Chapter Three

3757 Words
Scarlett POV Natapos ang klase pero heto wala pa rin ako sa wisyo. Ewan ko ba pero matapos yung mga nangyari sa buong araw parang hindi na kinaya ng utak ko na makinig sa mga lecturers. Hayst lalo na yung mga ginawa ni Luxian at yung mga sinabi nya sa garden. Shett ano bang nangyayari sayo Scarlett?! umayos ka! "Hoy Scarlett! hintayin mo nga ako!" nabalik ako sa katinuan ko dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Alice. Psh. bunganga talaga neto! kahit kailan ay dios mio! "Ano ba? yung bunganga mo!" "Oh ano bang meron sa bunganga ko?" "Psh! napakaingay mo kasi!" "Thank you!" "Hay bala ka nga sa buhay mo! napaka———hayst!" "Tch! bakit kasi hindi ka naghihintay ha?! may date ka ba?!" "Bakit kasi ang kupad kupad mo kumilos!" "Tch may sasabihin kasi ako sayo!" "Ano?!" "Ay galet?" "Oo!" "Tch!" "Sabihin mo na kasi!" Tumingin tingin pa sya sa paligid bago lumapit sa akin. Ano kaya sasabihin nitong babaeng to! "Mamaya na lang sa parking lot masyado kasing maraming tao dito eh" bulong nya sa akin na nagpatuloy pa rin sa pagtingin tingin sa paligid. Nababaliw na ata ang isang to. "Psh bala ka nga dyan, bilisan mo!!" "Yes boss!" Naglakad na kami papunta sa parking lot. Napahinto ako sa paglalakad ng manahagip ng mata ko si Mike, tch at kasama nya si babaeng nerd. Nakakainis panoorin kung paano silang sabay na nglalakad papalabas ng school. Inis kong inalis ang paningin ko sa kanila at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakita ko pa nabahagya pang nakatingin sa akin si Alice pero hindi ko na yun pinansin, siguro ay nagtataka sya kung bakit ako napahinto kanina. Nang marating namin ang parking lot agad kong kinuha yung susi ng kotse ko sa bag. Yes may kotse ako at hindi lang pala ako pati si Alice, Mike at halos buong studyante sa campus may kotse, pero yung iba sarili nilang service ang gamit nila. Agad kong nilapitan yung kulay pink na kotse katabi nya yung kotse ni Alice na kulay maroon. "Scarlett" tawag sa akin ni Alice. Hinarap ko naman sya at nagulat ako nang pagharap ko seryosong nakatingin ng diretso si Alice sa mga mata ko. Oh no pinaka ayaw ko sa part ni Alice ang pagiging seryoso masyado huhuhu. "A-alice wag ka namang ganyan..... ang s-seryoso mo" "May importante akong sasabihin sayo" "A-ano yun?" Bumuntong hininga muna sya bago sya tumingin ng seryoso ulit sa akin. "W-wag ka ngang masyadong seryoso Alice! n-natatakot na ako sayo eh" "Tch! wag kang matakot sa akin, mas matakot ka dun sa babaeng nerd" "B-bakit?" "Narinig ko sya kanina siniraan ka nya kay Mike.Pinalabas nya na sinadya mo yung gawin sa kanya" "What?!" "Oo at nung umalis si mike at naiwan sya narinig ko yung masama nya plano" "Oh? ano daw?" "Balak ka nya siraan sa lahat ng studyante rito para maalis ka sa Royal Queens" "Ano?!" "Gusto ka nyang sirain—————" "Oo alam ko narinig ko!" "Aba eh narinig mo pala bakit nag tatanong kapa?!" "Psh! pakihinaan mo nga yung boses mo!" mahinang sigaw ko sa kanya atsaka nagpaling linga sa paligid. Nang ma kompirma kong wala naman ng tao dahil nagsiuwian na sila tumingin naman ako kay Alice na seryoso pa ring nakatingin sa akin. "Tch. Oh eh anong plano mo" "Uunahan ko sya" "Anong uunahan?" "Bago pa sya makagawa ng mga masasamang balak nya uunahan ko na sya at pipigilan. Kumbaga eh tatakbo pa lang sya nasa finish line na ako" "Naks dyan ka magaling eh, sa pagyayabang........pero sana nga ganon kadali syang pigilan" nagulat naman ako sa naging sagot nya. Ano nanaman kaya ibig sabihin nito "What do you mean?"tanong ko sa kanya pero ngumiti na lang sya sa akin. "W-wala sige na sakay kana sa kotse mo. Kita na lang tayo bukas!" Paalam nya pa sa akin habang nakangiti. Hay buti naman at bumalik na sya sa dati, kala ko magtutuloy tuloy yung pagiging seryoso nya kinabahan tuloy ako. Sumakay na lang ako sa kotse ko at lumingon kay Alice, nakasakay na rin sya sa kotse nya. Bumusina pa ako dahilan para mapatingin sya sa akin. "Kita na lang tayo bukas! Take care!" "Ghe! ingat ka din" Pinaandar ko na yung kotse ko at umuwi na. ———BAHAY——— "Buti naman naisipan mong umuwi ng maaga" lumingon ako sa living room at nakita ko doon si ate hawak hawak ang mga nagkakapalang libro. Psh sana all masipag! Tiffany Aitianna Wareyhn, ate ko. Tianna ang tawag namin sa kanya. Nuknukan sya ng talino, maganda rin sya at ang masasabi ko lang perfect sya. Lahat nga ata ng katangian nasa kanya, kaya palagi kaming pinagko kompara. Para sa paningin ng pamilya ko isa syang perpektong tao. Sya lang naman ang nangunguna sa Royal Queens. Nagkakasundo kami pero madalang lang. Mabait naman sya pero minsan masungit at ang pinaka ayaw ko sa kanya ay pinapairal nya ang pagiging ate nya sa akin dito sa bahay. Senior student sya, at kumuha sya ng kursong medisina. Hindi ko na sya pinansin at naglakad papunta sa kitchen at kumuha ng tubig sa refrigerator. Nang matapos akong uminom, pupunta na sana ako sa kwarto ko nang magsalita ulit si ate Tianna Wag nya sana akong bungangaan ngayon "Kailangan natin mag usap Aislinn" "Ano?" "Tss. Kelan ka ba magtitino ha?" "Wag ngayon ate please, pagod ako" "Tss galit na galit si daddy dahil dun sa ginawa mo!" "Bakit ano na naman bang ginawa ko ha?" "Wow nakalimutan mo na agad? may tumawag kay daddy at sinabing may binubully ka na naman daw, at wag mo na subukang tumanggi at narinig ko na rin sa ibang students" Psh. Great ako pala ngayon ang masama. "Psh narinig mo tapos ko na ngayon yung sinisisi mo? paano pa kaya kung nakita mo? ako pa rin ba sisisihin mo?" tanong ko sa kanya. Napairap na lang sya bago tumingin sa akin. "So sinong may kasalanan?" "Psh hindi ko kasalanan yung mga nangyari kanina. Mamaya ko na lang i-explain kung andito na sila mom and dad para hindi ako paulit ulit" "Okay" Tipid lang isinagot nya sa akin at ngapapasalamat ako dun. Akala ko kasi bubungangaan nya na naman ako. Dumiretso na ako sa kwarto ko at isinalampak ang sarili sa kama. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako dahilan para madali akong nakatulog. ————KINABUKASAN———— Naalimpunatan ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para magsipilyo. Tumayo ako sa harap ng salamin at napansin ko na nakasuot pa rin ako ng uniform. Minadali ko na ang pagsissipilyo at nag moutwash muna ako bago lumabas ng banyo *Tok *Tok*Tok Napatingin ako sa pintuan ng biglang may kumatok. "Pasok" sabi ko at pumasok naman si nanay Feli. Si nanay Feli ang namamahala sa bahay kapag wala kami dito. Sya din ang umaasikaso sa amin kapag wala sila mom and dad. Sya din ang gagabay sa mga iba pa naming kasambahay. Mabait at masipag si nanay feli, palagi nya akong pinagtatanggol sa pamilya ko tuwing pinapagalitan nila ako. Sya lang ang madalas ang nakasundo ko sa lahat ng mga kasambahay namin. "Pinapatawag ka doon ng daddy mo Winter, iha" "Bakit daw po?" "Aba ewan ko, andun na ang mga magulang mo at mga kapatid mo sa kusina at naguumagahan na, ikaw nalang ang wala doon" "Eh hindi pa po ako nakakaligo" "Mag almusal ka muna doon at saka ka na lang maligo pagkatapos mo. Ihahanda ko na din ang isusuot mo at pampaligo mo" "Sige ho, baba ka po don nanay feli kapag pinagalitan po ako ha?" "Ikaw talagang bata ka, oh sya sige at kanina ka pa nila hinihintay" "Sige po" Umalis na ako nang kwarto ko at dumeretso sa kusina. Nakita ko naman silang nag aalmusal na at ako nalang talaga ang hindi pa. Lumapit na ako sa lamesa at umupo na. Batid ko namang nakatingin sila sa aking lahat lalo na si daddy. Huhuhu nanay Feli help! "Good morning Aislinn" bnakangiting bati sa akin ni kuya Asher. "Good morning kuya" nakangiting bati ko din sa kanya. Fleen Asher Warehyn, kuya ko. Sya ang panganay sa aming magkakapatid. Medyo close ko sya, MEDYO LANG. Mabait si kuya Ash sa akin hindi nya ako sinusungitan pero minsan pinapagalitan nya ako kapag may ginawa akong kalokohan. Tapos ng mag aral si kuya Ash at ngayon isa na syang ganap na business man. Tama bussiness man ang gusto nya para daw matulungan nya sila daddy and mommy sa bussiness. May girlfriend na rin si kuya Ash, si ate Sendria Lae Reyvil. Mabait din si ate Sendria, para ko na rin syang totoong ate. Bussiness woman din si ate Sendria katulad ni kuya Asher. Sa aming magkakapatid mas matalino si ate Aitianna, sunod si kuya Asher, at sunod ako. Matatalino kami yun lang ang masasabi ko. Hahaha mayabang ako? Oo Nagsimula na kaming kumain at nag kwento naman si kuya Asher tungkol sa pagpapatakbo ng bussiness namin sa ibang bansa. Habang si ate Aitianna naman ay nagkwekwento tungkol sa pagaaral nya ng doctor. 'Psh pasikat.' Pagnandito kasi ako sa bahay minsan lang ako magyabang, pero pag sa ibang lugar ako, hindi mo gugustuhing makita akong nagyayabang dahil simula pa lang taob kana. "Aislinn ano itong nabalitaan ko na may binubully ka na namang studyante sa school nyo" napatingin ako kay dad sa sinabi nya yun. "H-hindi ko po sya b-binubully" "Eh ano tong sabi nilang tinulak mo sya sa loob ng gym at hinagisan mo sya ng pagkain sa mukha. Tama ba yun?" tanong ni dad na diretsong nakatingin sa mga mata ko.Ako na ang nagiwas ng tingin, dahil kahit sino hindi matatagalan ang ganoong titig ni dad. "Hindi ko po sya binubully" ulit ko pa sa sinabi ko kanina. Nagulat ako sa biglaang paghampas ni dad sa lamesa gamit ang dalawang kamay nya at nanggagalaiting tumingin sa akin. Seryoso lang akong tumingin kay dad. Hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari. "Yan na lang ba ang sasabihin mo? hindi ka na magpapaliwanag?" halata ang galit sa mga mata ni dad. Pero seryoso lang akong tumingin sa kanya. Sanay na akong palaging pinapagalitan hindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena "Kung magpapaliwanag po ba ako.........maniniwala kayo?" unti unti nang nangilid ang mga luha na ngababadyang tumulo. Heto ang hindi ko pa sanay, ang kontrolin ang luha ko. "Anak umayos ka!" sigaw sa akin ni mommy dahilan para sya naman ang tignan ko. Tinignan ko pang kabuuan ko at tumingin ulit kay mommy. "Maayos naman po ako" blangko ang emosyong sinabi ko yun. "Aislinn!" sigaw ni dad at matalim na talagang nakatingin sa akin. "Umayos ka anak! magpaliwanag ka sa daddy mo" sigaw ulit sa akin ni mommy. Napabuntong hininga na lang ako bago mag salita. "Kaninang umaga sa gym binunggo ako nung babaeng nerd kaya tinulak ko sya. Kanina naman sa canteen pinatid ako ni Daisy kaya tumilapon yung hawak kong pagkain papunta sa mukha nung nerd" sabi ko pa atsaka tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni kuya Gab. Tinignan ko lang sya bago tumingin sa kanila isa isa. "Kayo na pong bahala kung gusto nyong paniwalaan ang sinabi ko o hindi. Busog na ako aakyat na po ako sa kwarto may pasok pa po kasi ako" mahinahon ngunit seryosong sabi ko. Narinig ko pang sumigaw si dad pero hindi ko yun pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Naabutan kong papalabas na si nanay feli at nakita nya naman ako. Tumingin pa sya sa kabuuan ko. "Ako nang bahala magpaliwanag kung bakit ganyan ang suot mo" bulong nya sa akin atsaka ako nginitian bago bumaba. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Suot ko pa kasi yung uniform ko kahapon hindi na ako nakapagpalit kagabi kasi pagod talaga ako. Pumunta na ako sa banyo atasaka naligo. Hindi ko na mapigilan humagulgol pagkasara na pagkasara ko nang pinto. Napaupo na lang ako atsaka niyakap ang mga tuhod ko at umiyak ng umiyak. Wala silang pinagbago, noon hanggang ngayon ganyan pa rin sila Tumayo na ako at naligo na. Ilang minuto pa bago ako lumabas ng banyo. Isinuot ko na yung uniform ko na inihanda ni nanay feli kanina. Pinatuyo ko pa yung buhok ko atsaka iyon isinuklay, naglagay din ako ng clip na may design na flower and pearls at iniipt yun sa gilid ng buhok ko. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili ko kung maayos na ba. Napatingin ako sa uniform ko. Maganda ang kulay at disenyo nito Longsleeve na puti na, may neck tie na violet. Meron ding coat na pink na nakapatong sa longsleeve, tanging yung neck tie lang yung makikita kapag ibinutones sa baba yung coat. Stripes na violet and pink na skirt para sa pang ibaba, mahabang medyas na hanggang tuhod at black shoes para sa talampakan. Mamimiss ko rin tong uniform na ito nakakatawa na masyadong pang babae ang kulay nito, kaya karamihan ng mga lalaki ang umaangal dito. Lumabas na ako nang makuntento na ako sa itsura at dumiretso na sa garahe namin. Sumakay na ako ng kotse ko pinaandar yun. Hindi na ako nagpaalam pa dahil hindi ako handang harapin sila. ———SCHOOL——— Nag park na ako sa parking lot at lumabas. Nagpalingalinga ako sa paligid para hanapin yung kotse ni Alice, pero wala pa. Unti pa lang ang nakapark na mga kotse. Medyo maaga pa siguro nung umalis ako sa bahay. Tinawagan ko naman si Alice. Agad nya naman iyong sinagot "Hello?" sagot nya habang humihikab pa. Anak ng kagang kakagising nya lang? "Kakagising mo lang?!" tanong ko sa kanya pero tumawa lang sya sa kabilang linya. "Napasarap ang tulog ko eh hehehe" "Psh kahit kailan talaga oh" "Tch bat ba ang aga mo ngayon ha?!" "Psh masama bang pumasok ng maaga?! "Oo hahahaha" "Psh bala ka nga dyan!! hindi na kita hihintayin!" "Ghe hahaha!!" "Tawa ng tawa!! o sige bye na!" "Bye! muahh hahaha" Binaba ko na ang linya. Inis kong usinuksok yun sa bulsa ng coat ko. Patawid na sana ako ng biglang may humarurot na kotse sa harap ko. Woah! muntik na ako dun ah! Inis kong sinundan ng tingin yung kotseng yun. Nagpark sya sa tabi ng isa pang kotse na nakapark sa tabi ko. Inis ko yung nilapitan ang kotseng yun atsaka kinatok. Bumukas na yung pinto ng kotse at lumubas ang isang lalaking may blangkong tingin. Luxian Bigla ay na - pipi ako at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "What?" blangko ang reaksyon nyang tanong nya sa akin. "A-ah k-kasi........" naputol yung sasabihin ko ng biglang syang ngumisi at nilagpasan ako dahilan para maiwan akong nakatayo dito. What the hell "Hoy!!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya at kita ang walang kaenteres sa mga mata nya. Nainis naman ako dahil dun. "A-ang lakas naman ng loob mong talikuran ako matapos mo akong muntikan patayin!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya, nagtatakang reaksyon naman ang sinagot nya. "Wow! maang maangan? psh, eh muntik mo na kaya akong masagasaan" Nakakagigil amp! lumapit ako sa kanya at tinitigan sya ng masama. "Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry" "Bakit namimigay ka ba?" nakangising tanong nya sa akin. Parang umakyat lahat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko at handa na itong kumulo. "What?!" malakas na sigaw ko. Pinipilosopo ako neto eh hmp! "Tsk" singhal nya habang nakangisi pa rin. "Hoy sinadya mo yun eh no?" galit na tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako sa biglaang pag seryoso nya. "Kung sinadya ko yun..........malamang isa kanang malamig na bangkay ngayon" malamig at seryosong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. Agad ko naman iyong iniiwas. Tinalikuran nya na ako at nagsimula nang pumasok sa school. Gusto ko syang habulin pero parang hindi ko magawang ihakbang yung mga paa ko. Naiwan akong nakatayo at pinagmamasdan syang maglakad. _____________ Luxian POV (first time ko sya gagawan ng POV hehehehe enjoy reading!) Nakasakay ako ngayon sa kotse ko at pasimpleng nagmamanman sa labas ng isang mall. Kanina pa ako dito hinihintay syang lumabas, sana lang ay hindi nya makatunog sa pag mamanman ko sa kanya. Tumingin ako sa relo ko. Alas sais pa lang ng umaga kaya marami pa akong oras para sundan sya. Ilang oras pa akong nag abang sa labas hanggang sa mahagip na sya ng mga mata ko. Papalabas na sya ngayon ng mall at sumakay na sa kotse nya at pinaandar ito. Pinaandar ko na rin ang akin at pasimple pa ring sumusunod sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla nya binilisan ang pagpapatakbo nya. Sigurado akong nakatunog na iyon. Napangisi na lang ako at saka binilisan din ang pagpapatakbo. Medyo naaabutan ko na sya pero ang mga papasalubong na kotse ang sumasagabal sa akin. Mas bumilis pa ang pagpapatakbo nya ng kotse kaya binilisan ko na rin. Nagulat ako ng bigla nya iyon inliko sa makipot na daan at wala akong choice kung hindi ang sundan sya. Wala na akong pakialam ngayon kung gaano na kabilis ang pagpapatakbo ko ang mahalaga ay ang mahabol ko sya. Nang lumiko ako nagulat ako ng wala na sya doon. Tsk walang kupas magaling ka pa rin talaga magtago......Pero sa akin hindi ka makakaligtas. Agad akong humarap at pinigilan ang ambang pagsak sak nya sa akin. Tinaas ko iyon at sinipa dahilan para tumalsik yung kutilyo sa papunta sa sahig atasaka ko sya sinipa sa tyan dahilan para tumalsik din sya. Kitang kita ko ang sakit na idinulot nyon sa kanya. Nag angat sya ng tingin atsaka pinahid ang dugo sa bibig nya dahil dun sa pagsipa ko sa kanya. Ngumisi naman sya at parang natatawang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at bahagyang umupo atsaka seryosong tinignan sya. Halata ang gulat sa mga mata nya, pero pilit nya itong tinatago. "Tss wala ka pa rin talagang kupas no? maski babae kaya mong saktan" sabi nya pa sabay dura at mgumisi nanaman. "Tsk kayang kong manakit ng kahit sino lalo na yung kasing engot mo" sarkastikong sabi ko. Nawala ang ngisi sa mukha nya at napalitan ito ng inis. "Ano bang kailangan mo Luxian?" "Hmm ano nga ba ang kailangan ko sayo Greta?"hinihimas himas ko pa yung baba ko na kunwaring nag iisip. Tumingin ako sa kanya at mas lalong nadagdagan ang inis sa mga mukha nya. "Dont you dare call me by that name b***h! or else......" pagpuputol nya sa sasabihin nya. "Else what??" "I will kill you" Nakakalokong ngumiti ako sa kanya bago magsalita "Bago mo ako mapatay....... sisiguraduhin ko hindi ka na humihinga" malamig na sagot ko dahilan para matigilan sya. "H-hindi mo ako kaya!" "Hindi mo pa talaga ako kilala...... kaya kitang patayin sa isang segundo lang " malamig na sabi ko sa kanya atsaka pinulot yung kutsilyo at pinagmasdan yun bago tumingin sa kanya. "Bakit hindi mo gawin? tss natatakot ka———"hindi nya na natapos yung sasabihin nya at gulat na napatingin sa kutsilyong nakabaon sa pader sa gilid ng mukha nya. Oo pinalipad ko iyon papunta sa kanya pero hindi ko balak tamaan sya dahil may importante akong kailangan sa kanya. "Hindi ako kasing engot mo na pumapatay bigla bigla, dahil gusto kong may pakinabang muna sila bago nila lisanin ang mundo" "Anong ibig mong sabihin?" 'Tsk slow amputik!' "Ang engot mo na nga slow ka pa" "Bakit mo ba ako sinusundan? Dahil ba sa babaeng yun?" "Siguro......Oo.......ano sa tingin mo?" "Hindi ko alam na kailangan mo munang magmanman bago pumasok." "Hindi ko rin alam na noon hanggang nayon engot ka pa rin.......akala ko nagbago kana." Natahimik sya kaya ako na ang nagsalita. "Ano bang kailangan mo sa kanya?" "Tss ano bang pakialam mo sa kanya.........hindi ko alam na nagiging bayani ka pala. " "Hindi ko rin alam na interesado ka pala sa bagay na yun. " "Sya, sya tama na ang dal dal ano ba kasi ang pakay mo sa akin?" "Isa lang ang gusto kong sabihin sayo at pakinggan mo iyon ng mabuti. " Nakatingin lang sya sa akin ng matalim. "Wag na wag mo syang pakikialaman........dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo" "Sino ka ba sa akala mo Luxian. " "Ikaw nang bahalang alamin yun at. Nang makita mo kung sinong kailangang katakutan, " sabi ko sa kanya at saka sumakay na kotse at pinaandar iyon. Alam kong wala akong matinung sagot na makukuha dun sa babaeng yun. Sigurado ako. Tinignan ko ang relo ko para malaman kung anong oras na. Medyo maaga pa naman kaya hindi ako ma le late. Pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta na sa AIS. Mabilis kong pinaandar yung kotse ko papunta sa parking lot. Nang makarating ako dun mabilis pa rin ang pagmamaneho ko hanggang sa makahanap ako ng parking space at doon nagpark. *Tok *Tok Napalingon ako sa labas ng makarinig ako ng sunod sunod na katok, nakita ko naman ang isang babaeng nakatalikod, hindi ko sya maaninag ang mukha nya dahil nakatalikod ito sa akin. Bumaba na ako ng kotse atsaka naman humarap yung babae. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko kung sino ito, pero hindi ko yun pinahalata. Yung babaeng hinila ko papunta sa garden.Sya din yung babaeng binato ko ng papel sa mukha, sapul nga eh. "Bakit?" seryosong tanong ko sa kanya. "A-a k-kasi........." hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya at nakangising tinignan lang sya atsaka nilagpasan. Maglalakad na sana ako papasok ng school pero wala pa sa sampung hakbang nung....... "Hoy!" tawag nya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang lingonin sya at walang ganang tinignan ang kabuuan nya. "Ang lakas naman ng loob mong talikuran ako!" galit na sigaw nya sa akin. Ano bang ginawa ko sa isang to? "Wow! maang maangan? psh eh muntik mo na kaya akong masagasaan!" sigaw nya pa. Ah yun pala. Lumapit naman sya sa akin at masama akong tinignan. "Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?" "Bakit namimigay ka ba?" nakangising tanong ko sa kanya dahilan para mas lalong mamula yung mukha nya sa galit. "What??!" bulaslas nya. Engot "Tsk" singhal ko sa kanya. "Sinadya mo yun eh no?"tanong nya. Sumeryoso naman ako, bahagya pa syang nagulat. Ayoko sa lahat ay ang pinagbibintangan ako. "Kung sinadya ko yun............ isa ka nang malamig na bangkay ngayon" seryosong sabi ko. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha nya dahil sa sinabi ko, agad naman syang nagiwas nang tingin. Tinalikuran ko na sya at nagsimulang maglakad papasok sa campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD