PANSIN ni Laura ang gulat na bumalatay sa mukha ni Lyka nang marinig nito ang sinabi ni Draco na asawa siya nito. At mula din sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Jake. At mukhang hindi din nito nagustuhan ang pag-amin na iyon ni Draco. At napansin nga din niya ang pagsilip nina Aine sa kinaroroonan ng mga ito. Mukhang nakikiusyo din ang mga ito sa nangyayari sa loob ng dining table. "W-what?" mayamaya ay wika ni Lyka nang nakabawi ito mula sa pagkabigla. "Are...you joking, Draco?" tanong nitong, mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig. "Do you think I am joking, Lyka?" tanong nito, bakas sa boses ang kaseryosohan. At nang sulyapan niya ito ay napansin niya din niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Walang halong pagbibiro sa mukha nito.

