"Tuloy lang ang plano, walang mababago. Tiyak na nakakaramdam na sila kaya gumagawa sila ng paraan na lituhin tayo." wika ni Ivan habang nasa likod ng sasakyan at busy sa tablet na hawak. "Pero paano sina Mr. Rivera at Mr. Belen." tanong ni Harvey. "Mas maigi na wala tayong gawin para hindi nila mahalata na nakilos na tayo behind." napatango naman si Harvey, napaangat naman ang tingin ni Ivan para sana kausapin pa si Harvey ng biglang lumampas ang tingin niya sa labas at makita niya si Avery. Talaga naman tumakas nanaman ang babaeng ito, hindi talaga marunong matakot. Tiyak na galing nanaman ito sa hospital pero bakit parang may kaaway ito naka simangot ito at may tinatadyakan sa kalsada. Sino naman kaya ang kaaway nito? "Sir, aalis na ba tayo?" tanong ng driver niya. "Sandali lang." s

