Chapter 15 ~ GAIL'S POV MONDAY na. Sana di mangyari kung ano man ang iniisip ko. Alam kong mas malaki ang epekto no'n kay Alden. Aaminin ko sa sarili ko, unti-unti na siyang napapalapit sa akin. Yung last time na mag-kakwentuhan kami, first time yung nag-usap kami ng walang sigawan. Kahit na di ko na-enjoy yung topic namin at least umpisa na ng closeness namin. Kahit medyo iniwasan ko siya kahapon, ewan ko ba medyo naiilang kasi ako sa kaniya, eh. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit pero sana naman di magdulot ng di maganda 'tong kaba kong 'to. Pagbaba ko nakita ko siya sa sala, nagbabasa ng newspaper. "Gail, papasok ka na?" tanong naman niya sa akin. "Oo," maikling sagot ko lang dahil ayaw kong mahalata niya yung kaba na nararamdaman ko. "Sumabay ka na sa akin," alok naman ni

