Chapter 15
Malalim na ang gabi nang mag pasya silang tapusin na ang kasiyahan. Kanya kanya silang pumasok sa tent habang ang iba ay nagliligpit ng mga bote ng alak.
"Hey." Tawag ko kay Gray ng hindi pa siya tumatayo sa inuupuan.
"Hmm?" Nakapikit niyang tanong.
"Pumasok ka na sa tent niyo. Andoon na ang iba."
"Papasok ka na rin?"
"Magliligpit lang ako saglit, papasok rin ako after."
Tumango siya bago tumayo.
"Goodnight."
I nodded. He walked toward where their tent was. Nag umpisa akong magligpit ng mga plastic cups sa mesa ng tawagin ako nila Samantha.
"Gwen, bukas na yan. Pahinga na tayo."
"Gwen, pasok na." Halos nakapikit nang sabi ni Dorothy.
"Susunod lang ako, tapusin ko lang to saglit."
Hindi na ako nag antay pa sa sasabihin nila at nag umpisa ng magligpit. Nilagay ko sa isang plastic bag ang mga cups, habang ang mga lata ay sa ibang plastic bag naman. Tumalikod ako para sana ilagay ang mga basura sa malapit na bin.
"Freak!" Nabitawan ko ang mga plastic bag at napahawak sa tapat ng puso.
Nanlalaking mata akong napatingin kay Felix. Akala ko wala akong kasama kaya nagulat akong may nakatayo malapit sakin. Nakapamulsa siya habang nakapikit, nagulat ko yata kanina kaya naka bukas na ang mga matang nagtatakang nakatingin ngayon sa akin.
"Don't do that." I said.
"Do what?"
Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin habang naka kunot ang noo. Nang nasa tapat ko na, kinuha niya ang mga plastic bags na kanina lang ay hawak ko.
"Freak someone out."
"Did I freak you out?"
Obviously Mr. I rolled my eyes. "Yes! Akala ko wala akong kasama."
The right corner of his mouth lift, as if forming into an amuse grin. Matangkad siya kaya kaylangan kong tumihaya para makita ang kanyang mukha.
"It's not funny you know."
Hindi niya na napigilang tumawa ng bahagya. "Don't roll your eyes on me, hindi ganyang klaseng ikot ng mata ang gusto kong makita sayo."
"What?" Lito kong tanong.
"I would like to think you're freaked out because of my mere presence, but I know it's the other way around. Nagulat ka kasi hindi mo alam na andito pa ako. Right?"
Ha? "Uh, yes?"
"Hmm. So unsure Ms. Gweneth."
"Nagulat ako kasi akala ko pumasok ka na sa tent niyo. I wasn't expecting you to be here ng umalis ka kanina sa inuupuan mo. Besides, all the boys are inside already, so I thought you're inside too."
I wasn't even sure why I am explaining right now. Siguro kasi ayokong namimisinterpret.
Tumango tango siya. "Crystal."
I rolled my eyes again bago tumalikod na sa kanya para iligpit ang mga disposable na gamit. Lumalabas ang pagka maldita ko kapag natatakot, it's like a defensive move for me. I heard him sigh.
"God Gweneth, stop rolling your eyes."
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagliligpit ng mga gamit. Hindi ko na siya maramdaman kaya naisip kong naglalagay ng basura sa malapit na bin. Kumuha ako ng tissue para ipamunas sa lamesa, tinupi ko na rin ang ibang upuan para mailagay sa pick up ni Felix kasi duon yun nanggaling kanina.Ng mailagay ko na sa sasakyan ang mga upuan saka lang siya nakabalik galing sa hindi ko alam.
"Thanks. Pasok na ako." I said.
"See you tomorrow, goodnight." Nakapamulsa niyang sabi.
Tumango ako at tumalikod na sa kanya. Bago ako tuluyang nakapasok sa aming tent, narinig ko siyang nagsalita.
"Yeah, you too Felix."
Kinabukasan, maaga kaming apat nagising. At dahil kami ang nauna, kami na rin ang nag handa para sa agahan. Nang matapos kami sa paghahanda ginising na nila Samantha at Agatha ang mga natutulog pa.
"Ang hirap nilang gisingin ah." Agatha said.
Siya kasi ang nag try sa pag gising sa mga lalaki. To no avail, we decided to eat breakfast first. Hindi na namin pinilit ang mga lalaking magising. Patapos na kaming kumain ng nagising ang iba sa kanila. Naunang lumabas sina Andy at Gray.
"Uy, ang daya ng mga babae. 'Bat di niyo kami ginising?" Andy asked.
"We did! Tulog mantika kaya kayo."
Habang papalabas pa ang iba sa kanila, nauna ng upupo ang dalawa sa bakanteng upuan. Huli kong nakitang lumabas si Felix. Nakabusangot ang mukha habang nakatingin sa mesa.
"Mukhang lugi tong isa ah?" Quinn teased.
"Kulang sa tulog Lix?" Dorothy seconded.
Hindi niya pinansin ang dalawa at naupo na. Nagumpisa na silang kumain habang kami ay naghahanda na para sa hiking. I fixed my hair in a bun para hindi sagabal. Hindi naman malayo ang lalakarin just to get at the top of the mountain. May tourist guide naman kaya walang mawawala. We'll have our lunch there, kasali na sa binayaran namin fee bago makapasok sa camping site kahapun so we're good.
"Magandang umaga po, tawagin niyo na lang akong kuya Rico. Ako ang maghahatid sa inyo sa taas as pabalik na rin."
Tamang tama ang pag dating ni kuya Rico dahil lahat ay nakahanda na para sa hiking.
"May mga makakasama po ba kami sa hiking kuya? Kasi may nakita rin po kaming naghahanda." Quinn asked.
"Ah, may mga mag hihiking rin pero sa inyo, isang grupo lang kayo kasi labing apat naman kayo kasya na sa isang grupo. Tayo ang mauuna sa kanila."
"Okay po."
"Audrey, yung camera wag mong kalimutan. Please." Dorothy said.
"Na check na mahal na prinsisa. Ready to go na ang camera."
Bago kami tuluyang umalis chineck muna bawat isa sa amin kung completo pa kaming labing apat. Nang masiguro naming wala ng nakalinutan nagumpisa na kami. Audrey always took some photos whenever she sees an opportunity to. Kanina nga bago kami umalis ay nag papicture muna kami. Mabuti naman at marunong si kuya Rico sa pagkuha ng mga pictures kaya hindi naging mahirap ang group pictures namin.
Sa mahigit isang oras naming paglalakd, ang dami ng nakuhang litrato ni Audrey, solo pics, selfie at kung anu-ano pa. Paminsan minsan ay pinapalitan siya ni Jessica. Sa sumunod na mga minuto ay naramdaman ko na ang pagod. Paminsan minsan na akong humihinto para maka magpahinga saglit at magpapatuloy kapag tinatapik na ako ni Audrey, siya kasi ang nasa dulo dahil sa kumukuha siya ng mga litrato.
"You good? Kaya pa?"
Hindi ko napansing nakasabay ko na pala si Gray sa paglalakad. Nasa unahan kasi sila ni Felix habang ang ibang mga lalaki ay sa magkabilang gilid. Sa likurang bahagi si Chad kasama si Audrey.
"Pagod na, pero kaya pa naman." I said.
"Gusto mong magpahinga muna? Pwedi naman nating e request kay kuya Rico."
Mabilis akong umiling. "Wag na, mawawala rin tong pagod kapag nasa taas na tayo."
True enough. The moment we reached the top of the mountain, lahat ng pagod ay nawala. It's so breathtakingly beautiful. Kita sa di kalayuan ang dagat, ang bayan at ang mga kakahuyan.
"How was it?"
Kung kanina si Gray ang kausap ko, ngayon ay si Felix naman ang kumausap sa akin.
"Beautiful."
Hindi ko na napigilang kumuha rin ng nga litrato gamit ang aking cellphone. I recorded the beauty in front of all of us. Audrey is busy shouting to pose everytime may kukuhanan siyang litrato. Natapat sa amin ni Felix ang camera kaya kaylangan naming umikot para makaharap sa kanya.
Ibinaba niya ang kanyang camera at tiningnan ang kuha.
"Groupie naman. Kuya Rico pakuha naman po kami." Ibinigay ni Audrey ang camera kay kuya Rico.
"Sa likod ang mga lalaki, sa harap ang mga babae." Sabi ni Quinn. "Chad! Sa likod ka."
Kumuha pa kami ng mga litarato sa ibat ibang pwesto. May isang malawak na bato roon at napag pasyahang umakyat at pagkasyahin ang mga sarili namin para sa picture.
"Closer pa po."
Sabi sa amin ni kuya Rico. Nasa dulong bahagi ako kaya lagi akong nakaka apak sa labas ng malaking bato.
"Nahuhulog ako, sandali lang." Sabi ko.
May isang kamay ang humawak sa kanang balikat ko para pigilan ako sa pagkahulog.
"There."
I flinched. Goosebumps run throughout my body. Buti na lang naka long sleeve ako kaya alam kong hindi niya ramdam. Pero alam kong damdam niya ang pagka tigil ko dahil sa ginawa niya.
"Smile." He said.
Ngumiti ako sa camera, sana hindi halatang pilit. I know there and then, that warm big hand will linger on my mind. It was comfortable, so comfortable actually that I wanted that hand to stay right there, to stay on me.
(Take me home by Cash Cash ft. Bebe Rexha acoustic version)