Chapter 02 ~ GAIL'S POV
"HAY! Ano ba 'yan nakakatamad namang bumangon." Nag-alarm yung phone ko at dahil two weeks akong hindi nakapasok dahil sa naging preparation ng kasal namin, naninibago ako.
Nung isang araw lang kasi natapos yung kasal and I can't still believe it, parang napakabilis, misis na agad ako at Mrs. De Leon pa. Patayo na ako ng higaan ko nang bigla na namang tumunog yung cellphone ko, but this time tawag naman.
"Hello?" bungad ko sa tawag na 'yon.
"Nasaan ka na ba, Gail? Ang tagal mo naman, eh." Wala man lang hello? Nagmamadali masyado?
"Hello! Ang aga-aga pa kaya!" sabi ko naman, ala siyete pa klase namin at anong oras pa lang naman, 'di naman siya masyadong excited.
"Eh, excited na kasi akong makilala yung bago nating Professor natin, e. Ang balita ko kasi bata pa siya at ang gwapo-gwapo daw," kinikilig naman na sabi niya.
"Asus! Sobra ka naman ma-excite." Biglang nagising yung diwa ko sa sinabi nya, Hay! Ano pa nga bang kahinaan ng mga girl college student kundi ang gwapong professor.
"Nakita ko rin kasi siya kahapon, eh, bakit kasi ang tagal mong nawala? Two weeks kang absent." Oo nga, tulad ng sabi ko kanina two weeks akong absent dahil sa kasal namin ni Alden. At kahit sa kaibigan ko ayaw kong sabihin ang pagbabagong 'yon sa buhay ko dahil maghihiwalay rin naman kami, tulad ng usapan namin.
Sa iisang bahay lang kami nakatira pero magkahiwalay ng kwarto. May tatlo rin kaming katulong dahil 'di naman ako sanay sa mga gawaing bahay. Lumaki akong parang prinsesa dahil sa kompanya na itinayo ni Papa na naiwan sa amin nung mamamatay siya noong 13 years old pa lang ako. Naitaguyod naman ni Mama mag-isa ang negosyo ni Papa. Ako naman ay walang kainte-interest doon dahil hindi ko naman kasi pangarap 'yun. Simple lang kasi ang gusto ko at yun ay ang maging teacher, pre-elementary education.
"Hoy Gail! Bakit 'di ka na nagsalita d'yan ha? Wag mo sabihing... OMG!" OA na sabi niya.
"Ano na naman 'yang iniisip mo?" tanong ko naman, alam ko namang imposibleng malaman niya yung totoo.
"BUNTIS KA?!" OA pa ring sabi nya. Hay! Sa dami naman ng maiisip, oh.
"Hindi 'no! Paano naman ako mabubuntis, eh wala naman akong boyfriend? Nagka-emergency lang dito sa bahay." Pambihira naman! Ano bang klaseng tao 'tong kaibigan ko!?
"Sabagay may point ka. Oh siya, sige, na bilisan mo ha, hihintayin kita," sabi niya sabay end ng call. Lumabas naman ako ng kuwarto ko para kumain.
"Manang si Alden po?" tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
"Maaga umalis, hija," sagot naman niya, wala naman akong interest kung saan siya pumunta.
"Ganoon po ba?" nawika ko na lang. "Sana di na bumalik," dugtong ko na pabulong, 'di naman sa masama ako kaya lang ayoko talaga sa kaniya. Kahit si Manang na matagal na naming katulong ay hindi alam na arranged marriage lang kami. Ang dinahilan na lang namin kaya kami hiwalay ng kwarto ni Alden ay dahil masyado pa akong bata para sa mga gawaing ginagawa ng mag-asawa. Naintindihan naman niya 'yon, buti nga hindi siya nagtatanong kung bakit pinakasal kaagad ako kung hindi pa pala ako handa sa mga gano'ng bagay.
Pagtapos kong kumain ay nagbihis na ako at sumakay ng sasakyan ko para pumasok sa school. Pagdating sa school naghanap agad ako ng parking space, 'di pa ko nakakababa nang makita ko si Charles. "Minsan pala swerte rin ako." He is my long time crush, I think since third year highschool pa lang ako. Nakangiti akong bumaba ng sasakyan kilala niya naman ako dahil nga classmate kami mula pa nang highschool, dumaan ako sa harap niya para mapansin niya ako. Syempre papansin ang lola niyo.
"Abigail, bakit ka absent ng two weeks?" tanong niya sa akin, 'di naman pala sayang yung effort ko sa pagpapapansin sa kaniya. Thank you Lord! Mabait ka pa rin pala sa akin.
"Ah, eh, kasi nagkasakit yung Mama ko," sabi ko dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagpakasal na 'ko.
"Ah ganoon ba? Ang tagal mo ring nawala eh, hinihintay talaga kita dito kasi sabi sa akin ni Janela na papasok ka na raw ngayon." Bigla akong napatingin sa kaniya.
"A-ako hinihintay mo?" Obvious ba na kinikilig ako? Sorry! Di ko kasi talaga mapigil, eh.
"Oo, ikaw kasi ang partner ko sa Stat next week na ang report natin kaya inabangan kita para mapag-usapan natin agad kasi marami ng time na nasayang." Ayan! Asumerang Palaka talaga ako! Oo nga naman 'no! Asa naman akong abangan niya ako dito dahil gusto niya akong makita, 'di ba?
"Oo, sabi ko nga, eh, kailangan nating pag-usapan 'yon," sabi ko na lang, nakaka-disappoint kaya.
"So, tara na? Mamaya pa namang 9:00 AM yung klase natin eh," sabi naman niya.
"Ha?! 9:00 AM pa ba?” gulat na tanong ko sa kaniya. 'Di ba may class tayo ng 7:00?" Two weeks lang akong nawala pero wala pa naman sigurong nababago sa schedule namin.
"Wala kasi si Ms. Nievez kaya may vacant tayong 2 hours," sagot naman niya.
"Ah sige, sasabihin ko muna kay Janela baka kasi hanapin ako no'n eh," sabi ko bago s'ya talikuran.
"Tawagan mo na lang kaya." Pigil naman niya sa 'kin, oo nga 'no bakit kaya hindi ko naisip 'yon? Hay! Minsan talaga ang tanga ko.
"Oo, sige, sabi ko nga, eh." Sana naman 'di siya ma-turn off sa akin. Naglakad kami papunta sa pinaka malapit na coffee shop, diniscuss niya sa akin yung mga dapat kong gawin at naintindihan ko naman 'yon kaagad. Minsan lang naman akong slow learner. 'Di lang talaga siya basta gwapo, matalino pa, titig na titig ako sa mukha niya, suwerte talaga yung babaeng magugustuhan niya.
"Gail, nakikinig ka ba?" seryosong tanong niya sa akin kaya nagulat ako.
"Ha? Oo naman, yes 'no." Nahalata yatang pinagpapantasyahan ko siya. Nakakahiya talaga!
"So, that's all, tara balik na tayo sa room, kung may tanong ka pa you can ask me anytime," sabi naman niya kaya ngumiti naman ako sa kaniya.
"Bakit wala ka pang girlfriend?" Mabilis na tanong ko naman sa kaniya at huli na para bawiin ko pa 'yon. Napahawak na lang ako sa bibig ko, bakit yun ang lumabas sa bibig ko? Hay! Nakakahiya naman, ang sarap lumubog sa kinauupuan ko ngayon.
"Hahahaha!" malakas niyang tawa niya kaya halos lahat ng tao sa coffee shop ay sa amin na nakatingin. Bakit ba siya tumatawa? May nakakatawa ba? "Bakit mo naman tinatanong? May balak ka bang mag-apply?" Nagjo-joke ba siya o seryoso siya?
"Ha? Hindi 'no! Bakit mukha ba akong may gusto sa'yo?" Alam ko namumula ako, at sana lang talaga cross finger, paniwalaan niya yung mga sinasabi ko.
"Bakit hindi ba?" Nanlaki naman mga mata ko, don't tell me may alam na siya. Grabe naman! "Hahahaha! Joke lang, tara na nga," sabi niya saka tayo at inalalayan na din akong tumayo.
Naglakad na nga kami pabalik ng school at habang naglalakad kami ay 'di ko naman napansin yung isang basang part dun sa hallway kaya — "Ayyyy!" sigaw ko pero biglang nag-stop yung pagbagsak ko kaya napadilat ako. Si Charles hawak niya ako sa bewang, nasalo n'ya ako kaya nagkatinginan tuloy kami at ang heart beat ko. Jusko! Sana ganito na lang kami forever.
"Sa susunod, Gail, mag-iingat ka ha," sabi naman niya sa akin.
"Ah, oo." Yun na lang yung nasabi ko, nakakahiya rin kahit papaano. Ang clumsy ko talaga! Nawawala talaga ang kadaldalan ko kapag si Charles ang kaharap 'ko. Tinayo na niya ako at hawak niya yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa room namin. Pagdating namin sa room.
"BAKIT NGAYON LANG KAYO? ALAM NIYO BA KUNG ANONG ORAS NA HA!"
"ALDEN!?" Sigaw ko, he is now standing in the front of our classroom o binabangungot lang ako.
"Kilala mo siya?" Halos sabay-sabay na sabi ng mga classmate namin.
"Huh? Ahde-namin sinasadya, sir. Pasensya na po late kami, may pinag-usapan lang po kaming report kasi two weeks akong absent yun... yun ang ibig kong sabihin," sabi ko naman sa mga classmate ko habang tumatawa, mukha na akong baliw, alam ko yun.
"At kailangan talaga magkahawak kayo ng kamay," sita pa nya. Nahila ko tuloy ng wala sa oras yung kamay ko na hawak ni Charles. "Sige na, you may take your seat now," sabi n'ya sa amin.
"Ah misis..." Napatingin ako sa kaniya dahil alam ko kung ano ang lalabas sa bibig niya.
"Ms. Salvador, sir," awat ko sa sasabihin niya at pinanlakihan ko pa siya ng mata.
"Okay, Ms. Salvador dito ka sa harap maupo," sabi niya.
Aangal pa sana ako kaya lang napansin 'kong nakatingin na naman sa akin lahat ng classmate ko. "Opo, sabi ko nga d'yan na ako uupo, eh," sabi ko at naupo na sa upuang sinasabi niya.
Nakakainis na talaga siya. Magkasama na nga kami sa bahay, hanggang sa eskwelahan ba naman sinundan pa ako! Nakakainis talaga!
Hanggang sa matapos ang subject niya, wala kong maintidihan. Dahil wala naman talaga akong interest sa mga sinasabi nya, lalo naman sa kaniya.
"Okay that's all for today and Ms. Salvador please follow me at the faculty room."
"Ha?!" This time kinontrol ko na yung sarili ko, sumunod ako sa kaniya para wala ng g**o.
"Halaaa! Lagot siya ngayon, ang sama niya kasing tumingin kay sir De Leon, eh." Narinig kong sabi ng isa sa mga classmate ko. Psh! Wala naman silang alam kung bakit hindi na lang sila manahimik.
"Wait, sir." Si Charles.
Tumigil naman si Alden. "Yes?" sagot niya.
"What about me? Kasama niya ako," sabi niya kaya napangiti ako.
"No. Siya lang ang kailangan ko, gusto ko s'yang makausap ng kaming dalawa lang," sabi naman ni Alden, napatingin naman ako ng masama sa kaniya. Panira talaga 'to.
"So, let's go," sabi niya. Eh, ano pa nga ba? Lumakad ako kasunod niya, pagdating namin sa faculty pinaupo niya ako sa upuan sa harap ng table niya. Walang tao doon, malamang mga nagtuturo din.
"Bakit nandito ka?" tanong ko agad sa kaniya.
"Simply because dito ko gustong magturo," nakangiting sagot niya, nang-aasar lang talaga 'tong taong 'to, eh. 'Di ko alam kung ano'ng degree ang natapos niya basta ang alam ko graduate siya sa States bago siya bumalik dito tanging iyon lang ang alam ko.
"Ang dami-dami namang eskwelahan, Alden. Bakit dito mo pa napiling magturo? Nananadya ka ba talaga ha?" Nakakainis kasi halos araw-araw na nga kaming magkikita tapos hanggang dito ba naman sa lugar na akala ko magiging malaya ako, makikita ko pa s'ya.
"Maganda kasi yung offer nila sa akin dito kaya tinanggap ko na rin, malaking University na rin 'to. Anyway sino pala yung kasama mong lalaki kanina? At magkahawak pa kayo ng kamay ha." Di ko magets yung tono n'ya pero isa lang yung dating sa akin no'n, hindi ko gusto yung tono niya.
"It's none of your business at 'di ba usapan na natin 'yon? Na wala tayong pakialam sa personal nating buhay, mag-asawa lang tayo sa papel," sabi ko na ikinatahimik naman niya. "At saka pakiusap lang ayaw kong may makaalam nang tungkol sa kasal natin, walang nakakaalam no'n dito sa school.
"Okay but in one condition," sabi naman niya.
"ANO!? 'Di ba usapan na natin 'yon bago tayo magpakasal. Yun ang kondisyon ko kaya ako pumayag sa kasalang 'yon!" Kahit kailan talaga hindi mapagkakatiwalaan 'tong lalaking to.
"Pwede namang magbago yung isip ko ah," sabi niya na parang nang-aasar, sabagay kailan ba ako hindi inasar ng taong 'to.
Nakipagsukatan lang ako ng tingin sa kaniya pero mukhang wala akong magagawa para mabago yung isip niya.
"Sige na, sige na. Ano ba 'yon? Napipilitang tanong ko, may magagawa pa ba ako?
"Hangga't maaari ayokong makikitang may makasama kang lalaki, umiwas ka sa kanila lalo na kung alam mong pwede kitang makita. Kahit naman arranged marriage lang tayo, asawa mo pa rin ako at sana lang igalang mo 'yon kahit man lang sa harap ko," seryosong sabi niya sa akin na ikinatahimik ko o hindi ko alam kung bakit ganito siya magsalita sa harapan ko ngayon. "Tara na, sabay na tayong kumain," bigla namang niyang sabi.
"Ano? Nababaliw ka na ba?" Para naman akong biglang natauhan dahil sa alok niya at sa pinapakita niya kasi parang possessive husband na siya ngayon at wala 'yon sa usapan namin.
"Bakit anong masama dun? Kakain lang naman."
"Eh, 'di lalo silang naghinala na magkakilala tayo! Sige na lalabas na ako, ngayon ko lang ulit makakasama ang mga kaibigan ko," sabi ko bago tumalikod.
Grabe! Mauubusan talaga ako ng dugo sa lalaking 'to, kinuha ko yung phone ko sa bag para i-text si Jela.
To: Besty Janela
Bez, Na saan ka ngayon?
Di naman nagtagal at nag-beep rin ang cellphone ko.
Fr: Besty Janela
Nandito sa canteen. Punta ka na dito.
Pumunta naman ako agad sa canteen, pagdating ko doon ay umupo agad ako sa bakanteng upuan sa harap niya. "Alam mo, Gail, ang weird mo kanina, ha," sabi agad niya sa akin, alam ko namang nakahalata na agad siya, eh.
"Bakit naman?" painosenteng tanong ko.
"Para kasing magkakilala na kayo before ni Mr. De Leon, eh. Ang weird mo pang tumingin sa kaniya parang may galit ka sa kaniya." Like what I've thought pero kahit ano'ng mangyari hindi ako aamin.
"Ha? Hindi ah. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganoon ako tumingin sa kaniya eh, siguro nadala lang ako sa pagkakaholding hands namin ni Charles," pagdadahilan ko, sana lumusot.
"Ay oo, besty, naloka ako sa entrance n'yong dalawa kanina, agaw eksena!" tumawa nalang ako, wala ako sa mood makipag-kwentuhan ngayon sa kaniya.
"Alam mo ba, besty, si Mr. De Leon pala kakauwi lang niya dito sa Pilipinas three weeks ago. Sa States pala siya nag-aral ng college. Kaya pala ang talino niya at sa age na 23 madalang ang nakakapagturo agad sa mga malalaking University katulad nito pag ganun pa lang ang age mo and totally no experience tapos ang gwapo pa niya, kaya lang kasi sabi niya kasal na siya. Hay! Sayang talaga."
Nasamid ako sa sinabi niya, "K-kasal?"
"Oo, nakakagulat 'no?" parang nanghihinayang pa na sabi niya.
"Sinabi ba niya kung sino?" kinakabahan na tanong ko.
"Hindi eh, pero ang swerte naman nung girl, ikaw ba naman magka-asawa ng gwapo, matalino at lahat-lahat na yata ng katangian para sa isang ideal man na sa kaniya na," kinikilig na sabi niya.
"Swerte? Baka malas kamo! Hello! Saka saan banda ang gwapo do'n? Wala nga akong makitang bakas, ikaw kaya magka-asawa ng Psychotic na--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil titig na titig sa akin si Janela. "Ah, eh hehehe, Sorry na carried away lang."
"Ang weird mo talaga simula nang bumalik ka parang may kakaiba na sa'yo, may di ka ba sinasabi sakin, ha?" pag-usisa naman niya.
"Naku! Wala, wala, Janela. Nainis lang siguro talaga ako sa kaniya kanina kaya ayun kung ano-ano nasasabi ko, alam mo naman kasi 'di ba kung ano yung first impression ko yun na hanggang dulo." Ganun talaga ako since nung bata pa ako pag di ko nagustuhan ang ugali sa unang beses pa lang na makasalamuha ko siya, 'di ko na talaga siya magugustuhan kahit kailan pero kapag nagustuhan ko naman di na mababago yun.
Tahimik lang naman siyang nakatingin sa akin, alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko at parang gusto ko na rin sabihin sa kaniya yung totoo. Medyo nakukonsensya na rin kasi ako sa paglilihim ko sa bestfriend ko. "Ah kasi, Janela... hay! Sige na may sasabihin ako sayo mamaya, dun tayo sa bahay niyo ha," sabi ko naman, para gumaan na yung loob ko, alam ko namang 'di niya ako kakausapin hangga't di ako umaamin.
"Sabi na may tinatago ka eh, o, sige mamaya, kung hindi magagalit talaga ako sa iyo," banta pa niya kaya no choice na talaga ako.
"Oo, promise mamaya."