PINUNASAN ni Laura ang pawis na namumuo sa kanyang noo matapos niyang i-check ang dalawang kabayo sa kwadra. Umagang-umaga ng makatanggap siya ng tawag mula kay Manong Isko na nagkaroon ng problema sa mga alaga nilang kabayo. Bigla na lang daw naghina at hinihingal ang mga ito. Bigla din daw nawalan ng gana ang mga ito na kumain. At sinabi din nitong mataas din ang body temperature ng kabayo. At nang marinig niya ang mga iyon ay dali-dali siyang nagtungo sa kwadra. Hindi na nga niya nasamahan sina Aine sa mga gawaing bahay dahil nagtungo na agad siya sa kwadra para i-check ang mga alagang hayop na naroon. Pagdating nga ni Laura ay agad niyang cheneck ang mga kabayo na tinutukoy ni Manong Isko. At ang findings ni Laura? Equine influenza virus. And it was contagious, but fortunately

