Chapter 05: Wedding 2
KAT POV
Halos isang buwan na ang lumipas naging busy na sila sa pag aasikaso sa kasal, samantalang ako pinipilit lang na ngumiti sa harapan nila, hindi ko alam pero alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya sa buhay na papasukin ko, parang may pumipigil sakin pero hindi ko alam ko ano.
Dalawang araw nalang ay ikakasal na ako kay Mr Lance Callen pero parang hindi parin nag poproseso ang lahat sakin, parang gusto kong umurong at tumakas sa kasal namin pero naisip ko rin na para ito kay Daddy at sa negosyo namin ako nalang ang inaasahan ni Daddy ayaw ko naman siyang biguin dahil alam kong ayaw niya rin na matali ako sa isang relasyon ayaw ko.
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng kwarto ko, pag baba ko sa living room ay busy ang lahat may kinuhang kasi sila tita tiara na mag aasikaso ng lahat.
Tinawagan ko nalang si Jean at aayaing lumabas dahil na sasakal ako sa bahay lahat ng atensyon nasa akin palagi akong binabati, kong alam lang nilang ayaw ko sa magaganap na kasal.
"One coffee for our bride" may panunukso sa tonu ng boses niya.
"Ano kaba Jean umalis nga ako sa bahay dahil nasasakal na ako sa pag congrats sakin pati ba naman dito" medyo nag tatampo kong saad.
"Hay nako masaya lang ako na mauuna ka pang ikasal sakin" saad niya habang nakangiti sakin.
Halos natapos lang ang araw na iyon sa pamamasyal namin sa mall, Lumipas ang isang araw hindi ako makatulog kaya napag pasyahan ko nang lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kusina, kumuha ako ng wine at nag salin sa baso na ininum ito ng diretso, mayroon talagang bumamagabag sa akin hindi ko alam pero pumapasok siya sa isip ko kahit anong limot ko ay hindi siya mawala.
Maya maya pa ay may narinig ako mga yabag papalapit sakin hindi ko na lang nilingon.
"Oh iha bakit umiinom ka bawal yan sayo bukas ang pinakamahalagang araw mo ikakasal kana bawal kang mag lasing at na stress" sabi ni daddy at umupo sa upuan sa tabi ko.
" I know dad, I just want to relax hindi po kasi ako makatulog dad" pag amin ko.
"Sorry anak, ikaw pag ang naipit sa negosyo natin, naiintindihan ko kong may galit ka sa akin, wala akong kwentang ama sayo kaya humihingi ako ng tawad" may lungkot sa boses niya.
Nginitian ko nalang si daddy ng pilit.
"It's okay dad I know dad I don't have no choice at isa pag hindi yan totoo na wala kayong kwenta kasi para sakin at ikaw ang pinaka the best dad ever, hindi ninyo ako pinabayaan noon baby palang ako at ngayon mag aasawa na ang anak ninyo ay palagi kayo na jan sakin dad kaya lubos akong nag papasalamat sayo daddy I love you po, total wala na akong magagawa bukas ang prinsesa mo ikakasal na" may pilit na ngiti kong binigay kay daddy.
Ngumiti sakin si daddy at hinalikan ako sa noo.
"Thank you dahil naiintindihan mo si daddy pero sana anak hindi ka mag bago pag may asawa kana ha? Baka hindi mo na ako pansinin malulungkot si daddy mo"
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Naku dad syempre hindi ikaw ang unang lalaking minahal ko sunod 'yong dalawang kumag ko na kuya" natatawang saad ko.
Natawa naman si daddy
" Sige na iha matulog kana bukas magaganap ang pinaka importante araw para sayo" saad ni daddy at bumalik na sa kwarto niya.
"Sige po dad akyat na po ako kayo din po" magalang na saad ko at umakyat na sa kwarto ko.
Humiga na lamang ako at napa tingin sa kisami, bukas mag babago na ang buhay ko, hindi na ako single, may hahawak na ng buhay ko, at higit sa lahat ay matatalo ako sa isang relasyon kahit kailan man hindi ko pinangarap.
KINABUKASAN
Alas singko palang ako gising na ako dahil mamayang 10:00AM ang kasal namin sa simbahan, agad akong naligo at inayusan ni Miss Candice.
Habang inaayusan niya ako ay dumating din sina Jean at mga iba ko pang pinsan at kamag anak, halos mapuno na ng tao ang living room namin, pumasok si Jean sa kwarto ko.
"Hi your beautiful Kat Lyn kaya naging bestfriend kita pareho tayong maganda"
Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
"Aga mo ah bihis na bihis mas excited kapa ata sa akin"
"Alam mo naman bawal mag pahuli ang maid of honor mo" napangiti nalang ako sa kanya.
Siya ang kinuha ko maid of honor dahil mas malapit siya sakin, mas tinuring ko pang siyang kapatid kisa sa dalawa kong kuya.
Hindi maiwasan mag ka kwentuhan kami habang inaayusan sa, ng matapos na akong ayusan ay tinulugan nila akong isuot ang gown na napili ko. Actually back less ito kaya kitang kita ang buong likod ko, may poom naman ang sa dibdib ng gown, maganda ito napapalamutian ng diamond kristal, mahaba din ang belo nito umabot hanggang talampakan lampas pa.
"All done Miss Kat Lyn your so beautiful bride of the year" nakangiting sabi ni Miss Candice.
"Thank you Miss Candice"
"Your welcome dear"
"Wow bestfriend mas gumanda ka ngayon kisa kanina" nag niningning ang mata ni Jean na nakatingin sakin.
Tumaas naman ang kilay ko first time at ngumiti.
"So pangit pala ako kanina ganon?"
"Hindi naman, mas gumanda kalang talaga ngayon" may ngiti sa mga labi niyang saad.
Napangiti nalang ako sa kanya at this time totoong ngiti na ang binigay ko.
"Salamat Jean dahil palagi ka na jan para sakin hindi mo ako iniiwan kaya mahal na mahal kita eh"
"A-ano kaba Kat maiiyak na ako sayo eh, wag mo ko paiyakin at wag kang umiyak masisira 'yong make up mo papangit ka niyan, gusto mong maging the disgusting bridge of the year?" natatawang tanong niya sakin.
Natawa narin samin si Miss Candice, ng matapos na akong ayusan ay inalalayan nila akong bumaba sa first floor ng bahay at halos napunta na sakin ang atensyon ng mga tao sa living room nag palakpakan pag sila habang may lamaking ngiti sa mga labi.
Nang makababa na kami ay sinalubong ako ni daddy ng isang mahigpit na yakap, naka tuksedo siya ng kulay black at gwapong gwapo sa suot niya, mas malo siyang bumata sa tindig niya.
"You're so beautiful anak"
"Thank you dad"
"Ang gwapo nyo po, mas lalo kayong bumata sa suot nyo" nakangiting sabi ko.
"Hahaha ikaw talaga binubula mo naman ako baka mamaya niyan maniwala ako"
"Totoo naman po dad"
"Haha halika na iha kanina pag sila sa simbahan nag aantay ayaw ko naman na late kasa araw ng kasal mo"
Sa bridal Car sumakay si daddy at Jean, sumunod narin ang mga kamag anak namin ng makarating na kami sa simbahan ay marami ng nasa loob at labas, ng makita nila ang sinasakyan ko ay agad pumasok sa loob.
Mayroon isang malaking fountain sa harapan ng simbahan, bumaba na kami at inalalayan ako ni Jean at daddy, sumunod naman dumating ko kamag anak ko, agad silang pumasok sa simbahan after 5 minutes ay suminyas na ako sa dalawang lalaki at binuksan nila ito.
Nang ka mabuksan na nila ang pintuan ng simbahan ay napunta lahat ng atensyon sakin ng mga tao sa loob, it's a doble door ang pintuan nito, nag simula narin ipadugdug ang music na pang kasal.
Kinawit ko ang kaliwang braso sa bisig ni daddy, ihahatid niya ako sa altar, nginitian ako ni daddy at bumulong sakin.
"Wag kang kabahan anak nandito naman si daddy sasamahan kita sa altar"
Nginitian ko nalang si daddy ng pilit, Kinakabahan ako habang nag lalakad ng dahan-dahan, mahigpit ang kapit ko kay daddy dahil naiilang ako sa tingin nila sakin, "sana kainin nalang ako ng lupa" naisip ko nalang.
"Chain up iha your beautiful don't hide your face" binulong sakin ni daddy.
Kaya sinunud ko nalang siya, nag chain up ako at sinalubong ang mga mata nila, pero may isang lalaking naka kuha ng atensyon ko, ang lalaking katabi ni Mr Lance, gwapo ito hindi ko maitatanggi bumagay sa kanya ang kulay sky blue na suit, para siyang italian modelo na lumabas sa isang magazine, mas matangkad pag siya kay Mr Callen, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya para kasing na aakit ako sa tingin niya, maging siya ay titig na titig din sakin.
Tuloy hindi ko maiwasang imagine na siya ang magiging groom ko, himiti naman si Mr Lance ang akala niya siguro ay siya ang tinitignan ko.
Papalapit ng papalapit kami sa altar ay mas lumalakas ang kalabog ng dibdib ko hindi ko mawari kong kinakabahan ba ako o dahil nasa harapan ko na ang lalaking tinitignan ko kanina.
TYRON POV
Nagising nalang ako na masakit ang ulo ko dagil sa mga inasikaso ko kagabi, agad akong bumangon sa kama at naligo, pag tapos ay nag luto ako ng breakfast, ng matapos na ako ay humarap nag bihis na ako, ngayon ang kasal ni Lance hindi naman ako pweding mahuli dahil ako ang Best Man, iwan ko ba sa kanya kong bakit ako ang pinili niya.
Nang makarating na ako sa simbahan ay marami ng tao pero wala ka ang Bride, pumasok na kami dahil darating na daw ang Bride nasa tabi ako ng Groom na si Lance, ng bumukas ang doble door ay nag simula na mag lakad ang mga abay, unang lumakad ang batang lalaki na may hawak ng singsing sunod sunod na silang pumasok mamaya pag ay nag simula na ang main song na pang kasal.
Pumasok ng dahan-dahan ang Bride naka kawit ang kaliwang kamay niya sa daddy niya, naka yuko ito, pero may binulong ang daddy niya na napaangat ang ulo niya, sinalubong niya ang mga tingin ang mga tao pero biglang napako ang paningin niya sakin hindi ko ba alam pero hi di ko maalis ang paningin ko sa kanya, parang pamilyar siya sakin pero hindi ko matandaan.
Maganda siya hindi ko itatangi iyon, ang mga mata niya na makikitaan mo ng kislap, ang mamulang labi niya na medyo naka awang, napalunok na laman ako at binalik ang paningin sa mga mata niya na mapupungay, habang papalapit siya ay mas lalo kong nakikitang ang kagandahan niya.
Nakipag kamay muna daddy ng bride at ni Lance.
"Alagaan mo ang anak ko ha, iho wag mo sya ng papaiyakin kundi babawiin kp ang anak ko" makikitaan ng pag bibiro pero seryoso ang tinig nito.
"Makakaasa po kayo tito" nakangiting sabi ni Lance.
"Daddy nalang tutal pag katapos nito anak narin kita iho"
"Sige po daddy makakaasa kayo na hindi ko papaiyakin ang anak ninyo"
Nag sinupo na kami at sinimulan na ang kasal.
" Nandito tayo upang saksihan ang pag iisang dibdib nila Lance Callen at Kat Lyn Buentias, mayroon bang tumututul sa kasalan ito?" tanong ng pare.
Wala naman tomutol kaya nag suma ulit siya, naging banayad ang daloy ng sirimunyas naka pangako narin sila sa isat isa, naka perma narin sila ng marriage certificate.
"Lance Callen do you accept Kat Lyn Buendias as your loving wife to richer or poorer to sickness and health to death to us part now and forever?"
"I do"
"Kat Lyn Buendias do you accept Lance Callen as your loving Husband to richer or poorer, to sickness and health, to death to us part now and forever?"
Napatingin naman si Miss kat Lyn kay Lance hindi ko alam pero parang may pag aalinlangan siyang sagutin ito pero sinagut niya parin ito.
"I-i d-do" na uutal na tugon ni Miss Kat Lyn.
Binigay naman ng batang lalaki na Sing bearer ang sing sing nasa poom at inabot ka Lance at kinuha nito ang kaliwang kamay ni Miss Kat Lyn at sinimulan at speech niya.
"Wear this ring sign of my love to you, you are the only woman I will love in my whole life, I will take care of you and our future child we will be together for a long time"saad niya at sinuot niya ang singsing sa daliri nito.
Binigay niya naman ang sing sing at kinuha ang kaliwang kamay ni Lance at nag salita, napalunok mo na ito bago mag salita.
"W-wear this r-ring sign of my l-love to you, you are the only m-man I will love in my whole life, I will take care of you and our future c-child we will be together for a long time"nauutal man ay pinilit niya parin mag salita.
Nang matapos na ang panunumpa nila ay tuloy ulit ang sirimunyas, hanggang sa huling parte na ng sirimunyas.
"Now I pronounce to you husband and wife you may now kiss the bride" nakangiting pag aanunsyo ng pare.
Nag katinginan naman silang dalawa pero napansin ko nakatingin sakin si Miss Kat Lyn hindi ko alam pero parang na aakit ang sa mga mata niya pero hindi ko nalang ito pinag tounan ng parin, bigla nalang siya hinalikan ni Lance hawak nito ang batok niya para palalimin ang halik nila, pero napadako ang paningin ko sa kamay ni Miss Kat Lyn na nakakuyom, kanya kanya sila kuha ng picture nila bilang mag asawa, si Miss Kat Lyn mismo ang nag bitaw ng halik, medyo napahiya si Lance dahil hinabol niya parin ito, napilitan nalang ngumiti nalang ito para hindi siya masyadong mapahiya.
Nang picture taking naman ang lahat, pamilya ng babae ang dalawang kuya niya at Daddy niya, sunod ang pamilya naman ng lalaki, si Lance tita at tito, pag katapos niyon ay mga maid of honor at best man lahat ng abay ay kasama narin, hanggang natapos na ito, pag katapos ng pumunta agad kami sa reception area kong saan gaganapin ito sa isang resort, nag karoon ng kantahan at sayawan samantalang ang bagong kasal ay tahimik lamang ito sa upuan nila.
Mag kasama sa isang lamesa lahat ng kapamilya nila samantalang kaming mga kaibigan at ibang bisita ay sa mag kabilang lamesa, paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero iniiwas niya nalang ang paningin niya sa totoo lang parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala, nag tuloy tuloy ang masayang pagdaraos, nag kainom nadin umalis si Miss Kat Lyn sa kinauupuan niya siguro para mag pahinga pumunta naman sa gawi namin si Playboy.
"Yow bro congrats may asawa kana ngayon hahahaha hindi kana makapag babae niyan hahaha" panunukso ni Dryl sa kanya.
"Gago, kamusta kayo dito ayus lang ba kayo? Bakit walang alak dito sandali" umalis siya at kumuha ng isang case ng alak.
Nag kainuman kami halos alas dose na nang gabi ng matapos ito, medyo may tama narin sila lalo na itong bagong kasal, hinatid ko nalang sila sa kanya kanya nilang kwarto, at huli kong hinatid itong kaibigan kong playboy, nag door bell muna ako habang nakaakbay sakin dahil hindi niya na kayang tumayo sa kalasingan nang mag bukas ang pinto ay napatingin ako sa kanya, bagong ligo lang siya dahil basa ang buhok niya, naka padjama siya ng kulay pink, manipis lang ang suot niyang pantulog kaya kitang kita ko ang bra niyang bumabakad sa pantulod niya, napatikhim nalang ako, dahil nag iiba nanaman ang temperatura ng katawan ko dahil sa kanya.
"Hai, maaari ba akong pumasok ito kasing asawa mo lasing na kaya ako nalang humatid"
Napatingin naman siya sa asawa niya na parang may pag aalinlangan kong papasukin niya ito o hindi.
"Ah, sige pasok ka, paki lagay nalang siya sa coach, ako nalang bahala sa kanya, salamat sa pag hatid Mr?"
"Tyron, call me Tyron" at nakipag kamay siya sakin.
Pero agad ako napabitaw ng may kuryente na biglang dumaloy sa kamay namin napatikhim nalang ako.
"Na una na ako Mrs Callen" pamamaalam ko.
"Kat nalang po itawag ninyo sakin, naiilang kasi ako pag mrs eh" nahihiyang saad niya.
Napatawa nalang ako dahil medyo namumula ang magkabilang pisngi niya, she's really pretty.
"Mauna na ako Kat ha ikaw na bahala sa asawa mo"
"Sige Tyron salamat sa pag hatid sa kanya"
Nang makaalis na ako parang mayroon sa kaluuban kong nag sa sabi ng balikan ko siya pero hindi ko alam kong bakit , hindi ko nalang ito pinansin at lumakad papuntang kwarto ko, agad akong naligo at humiga sa kama ko, hindi ko maalis sa isipan ko si Kat mayron sakin naaakit sa kanya pero alam kong bawal dahil may asawa na siya at kaibigan ko pa, pero iba ang impak niya sakin lalo na 'yong suot niya kanina kitang kita kong balingkinitan siya dahil sa nipin ng pantulog niyang gamit, mayroon namumuong init sakin agad nalang ako natulog dahil iba na ang nararamdaman ko nabubuhay nanaman ang hindi dapat.
Ipagpapatuloy...