Chapter 1

1435 Words
Nakatingala ako sa marangya at sobrang laking mansion ng mga del Francia, ang pamilyang pagsisilbihan namin. Dahil balak kong tulungan si Nanay sa trabaho niya dito at ayokong maging pabigat. Mabuti na nga lang daw at pumayag ang amo ni Nanay na dalhin ako. Sobra akong namamangha sa mansion ng mga del Francia, sobrang yaman pala talaga nila. Habang bumibyahe kasi kami kinwento din sakin ni Nanay ang tungkol sa mga magiging amo niya. Pinindot ni Nanay ang doorbell na hindi ko abot. Hanggang dibdib lang ako ni Nanay at masyadong mataas ang kinaroroonan ng doorbell. Maya-maya lang ay may nagbukas na babaeng naka unipormeng pang kasambahay na madalas kong nakikita sa telebisyon. Ngumiti sya samin at tumango. "Delya? Ikaw na ba iyan?" Tanong ng babaeng parang ka edad lang ni Nanay. Tumawa naman si Nanay at tumango. "Oo, Pasing. Eto naman si Dwayne, anak ko." Bumaba ang tingin ng babae sakin at tumango. Kinurot niya ang pisngi ko. "Naku! Ang ku-kyut naman nito. Oh siya, pasok na kayo at makulimlim pa naman." Tinulungan niya si Nanay sa pagbitbit ng mga gamit namin. Hinila naman ako ni Nanay at itinabi sa kaniya. Sumunod kami kay Ate Pasing sa loob, hindi kami pumasok doon sa bulwagan kundi sa pintuan sa may likod na papasok pala sa kusina ng mansion. Pagpasok namin doon ay nakita kong maraming mga kasambahay ang abala sa kaniya kaniyang gawain. Nilingon kami ng pinaka matanda at tumayo ito upang lapitan kami. "Mabuti naman at nakarating kayo ng maayos, Delya." Sabi nito. Nagmano si Nanay sakaniya at sinenyasan niya akong magmano din. Inabot ko ang kamay ng matanda at nagmano. Ngumiti naman ito sa akin. "Oo nga po, Aling Mercy. Salamat sa Diyos." Ani Nanay. Tumango ang matanda at bumaling kay Ate Pasing. "Oh, samahan mo na sila Delya sa magiging kwarto nila sa Maid's Quarter ng maayos na nila ang mga gamit nila't makasabay na satin sa pagkain bago pa dumating ang mga bisita." Ani Aling Mercy. Dinala kami ni Ate Pasing sa isang kwarto na hindi masyadong kalakihan ngunit ayos na rin para saming dalawa ni Nanay. Habang inaayos namin ang mga gamit namin ni Nanay ay nagsalita si Ate Pasing. "Naku, kararating mo pa lang Delya eh mukhang mapapasubo ka agad sa trabaho. Eh may okasyon ngayon dito eh, kaarawan ng panganay na anak ng mga del Francia." Sabi ni Ate Pasing na nakasandal sa hamba ng pintuan. "Ano ka ba ayos lang, Pasing. Sanay naman na rin ako sa trabahong ganito." Ani Nanay habang inililipat ang mga damit namin sa cabinet. "Oo nga pero galing pa kayo ng byahe. Sigurado akong pagod ka." Bakas sa mukha ni Ate Pasing ang pag-aalala. "Nakatulog naman ako sa byahe eh, kaya ko ito." Palipat lipat lang ang tingin ko sa mga nakatatandang nag-uusap. "Oh sige. Hali na kayo't kumain ng magkaron ka ng enerhiya para mamaya at makatulog na itong si Dwayne." Matapos kumain ay nagsimula na si Nanay mag trabaho at pinabalik niya na lang ako dito sa kwarto namin. Naaawa nga ako kay Nanay dahil alam kong pagod siya pero kinailangan niya pa ring mag trabaho dahil nagkataon na may okasyon nga raw dito. Napaisip tuloy ako sa nagaganap na okasyon. Kaarawan daw ng panganay na anak ng mga del Francia. Siguro maraming mayayamang bisita ang naroon ngayon sa may garden ng mansion. Narinig ko kasing doon daw ang salu-salo eh. Parang gusto ko tuloy sumilip at manood. Hindi pa ako kailanman nakakita kung paano magdiwang ng kaarawan ang mga mayayaman. Hmm. Hindi naman siguro ako mapapansin kung lalabas ako at sisilip lang sa tabi, diba? At tsaka abala naman ang lahat maging si Nanay kaya hindi nila malalaman na maglilibot ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina. Sumilip muna ako at nang makitang walang kasambahay ay pumasok ako. Maraming masasarap na pagkain ang naroon ngunit busog pa ako kaya babalikan ko na lang mamaya kung sakali. Lumabas ako doon sa pinto kung saan kami pumasok kanina ni Nanay. Paglabas ko ay dumagundong agad ang malakas na tugtog na nanggagaling sa garden. Napalingon ako sa bandang kaliwa kung saan galing ang ingay. Paniguradong nandoon ang garden. Maingat kong binaybay ang daan papuntang garden, nang maaninag ko na ang liwanag na galing doon ay parang may mga bulating nagwawala sa tiyan ko. Nang tuluyan ko nang masilayan ang kabuuan ng garden ay namangha ako. Ang ganda! May mga bilogang mesa na nakabalot ng puting tela gayun din ang mga upuan. May mga waiter na abalang nag seserbisyo sa mga panauhin at kay gaganda ng mga damit nila. Ganito pala sila nagdidiwang ng kaarawan? Grabe pala. Kung samin lang nila Nanay, pansit at maliit na cake lang eh. Napayuko ako ng may dumaan na kasambahay na may dalang natapon na pagkain. Pumasok ito sa isa pang pinto papasok ng mansion. Sumilip ulit ako at ngayon naman ay naagaw ang pansin ko ng maliwanag na stage na nasa unahan at pinaka gitna. May malaking mesa doon at nakaupo ang apat na tao. Isang mukhang mayamang mag-asawa na nagbubulungan at dalawang batang lalake na magkatabi. Napangiti ako doon sa isang batang lalake na mukhang ka edad ko lang dahil panay ang ngiti niya at bahagya pa siyang sumasayaw sa tugtog ng musika. Kulot ang buhok niya at naka amerikana pa. Ang cute niya. Nalipat naman ang tingin ko doon sa katabi niyang lalake. Nawala ang ngiti ko ng makitang naka busangot ito at parang walang ganang nakamasid lang sa paligid. Medyo mas matanda siya tingnan kumpara doon sa kulot na lalake. Siguro mga tatlong taon ang tanda niya sa katabing lalaki. Siguro siya ang panganay na anak na may kaarawan ngayon. Pero bakit naman siya nakabusangot? Eh ang ganda nga ng birthday niya eh. Ang swerte nga niya at ang dami niyang handa. Tinitigan ko lang siya ng maigi. Hmm. Gwapo pala siya. Tisoy. Mestizo. Medyo wavy din ang buhok niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at mapula ang mga labi. Kulang lang talaga siya ng ngiti sa mukha. Nilipat ko ulit ang tingin dun sa katabi niyang lalake. Masaya pa rin itong nakangiti at nilalaro ang bow tie niya. Napangiti rin ako at natawa ng bahagya sakaniya. Kabaliktaran talaga sila nong isa. Pero nawala ang ngiti ko ng mapansing nakatingin na sa akin ang lalakeng nakasimangot. Nakakunot ang noo niya at matamang nakatanaw sakin. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib at dali dali akong tumakbo pabalik sa loob, ngunit napahinto ako ng nakitang may kasambahay na sa loob ng kusina. Bumalik ako at naghanap ng ibang pinto na mapapasukan. Nakita ko ang isang pinto sa kabilang dulo kaya tumakbo na ako don pero sa hindi pa man ako nakakaabot ay may humila na sa tshirt ko. Kinakabahang napalingon ako at laking gulat ko na lang ng makitang ang panganay ng mga del Francia ang humila sakin. "Who are you?" May pang aakusa sa tinig niya. Matalim din siyang nakatingin sakin mula ulo hanggang paa. "S-sir..." May pagmamakaawa kong sabi. Mas lalong kumunot ang noo niya at hinigpitan ang kapit sa damit ko. "Tell me! Who are you and what are you doing here? Are you a thief?!" Pasigaw niyang tanong. Naiiyak na umiling ako at pilit na kumakawala sakaniya. "'Wag kang iiyak! Magnanakaw ka! Guards!" Sumigaw siya at naagaw na nga namin ang atensyon ng mga gwardya pati na rin ang ibang mga bisita. "Anong nangyayari, Rocco?" Tanong ng nauunang Guard. Tinuro ako ng lalake at hinarap sa mga gwardya. "Nahuli ko itong nakasilip sa garden. Who let this rat in? He could've steal anything if I didn't catch him!" Sumbong niya. Namuo agad ang galit ko sa masungit at mapang akusang lalaking ito. Hindi ako magnanakaw! At lalong hindi ako daga o hayop para tapak-tapakan niya ng ganito. "Amin na siya, Rocco. Kami na ang magpalalabas sa bubwit na ito." Naglahad ng kamay ang gwardya. Umiling naman itong Rocco na ito. "No! I will throw him out myself!" At hinila niya na ako palabas ng gate. Umiling iling ako. "Parang awa mo na! Hindi ako magnanakaw! Anak ako– ahh!" Napadaing ako ng malakas niya akong itulak sa labas ng gate. Umiiyak na tumingala ako sakaniya. "Sa ibang bahay ka na lang magnakaw!" Sigaw pa niya. Ang sama sama niya! Wala siyang karapatang mambintang. Tumayo ako ng akmang isasarado niya na ang gate. Sisigaw ulit ako ng marinig ko ang boses ni Nanay sa likod ng mga gwardya. Kasama niya si Ate Pasing na tumatakbo papunta samin. "Anak ko! Jusko po!" Naiiyak na sabi ni Nanay at niyakap ako. Mas lalo akong umiyak at yumakap na lang kay Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD