CHAPTER 5 - GAIL'S POV
NAGISING ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko, unknown number lang. "Nakakainis! Sino ba 'tong istorbo na 'to? Dis oras na ng gabi ah," sabay pindot ko sa answer button. "Hello, ano ba? Ano’ng oras na nambubulahaw pa?" inis na bulyaw ko pagsagot ko nang tawag.
"HELLO, GAIL? NASAAN KA BA HA!? BAKIT ALA-UNA NA WALA KA PA!?" galit na galit na sigaw agad niya. 'Di ko na kailangang itanong kung sino siya dahil kilalang-kilala ko na siya.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA, ALDEN!? GABING-GABI NA NAMBUBULAHAW KA PA!" sigaw ko na rin sa kaniya.
"Ano’ng problema ko?! Gail, gabi na wala ka pa tapos tatanong mo sa akin kung ano'ng problema ko?" naiinis pa ring wika niya, eh ano bang paki niya kung wala pa 'ko?
"Oh, ano naman ngayon kung 'di ako umuwi? Affected ka ba ha?" iritableng sabi ko. Ang sarap nang tulog ko tapos bubulabugin lang ako at iyon lang pala yung problema niya. 'Di naman niya kailangan problemahin yung hindi ko pag-uwi dahil usapan na namin na kahit kailan wala kaming pakialaman.
"Nasaan ka ba? Susunduin kita!" biglang sabi niya kaya nag-init lalo yung ulo ko sa kaniya.
"ANO'NG SUSUNDUIN? NABABALIW KA NA BA? GABI NA 'NO!" bulyaw ko sa kaniya.
"IYON NA NGA GAIL GABI NA WALA KA PA SA SARILI MONG BAHAY! NASAN KA BA HA?!" ganting sigaw rin niya. Tss! Siya pa ang may ganang magalit eh siya nga 'tong nang-istorbo.
"Nandito ako sa bahay nila Janela! Kaya manahimik ka na pwede?" naiinis na wika ko sa kaniya, gabing-gabi na ang lakas mambulahaw.
"SA SUSUNOD NA HINDI KA UUWI NG BAHAY MATUTO KANG MAGPAALAM NG HINDI NAG-AALALA SA'YO YUNG MGA KASAMA MO!" pasigaw na sabi niya sabay patay ng tawag.
"Nag-aalala? Sino nag-aalala? Siya? Sus naku! Imposible!" Parang baliw na kausap ko sa sarili ko. Nahahawa na ko sa kabaliwan niya. Sinubukan ko na lang bumalik ulit sa pagtulog pero hindi ako makatulog dahil sa tawag niya, medyo nakonsensya rin naman ako. Kinuha ko yung phone ko, gusto ko siyang tawagan pero. "Teka! Bakit ko naman siya tatawagan? Nababaliw na talaga ako!" Malapit na talaga akong bumigay! Grabe!
"Sige na, tawagan mo na!" Gulat akong napatingin kay Janela, nagising pala siya.
"Ano?! Ayoko nga!" mabilis namang tanggi ko. Teka, bakit gising ka, ha?" tanong ko sa kaniya.
"Sino bang hindi magigising sa sigawan n'yong mag-asawa kahit na sa telepono 'yang asawa mo rinig na rinig ko yung sigaw niya sa'yo. Grabe kahit na sa kabilang kuwarto siguro ako magigising ako dahil sa sigawan niyo. Akin na nga 'yan! Puro ka kaartehan sa katawan mo eh," sabi niya sabay agaw sa cellphone ko.
"Teka, ano'ng gagawin mo diyan sa cellphone ko?" Sinubukan kong agawin ulit sa kaniya yung cellphone ko pero mabilis n'yang iniwas yun sa akin. Yung totoo may lahi bang si flash ang taong 'to? Tss!
"Oh, ayan na kausapin mo?" sabi nya at pinipilit isiksik sa tenga ko yung cellphone ko.
"Teka? Sino?" naguguluhang tanong ko.
"Eh di yung gusto mong makausap!" sabi niya sabay higa, "At pakiusap lang, Gail, h'wag na kayong magsigawan baka magising ang Mama ko."
"Hello? Bakit, Gail?" Bigla naman akong nataranta nang marinig ko yung boses ni Alden.
"Ah, eh kasi..." Ano bang sasabihin ko sa kaniya? Nakakainis naman kasi sino ba kasing nagsabi sa babaeng 'to na gusto kong makausap 'tong pesteng lalaking 'to.
"MAY SASABIHIN KA BA HA? SABIHIN MO NA DAHIL GUSTO KO NG MAGPAHINGA!" sigaw na naman niya.
"EH DI MATULOG KA NA! SINO BA KASI NAGSABI SA'YONG SAGUTIN MO YUNG TAWAG!" sigaw ko rin sa kaniya.
"EH, SANA HINDI KA TUMATAWAG PARA HINDI KO SINAGOT!" sigaw ulit niya. Nakita kong sinenyasan ako ni Janela, tumahimik daw ako.
"Ah, teka lang, Alden." Alam kong papatayin na sana niya yung tawag ko.
"Oh bakit?" Mahinahon nang sabi niya pero alam kong naiinis pa rin siya.
"Ah, eh, sunduin mo ko." Nagulat siya alam ko yun pero mas nagulat ako sa sinabi kong 'yon. Nakakahiya! "Pero kung 'di na pwede okay lang sige. Bye!" mabilis na bawi ko, papatayin ko na sana yung phone.
"Saan ba kita susunduin?" Nagulat ako pero napangiti ako, susunduin talaga niya ako?
"Ah, dito sa Romans Square Subdivision, malapit lang sa school," nahihiyang sabi ko.
"Okay sige. Alam ko yan, hintayin mo 'ko!" sabi naman niya.
"Sige, text kana lang kapag na sa gate ka na, para makalabas na ako," wika ko. Hindi naman kasi siya makakapasok sa loob ng subdivision eh.
"Bakit 'di ba ako pwedeng pumasok hanggang sa loob?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi eh, wala ka namang sticker ng subdivision nila kaya di ka papapasukin. I-text mo na lang kasi ako," pagpupumilit ko naman.
"Okay! Sige basta mag-iingat ka at magpasama ka sa kaibigan mo," bilin naman niya.
"Oo, sige na. Ingat na lang din. Bye," paalam ko bago ko pinatay yung cellphone.
"Susunduin ka?" tanong agad ni Janela sa akin sabay bangon sa pagkakahiga niya, kahit kailan talaga chismosa.
"Oo daw, ihatid mo raw ako hanggang sa labas," sabi ko habang tumatayo sa higaan nya.
"Asus! Ang sweet naman pala ng mister mo eh. Susunduin ka pa at hindi makatulog ng wala ka sa bahay niyo ah," kinikilig na sabi niya. Teka, ano bang sweet doon eh susunduin lang naman n'ya ko.
"Manahimik ka nga dyan Janela puro ka kalokohan eh." Ayokong kiligin dahil masamang ibig sabihin 'yon.
"If I know, kinikilig ka rin 'no! Matauhan ka na kasi ang gwapo kaya ng asawa mo tapos concern pa sa'yo. Oh! di ba, double package pa yung binigay sayo ni Lord. Alam mo kasi pag-concern sa'yo ibig sabihin mahalaga ka sa kaniya at kapag mahalaga ka sa kaniya ibig sabihin no'n mahal ka niya. Naku! kung sa akin nangyari 'yan hindi na talaga ko papayag na maghiwalay pa kami," sabi naman niya.
"Ano'ng double package baka dobleng sakit ng ulo yung gusto mong sabihin," inis na sabi ko sa kaniya, "Oh! wag ka nang magsalita magbihis na tayo."
"Naku! Kung hindi ka apektado eh bakit ka nagpasundo? Wag mo na akong lokohin, Abbi, dahil matagal na kitang kilala kung hindi 'ko pa alam yang ugali mo. Saka aminin mo man o hindi alam ko kinikilig ka rin dahil nag-aalala sa'yo yung asawa mo. Oh! wag ka ng magpaliwanag dahil sarili mo lang yung lolokohin mo!" sabi niya sabay pasok sa bathroom, nakakainis talaga inunahan pa ako. Paglabas niya pumasok na rin ako do'n at paglabas ko ay naka-received ako ng text galing sa kaniya.
1 Message Received. Number lang dahil 'di ko pa yun nase-save.
Fr: +639123456789
Wag ka muna lalabas. Text nalang kita pag nasa gate na ko. Tc.
Napangiti ako sa text na 'yon, aminin ko man kasi o hindi, alam kong kinilig ako. "Hoy! Baliw ngumingiti ka na dyan mag-isa! Hay naku! Di magandang sign yan, in love ka na, bez!"Oo nga 'di magandang sign 'to. Hindi pwedeng mangyari 'to. Erase, erase! Hindi ako kinikilig.
"Sus, in love agad?" Hindi ako pwedeng ma-in love ulit sa kaniya, hinding-hindi.
"Oo, may history ka naman kasi sa kaniya eh kaya hindi imposibleng bumalik yung feeling na yun!"
"Naku! Janela tigilan mo 'ko!" sabi ko sabay talikod sa kaniya. Kailangan kong umiwas sa mga pang-aasar n'ya sa akin dahil hindi maganda ang dinudulot no'n sa'kin.
"Oo na, sige na titigil na. Oh! Suotin mo 'tong jacket baka sipain ako ng asawa mo pabalik dito sa bahay pag 'di man lang kita pinagsuot ng jacket," pang-aasar pa rin niya.
"Hindi mo ba talaga ko titigilan Janela? Napipikon na 'ko!"
"Sige na tatahimik na ako," sabi niya pero nang-iinis pa rin yung mga ngiti niya. Oo, naiinis ako dahil hindi maganda sa pakiramdam yung gano'n ako kabilis bumigay sa kaniya.
Tumahimik na lang din ako alam ko namang kahit ano'ng gawin ko ay hindi niya ako titigilan eh. Kinuha ko na lang yung jacket na hawak niya saka ko sinuot yo'n, pagkatapos ay hinarap ko naman yung cellphone ko. Mai-save nga yung number ng mokong na 'to. Ano ba magandang ilagay?! Uhhmmm. Ah alam ko na, napangiti ako sa naisip ko, bakit ba ako lang naman ang nakakaalam nito eh. Maya-maya naman na-received ko na yung text niya.
Fr: Mister ko
Sige na lumabas k ana. Ingat ka.
Inaya ko na si Janela, sakay kami ng sasakyan niya kaya mabilis naman kaming nakalabas hanggang sa gate. Pagdating sa gate ay nandoon na nga si Alden, nang makita niya kami ay bumaba agad siya ng sasakyan niya. Mabilis naman kaming lumapit sa kaniya.
"Sige, bez, bye! Pasensiya na sa abala, ha," nahihiyang sabi ko sa kaniya. Kung hindi ako nagpasundo ay hindi na siya maaabala. Kahit naman kaibigan ko siya nahihiya rin ako sa kaniya lalo na ngayong nakaharap niya si Alden hindi bilang Prof namin kundi bilang asawa ko.
"Naku! Sanay na sanay na ako sa 'yo, Gail, sige ingat kayo. Ba-bye, Sir." Napatingin naman ako kay Alden pero ngumiti lang siya kay Janela. Ano ba namang 'tong taong 'to wala man lang sinabi? Kung hindi lang sobrang nakakahiya kay Janela binatukan ko 'tong lalaking 'to.
"Sige, bye, Janela. Ingat ka rin," paalam ko sa kaniya.
"Tara na, Gail," aya naman niya sa akin saka siya sumakay na sa driver's seat. Ano ba 'yan? Di man lang ako pinagbuksan ng pinto. Hmp! Akala ko pa naman bumait na siya, kahit kaunti.