Tahimik ang byahe pa-uwing mansion. Minsan naman ay nagsasalita si Nielo. Laging tanong niya ay tungkol kay Axel. Kung minsan ba ako nitong na-bully at kung ano pa. Tipid ko lamang siyang sinasagot dahil hindi ako komportable sa loob ng sasakyan. Hindi ako komportable na nasa kabilang dulo lang si Rocco. Para akong nauubusan ng hangin. Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. Dahan dahan naman itong bumukas. Automatic ang gate at nase-censor nito ang plaka ng mga sasakyang pagmamay-ari ng mga del Francia. Kung hindi nito makilala ang plaka ay kailangan pa nitong pagbuksan ng gwardya. Nang tuluyan nang nakapasok ang sasakyan ay huminto ito sa malawak na garahe. Una akong lumabas at sumunod naman si Nielo. Narinig ko ang lagapak ng pinto sa kabila. Lumabas na rin si Rocco. Sabay ka

