SNOW WHITE: Chapter Eight

1487 Words

Nakaupo si Grimhilda sa trono ng dumating ang mangangaso. Medyo nanlaki ang kanyang mga mata at maya maya ay gumuhit ang isang matamis na ngiti. Tumuon ang kanyang mga mata sa kahong hawak ng mangangaso. "Kamahalan ito na po ang inyong hinihingi!" Lumuhod ang mangangaso at inialay ang kahon. Mabagal na tumayo si Grimhilda sa trono at lumapit sa mangangaso. Kumikislap ang kanyang mga mata ng siya ay makalapit at inabot ang kahon. Sabik nyang binuksan ang kahon at mas lumawak ang kanyang ngiti ng makita nya tumitibok pang puso. Mahina siyang natawa sa tuwa. Tumalikod siya bago nya isinara ang kahon at iniabot iyon sa isang tagasunod at ipinadala sa kanyang silid. "Bigyan ng isang silid ang mangangaso at gusto kong bigyan nyo siya ng magandang pagtrato pagkatapos ay dalin nyo siya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD