Chapter 34 ~ GAIL'S POV PAUWI na kami, malapit na nga kami sa school. Magkatabi pa rin kami pero di kami nag-uusap mukha ngang wala siyang balak na kausapin ako, eh, parang siya pa yung nagmamalaki samantalang siya yung may kasalanan. Minute later na sa school na kami, dahil magkaibang sasakyan ang dala namin papunta, pagbaba namin ng bus magkaibang way na kami. Habang nasa daan nakasunod lang siya sa sasakyan ko, alam ko dahil kitang-kita ko sa side mirror ko. Nag-park lang ako sa labas. Papasok na kami ng gate nung tawagin niya ako. "Gail?" "Alden, pwede? Ayoko munang pag-usapan 'yan ngayon!" sigaw ko kasi ayokong maalala lahat nung nangyari at ayokong pag usapan ngayon yung sakit na nararamdaman ko. "Hindi naman yun!" sigaw din niya, "Magpahinga ka na muna, gigisingin na lang kita

