KUMUNOT ang noo ni Draco ng i-alis niya ang atensiyon sa harap ng laptop ng makarinig siya ng mga boses na nanggaling sa labas ng kwarto mula sa ibaba. "Senyorita!" "Senyorita Laura!" wika nang mga boses. Kung hindi hindi nagkakamali si Draco ay boses ng mga bata ang naririnig niya mula sa labas. Hindi pa naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng tumayo siya mula sa pagkakaupo para silipin kung ano ang nangyayari sa ibaba, kung bakit may mga boses ng mga bata siyang nariring. Well, alam naman ni Draco na may mga bata na naninirahan sa Hacienda Abriogo, anak iyon ng mga trabahador ng Hacienda. Bago pa niya isinagawa ang plano niyang paghihiganti sa ama ni Laura ay alam na niya ang mga iyon. He took a step closer to the window to peek at what was happening outside. At nakita n

