"What's going on?" tanong ni Dale na kadarating. "Ang tagal mo? You're 15 minutes late." reklamo ni Dean. "Umuwi muna ako sa bahay at may pinabili si Kate, so what is this all about at himala bigla kang nag yayang mag-inom?" tanong naman ni Dale kay Ivan na tahimik lang na halatang aburido at malalim ang iniisip. "Kanina pa yan ganyan, mukhang kaaway nanaman si Cristina. Kung ayaw mo sa kanya, wala naman sigurong masama na tumanggi ka. Kesa naman ipipilit mo kung 'di mo naman gusto."wika naman ni Doel na inabot ang bote ng beer sabay tungga sa bote. "Iyon ba ang problema mo?" tanong naman ni Dean. "Ang dali ng problema mo, hindi problema yan ang problema kung itutuloy mo ang kasal at sa huli ka pa mag sisi." tugon naman ni Dale. "Kausapin mo ang paren____." "Avery is pregnant!" usal

