HINDI napigilan ni Laura ang pamulahan ng mukha ng marinig niya ang bulong ni Draco sa kanya. Why did he have to bring that up again? Nanatili namang nakababa ang tingin niya. Ayaw niyang mag-angat ng tingin dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon. Pero mukhang wala siyang maitatago kay Draco dahil hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha para magpantay ang pangin nila. At nang magtama ang paningin nila ay kitang-kita niya ang naka-angat na dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi nang masiguro nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Is he also amused by her embarrassment? "I am asking you, did you sleep well or not?" tanong nito sa kanya sa baritonong boses ng hindi pa niya ito sinasagot. Bumuka-sara ang bibig niya. Hindi k

