Habang sakay ng kotse pakiramdam ni Avery bumalik siya ng high school, napatingin siya sa personal driver na binigay sa kanya ng kuya Dean niya na siyang mag hahatid sundo sa kanya sa school. Nakakabored na naka sakay ka lang sa likod pinag bawalan na siyang gumamit ng motor. Tulad ng sinabi ni Ivan marami na nga na bawal sa kanya ngayon at unti-unti na nag sisink in sa isip niya ang maraming bagay na mawawala sa kanya habang nag bubuntis siya. Napahawak siya sa tiyan niya na wala pa naman bukol since 2 months pa lang naman iyon. Pahirapan na gumising kanina kung 'di pa siya nakurot ng ina hindi pa siya babangon para pumasok. Sinabi na niya sa parents niya na mag s-stop na muna siya pero napagalitan siya ng mga ito at ayaw pumayag kaya napilitan na siyang pumasok kahit antok na antok pa

