Nagulantang pa si Avery na napalingon ng magulat ng makapasok si Ivan sliding windows niya. Todo lock pa siya ng pinto iniharang pa niya ang isang single sofa niya dahil alam niya na ipipilit ni Ivan na maka pasok pero ito at sa bintana nakadaan. Tiniyak niyang nakasarado din ang pinto sa balcony ng kuwarto niya pero nakagawa pa rin itong makapasok. "Tigilan mo muna ako, ayoko na makipag-away sa'yo." reklamo ni Avery na nakaupo sa sahig habang naka sub-sub sa gilid ng kama niya. "Sorry na!" wika ni Ivan na napabuga ng hangin ng lumapit sa dalaga na lumuhod sa harapan nito at hinawakan ito sa tuhod. "Hindi na kasi namin talaga alam kung kelan ka nag sasabi ng totoo. Hindi namin na isip na posible na mahirapan ka sa 1st semister mo ng pag bubuntis." hindi naman umimik si Avery nakasubsob

