Hindi mahinto ang pagtitig ko sa magandang kalawakan. Kasabay ng pag-ihip ng hangin sa dalampasigan ay ang bangong dinadala nito.
Gabi na, kaya nakikita ko na ang mga butuin sa langit, ang pagningning nito ay bahagyang nagre-repleksyon sa dagat.
"Seriously? We've been waiting here for half an hour and we still didn't see even just a single of a falling star"
Ang nakakainis na tonong yung ang pumigil sa akin sa pagmumuni-muni.
Inis ko syang nilingon, pero nagulat ako nang makitang nakahiga na sya sa damuhan, ginawa nyang unan ang magkabila nyang braso atsaka ipinikit ang mga mata nya.
"Psh. Maghintay ka!" inis kong inalis ang paningin ko sa kanya at inayos ang upo ko at tumingala ulit. Nagbabakasakaling mahagip ng mga mata ko ang kanina pa naming hinihintay....... Falling star.
Pero tama nga sya, kalahating oras na kaming naghihintay dito pero wala pa rin.
Napabuntong hininga ako kasabay ng pagihip ng hangin, nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na idinulot niyon.
Nagulat ako ng may biglang pumatong sa balikat ko. Nakita ko ang isang pamilyar na coat ang nakapatong doon.
"Baka magkasakit ka. " Hindi ko man sya lingonin, alam kong walang reaksyong mababakas sa mukha nya.
"T-thanks"
Umupo na sya sa tabi ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Dito ako pumupunta tuwing hindi maganda ang mood ko....... Ito ang nagpapakalama sa akin, dito ko rin madalas nakikita ang mga falling star, "kwento ko, bahagya pa akong napangiti dahil sa mga magagandang ala-ala ko dito. Tinignan ko sya, pero hindi nagtama ang mga mata namin dahil nakatingala sya sa kalawakan. "... Pero ayaw magpakita ng falling star ngayon eh, gusto ko pa namang humiling. "
"You can wish on me........ I will grant it, " bahagya akong natawa dahil sa sinabi nya.
"Eh hindi ka naman Falling Star para humiling ako sayo, " natatawang sabi ko pero natigil lang yun ng makitang seryoso sya.
Bahagya pa akong tumikhim at tumingin ulit sa kalawakan.
"I can be your own star.........Falling for you. "
Napatingin ako sa kanya pagkatapos nyang sabihin yun, bahagyang kumunot ang mga kilay ko ng makitang seryoso pa rin sya at nakatingin pa rin sa kung saan. Nagulat ako ng salubungin nya ang mga titig ko, na bahagyang nagpabilis sa t***k ng puso ko.
_______________
Someone's POV
Nandito ako ngayon sa sikretong kwarto. Nakaupo ako at nagbabasa ng dyaryo. Nahagip ng mata ko ang isang artikulo na nagsasaad sa walang awang pagpatay sa isang buong pamilya. Pinagbabaril ang mga ito at walang awang pinagsasaksak at isinilid sa isang kwarto sa kanilang tahanan.
'Heather'
Nabaling ang atensyon ko nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi na ako nagtaka at pinapasok ko na sya. Pumunta naman sya at umupo sa kaharap kong sofa.
"Pinapatawag nyo daw po ako Chairman?" tanong nya. Humigop muna ako ng kape bago magsalita.
"Gusto kong bantayan mo ang bunsong anak ng pamilyang ito, " iniabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon.
"Naglalaman ang folder na iyan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang pamilya, nandyan na rin ang litrato ng kanilang bunsong anak. Manmanan mo at bantayan ang bawat kilos nila, malinaw ba?" napatingin ako sa kanya. Bakas ang pagkagulat sa mga mata nya. Pinaningkitan ko pa sya ng mata dahilan para mapatungo sya at mapatitig sa sahig.
"Y-yes Chairman, I w-will, " nakatungo pa rin ang ulo nya para maiwasan ang mga titig ko sa kanya.
"Good you can go," sabi ko at tango na lang ang sinagot nya.
"And wait........ Remember na sa pang 18 nyang karawan dalhin mo sya sa akin. Protektahan mo sya dahil alam kong gusto rin syang makuha ng mga kumakalaban sa atin," pagpigil ko sa kanya bago pa sya maka alis.
"Y-yes Chairman."
"Okay. Thank you, " atsaka humigop ulit ng kape at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Batid ko namang nakatingin sya sa akin. Tinignan ko pa sya pero nag iwas din sya ng tingin at tumayo na upang lumabas.
'Kaunting panahon na lang at magsisilbi rin ang anak mo sa akin Heather'