nadadala si Hannah." "Kung sabagay. Nakikihalobilo kase talaga si Michael no? Biruin mo, kahit seniors natin nuon nakipag high five agad unang kita pa lang. Feeling close." Nakarating kami sa Frontrow iksaktong 6pm. Nasa loob na si George, at umiinom kahit hindi pa nag didinner. I sigh. Parang ako pa ang magbabantay sa kanila ngayon ah? Si George pa maglalasing, gayong ako tong broken hearted. Nakita kaagad namin ang grupo sa malayong lamesa sa loob. Maingay, makalat at matao sa table namin. Mabuti at nasa malayong banda kami, hindi pa naman to sila napapatahimik kapag nasa labas. Isa sa mga maiingay ay si George, na may kaharutan ngayon sa lamesa namin. Nakuha raw niya sa kabilang table. Napapailing na lang kami ni Claire sa mga naririnig naming ka cornyhan mula kay George. Hindi namin nakuha ang pangalan kasi "babe" ang bukang bibig nito sa lalaki, tho George naman ang tawag nito sa kanya. "Don't call me that, babe. Nakakatampo naman to." Maarteng tampo ni George na may kasamang pout. "Alright, I'm sorry, babe." Naghiyawan ang mga nakarinig sa convo na yun ni George at ang kanyang "babe", kasama na kami ron ni Claire. At dahil may babe ngang nakuha si George sa gabing ito, hindi nga kami uuwi hanggat hindi kami makakaakyat sa taas. Nasa ground floor kasi ang restaurant ng Frontrow, at sa taas naman ang club. Parang baliktad nga eh, kasi aakyat ka pa para makapag club, tapos delikado kapag may lasing na bababa. So far, wala namang naaaksidente, may elevator naman kasing ginagamit sa mga lasing na lasing na talaga. 30 minutes pa raw bago kami makakakain kasi may pinahabol na luto sila Hannah. Duon ko lang rin napansin kung sino sino ang nakapunta. Hindi kami kompleto, may anim na hindi nakadalo, kasama na si Drake. Anduon naman sina Justin at Blaze. I don't know if its a good thing pero nagpapasalamat akong wala siya. "May single ka bang kasama diyan babe?" Narinig kong tanong ni George kay Zachery. Nalaman rin namin ang pangalan ng babe ni George. Ayaw pang sabihin eh, baka raw maagaw sa kanya. Kung hindi pa siya tinawag ng mga kasamahan niya sa kabilang table hindi namin malalaman. "Bakit? You want another man?" "Ohh~" sabay na reaksiyon namin ni Claire sa sinabi ni Zach. "Oh, don't get me wrong babe. You are perfectly enough for me. I have two single friends, you see." Tinuro niya ako gamit ang nguso. "That one just got out of a 3 year relationship. Broken. Baka may ma ireto ka diyan." "What the hell George?!" Gulat kong sabi. Tumawa naman si Claire sa reaksiyon ko. "Oh" Tumingin siya sa mga kasamahan niya. "Well, I have 3 untaken friends over there. The other two are taken. Take your pick." Tumawa si Claire sa sinabi ni Zach. "Thanks for the offer Zach, but Alex and I are not interested right now. Although they're all handsome, we don't have any interest right now." "There's no problem with that. Take your time, in fixing what needs to be heal. There's ample of time for that matter." He look at me, before turning to George. "I agree with him." Claire turn to me and smile. Tinuro niya ang puso ko. "This one needs to be fixed first bago ka pumasok sa relasyon." Nagkwentohan kami ni Claire sa ibang bagay, habang si George ay nakikipag harutan kay Zach. "Finally! Food is here!" Biglang sigaw ni Michael. Kinantahan muna namin si Hannah ng Happy Birthday. May pa cake at flowers pa si Michael na hindi alam ni Hannah. Pagkatapos ng kaunting pasasalamat, kumain na kami. Saamin na rin kumain si Zach na katabi ni George sa harapan namin ni Claire. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Justin. "Drake." Nabitin sa ere ang isusubo ko sana. Nakita yun nina Claire at George. "s**t! Stay calm Alex. Ikaw rin George." Pabulong na sabi ni Claire samin ni George. Nagpatuloy ako sa pagkain na parang hindi apektado. Pinilit kong kumalma, kahit na sobrang lamig na ng pakiramdam ko. Ganun pa man, ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Nakatalikod kami ni Claire sa paparating, habang kita naman ni George at Zach si Drake na papalapit. "Hannah, happy birthday. I hope you dont mind." Sabi ni Drake na ngayon ay nasa malayong banda namin. Nasa kabilang dulo kasi ng table sina Hannah, habang kami, nasa kabila naman. "Dinala talaga rito? What the heck?!" Bulong bulong ni George na umabot sa tenga ko. Nag taas ako ng tingin kay George. Napansin ko kaagad ang tingin ng katabi nitong si Zoey. Pabalil balik ito ng tingin sakin at sa kabilang dulo. Saka ko lang napansing halos lahat pala nakatingin sakin. Tumingin ako sa tinitingnan ni Zoey. "Uh, thanks Drake. I-" Tumingin sakin si Hannah, parang hindi mapakali. Nakatayo na siya ngayon at nakakunot ang noo. Ngumiti ako sa kanya ng pilit, may pakiramdam kasi akong naghihintay siya ng reaksiyon ko. "I don't mind." Yumuko siya matapos sabihin yun. "Thanks Han. Happy birthday!" Masiglang sabi ni Amara. Tumango lang si Hannah at umupo na. Tumingin ulit siya sakin na nag sosory. Umiling ako sa kanya at tumingin ulit kina George sa harapan. Naka taas ang isang kilay nito habang nakatingin sa dalawang bagong dating. Napatingin ako kay Zach na nakatingin narin sakin ngayon, gaya ng ibang kaklase namin. "Dito na Drake." Tumayo sina Justin at Blaze para maglahad ng upuan nila. Nasa bandang gitna sila kaya mapapansin mo talaga. Tumingin muna si Blaze sakin bago tuluyang umalis. Lumapit naman dito ang dalawa. Ng uupo na sana si Amara, nilagay ni Drake ang dalawang kamay sa magkabilang baywang upang pigilan. Rinig ko ang pag singhap ng mga katabi ko. Tumingin ako kay George ng gumawa ng ingay ang tinidor na nilapag niya sa pinggan. Napatingin na rin ako kay Zach dahil nakatingin siya sa kamay kong mahigpit ang hamak sa kutsara. Agad ko tong binitawan at nilagay ang kamay sa ilalim ng mesa. "Uh, guys, this is Amara." Tumingin si Drake sa aming kaklase bukod sa banda namin. "These are my classmates." Pakilala niya. "Nice meeting you all." Maiksing sagot ni Amara bago tuluyang umupo. Hindi na siya pinigilan pa ni Drake. Nagpatuloy ang dinner na ang maririnig mo lang ay ang ingay galing sa mga boys. Tumahimik na rin si George. Hindi na ako nagpatuloy pa sa kinakain. Uminom na lang ako ng tubig habang si Claire kay nawalan na rin ng gana. "Want me to introduce her to someone?" Zach ask George. "Wag na Zach. Thanks for the offer." Ang bilis namang mag bago ng desisyon nitong si Zach. "Alexandria, introduce lang naman. Wag ka ngang OA jan. Beside, mag cluc-club pa tayo, malungkot walang kasama inday!" Pabulong nitong sabi. "Parang nakalimutan mo ang role ko kabag nag clu-club tayo ah?" Nagpatuloy pa siya sa pangungulit sakin about sa offer ni Zach na consistent ko namang tinuturn down. Hindi ko na sinubukang tumingin sa gitna ng lamesa namin. Pinigilan ko ang malakas na hatak ng koryusidad at nag concentrate sa pagtuturn down kina Zach at George. Pagkatapos na pagkatapos kumain ay pumunta agad ang grupo sa taas. Sumama samin si Zach dahil nasa taas daw ang kanyang mga kasama, nauna lang ng kunti samin. Sumama na rin sina Drake at Amara samin. Mabuti naman at nauna na silang umakyat kaya hindi ko na masyadong napapansin. "Sa kabilang table na lang tayo?" Claire asked. "Or sa counter? Walang tao. Para madali tayong maka alis." Nasa gilid kasi ng exit ang counter kaya madali ka talagang makakalabas. "Wala na ring table mga bruha. Bat ba kasi ang tagal niyong mag cr? Naubusan tuloy tayo." George said. Zach chuckle. "Pwedi naman sa table namin." "Uh, sa counter na lang kami Zach." I said. "You can bring George with you." Claire instantly said after kong matapos. Hindi na namin hinayaan pang makapag salita sina George at Zach, sabay na kaming umalis ni Claire patungong counter. Claire ordered tequila habang ako, nag Cacali na naman. "What would happen if you'll drink ample of alcohol?" "Mamamatay ako Claire." "Wala talagang remedy yan?" "The only remedy is to avoid drinking." Uminom ako sa cali kong nasa kamay. "Besides, Im all good. It's not like I like the taste of it." Nag-usap pa kami about sa mild allergy ko sa alcohol. Naka ubos na siya ng tatlong shot ng tequila ng may lumapit samin sina Hannah. "Alex sorry. We didn't know you two have broken up already. Hindi ko na sana siya inimbita." "It's okay Hannah. Pasensiya na, naging awkward tuloy ang dinner mo." "No no. It's okay. Ako nga dapat mag sorry ehh." "No Hannah. It really is okay. Hindi mo rin naman kasi alam. It's my fault. Okay?" Tumango siya sakin. "Let me treat you with your drinks then." Siya nga ang nagbayad ng drinks namin. Dinagdagan pa niya ng shots si Claire, habang ako may isa pang Cali. "Hindi ka ba nalalasing diyan?" I ask Claire ng lagukin niya ang isa pang shot. "Hindi naman masyado. Mataas tolerance ko dito eh." May mga lumapit pa sa counter para mag order ng drinks. Nakikiusisa na rin sa hiwalayan namin ni Drake. While George is busy on Zach's table, busy rin kami ni Claire sa pag eentertain sa mga tanong. Hindi na ako sumayaw sa gabi na yun. Bukod sa inaantok na, kitang kita ko rin paano nakasandal ang ulo ni Drake sa balikat ni Amara, habang ang isang kamay nito ay nasa baywang. Nakalagay naman ang isang kamay ni Amara sa paa ni Drake. Nilagok ko ang kalahating Cala na iniinom ko. Alam ko sa gabing ito, hindi ako makakatulog. Magiisip ng mga bagay bagay. Kung iiyak man, iiyak lang kapag wala ng kasama. Kapag mag-isa na lang. I sigh. I can't wait to get over this feeling. Tumingin ako kay Claire na nakatingin na rin pala sa tinitingnan ko. "I wish time fly faster this time." I unconsciously said. Lumingon siya sakin. "I hope it will." (Song Recommendation: Remind Me To Forget by Kygo ft. Miguel)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD