"Thank you." nahihiyang usal ni Avery ng maiwan na ulit silang parehas ni Ivan sa bahay nito after umalis ng mga pulis at magulang niya. Tumawag na lang si Ivan ng abogado na mag aasikaso ng mga na damage nito during way home at naintindihan naman ng mga pulis na nagkaroon pala ito ng emergency kaya nag mamadali ng sobra umuwi. Ngunit binigyan pa rin ito ng violation na kailangan bayaran at kailangan din sagutin ni Ivan ang 3 sasakyan na nasagi nito sa daan. "Thank you lang ba ang sasabihin mo?" tanong ni Ivan na napatingin sa tent na nasa lawn niya sabay buga ng hangin malamang nasa loob ito ng bodega kanina kaya hindi niya makita sa CCTV malamang kinuha nito ang tent doon. "Ano bang na iisipan mo at nag lagay ka niyan." turo pa niya sa tent. "Wala ka kasi ayoko mag-isa sa loob ng baha

