Chapter 13
Ilang ulit na sinubukan ni Jane na lapitan at kausapin ang kaibigang si Aia, nagbabakasakaling handa na itong ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. But every time she tries, agad na naghahanap ng paraan si Aia upang umiwas. Naging mailap ito at lumipat ng upuan.
“Miss Jane, sa’n po ba namin ilalapg ‘tong mga box na ito?” Abala ang lahat para sa pagunita ng paparating na foundation week. All the subject teachers cancelled their classes to give the students time to prepare everything that is needed.
“You can put them there, Joel.” Nakangiting itinuro ni Jane ang temporary prop room. “H’wag niyo lang ikakalat masyado para madali lang ang pagkuha,” bilin ni Jane sa binatang volunteer.
“Copy po, Miss Jane!” masiglang tugon ni Joel bago lumakad paalis.
Almost everyone was wearing a red shirt — ‘yon kasi ang designated uniform ng mga volunteers, kaya nagmistulan silang mga pulang langgam na naghahakot ng mga pagkain para sa buong colony. Bahagyang natawa si Jane nang napagtanto niya ‘yon. Pasimpleng niyang itinakip ang hawak na clipboard sa kaniyang mukha para itago ang munti niyang pagtawa, bago muling itinuon ang pansin sa pag-o-observe sa mga committees.
Nagsimula nang kumilos ang Arts and Design team para ayusin ang stage decor, habang ang ilang volunteers naman ay nagtratransport ng mga props at monoblock chairs papasok sa malawak na auditorium. Saglit na sinubukang hagilapin ni Jane ang kaibigang si Aia pero mukhang wala yata ang dalaga.
“Hi miss, puwede ko bang makuha ang number mo?” Agad na nilingon ni Jane ang pinagmulan ng boses at nakita ang nobyong si Jameson.
“Sorry, pero I’m taken na,” pagsakay ni Jane sa trip ng binata. “Pero if you insist, I can break up with my man and be with you instead.” Jane playfully winked at him.
“Why do I feel flattered and offended at the same time?” Jameson pouted, swiftly pulling Jane into a small embrace.
“PDA ah!” Natatawang hinampas ni Jane ang braso ng binata at marahang itinulak para makawala sa yakap. “Tapos na ba practice niyo?” tanong niya rito.
“Break daw muna’t may pupuntahan yata si Kuya Drei.” Pasimpleng inakbayan ni Jameson ang dalaga’t nginitian. “Early lunch break.” He then playfully wiggled his eyebrows, and Jane chuckled.
“Kahit kailan talaga ang takaw-takaw mo!” Tawa ni Jane. “Let’s just stay here for a few minutes tapos puwede na tayong mag-lunch,” saad niya.
“Si Aia ba hindi sasabay sa’tin?” tanong ni Jameson.
Jane shook her head and sighed. “S-She’s a little busy,” she lied.
“Oh. . .” Jameson nodded. “Kaya pala. Hindi ako sanay na hindi kayo magkasama ‘coz you two are always like a package.” He chuckled.
Jane let out a small smile. “Yeah. . . me too.”
Jane felt a pang of pain in her chest as she recalled Aia’s reaction — written in her eyes were hints of pain, doubt, and misery. Surely, something has happened to her. Gustong-gusto ni Jane na makausap ang kaibigan para matulungan ito, pero paano niya ‘yon gagawin kung ni hindi nga niya ito mahagilap.
She recently just learned that she was dying, and mukhang mawawalan pa ata siya ng best friend. Jane sighed.
-
“I’ll be the one to order,” pagprepresinta ni Jameson pagtungtong nila sa cafeteria. “Ikaw na lang ang mag-reserve ng table,” saad nito sa nobya.
“Okay.” Jane nodded and smiled.
“Is there something you want to eat?” Jameson asked as he cupped Jane’s cheeks, removing the spec of glitter on her face with the use of his thumb.
“You’re already shining in my eyes, so you don’t need glitters.” He winked, making Jane blush a little.
“Ang harot harot mo!” Marahang hinampas ni Jane ang braso ng kaniyang nobyo at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
“Respect naman para sa mga single na seniors here,” pabirong singit ni Aundre sa moment ng dalawa, dahilan para mas mamula ang pisngi ni Jane. Nakapila pila ito kasunod ni Jameson.
“Nako naman Aundre, nakikigulo ka na naman sa mga may jowa,” hirit naman ng kaibigan nito na si Janice.
“Sus, para namang hindi pa sila sanay sa’kin!” saad ni Aundre.
“Aigooo, pasensiya na kayo Jameson and Aia. Alam niyo naman na may pagka-bitter ‘tong si Aundre,” paghihinging paumanhin ni Janice sa kaniyang mga juniors.
“Teka, sandali! What did I miss?” tanong ng kakarating lang na si Kissha. “Uy! Hi pala sa inyo, lovebirds!” masiglang bati niya sa magkasintahan.
“Hi din po sa inyo Ate Kissha, Ate Janice, and Ate Aundre,” nahihiyang bati ni Jane pabalik. “Mauna na po muna ako’t maghahanap pa po ako ng table,” pagpapaalam niya na tinaguan naman ng mga seniors.
Saglit na sinulyapan ni Jane ang mata ng nobyo para bigyan ito ng isang tango bago tuluyang umalis para maghanap ng bakanteng lamesa. May apat na cafeteria ang university, pare-pareho itong malaki, pero minsan talaga’y nagkakaubusan pa rin ng upuan lalo na ngayong open for visitors ang campus gates.
Sa kaniyang paghahanap ng lamesa ay nahagilap ni Jane ang kaibigang si Aia na mag-isang kumakain sa may dulong lamesa. May mga bakanteng upuan pa sa lamesa ni Aia kaya naman ay sinubukan ni Jane na lumapit doon.
“Hi, puwede bang maki-share?” kaswal na tanong ni Jane sa kaibigan. Sa una’y akala niya’y hindi siya papansinin nito, kaya naman ay agad na gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi nang nakitang iniusog nito ang lunch box upang magbigay daan.
Slowly and carefully, Jane pulled a chair for herself to sit in. Nanatiling tahimik si Aia kaya’t naghari ang katahimikan sa buong lamesa. The atmosphere between them felt very awkward, no one dared to speak, mabuti na lamang at hindi nagtagal sa pagbili ng pagkain si Jameson.
“Uy!” Pagbasag ni Jameson sa katahimikan. “Hi, Aia!” masiglang bati ni Jameson sa kaibigan.
“Mukhang busy ka lately ah!” pagkausap ni Jameson sa dalaga pero hindi siya nito pinansin. “Ay. . . ang sungit pa rin.” Tawa niya.
“I got some steamed rice with pork steak for you.” Itinuon na ni Jameson ang pansin sa kaniyang nobya. Dahan-dahan niyang inilapag sa harap nito ang pagkaing binili.
“And some spaghetti for desert, or puwede ring snack na lang kapag busog ka na.” Marahang kinurot ni Jameson ang pisngi ng dalaga kaya naman ay sinamaan siya nito ng tingin.
Kahit anong pilit ni Aia na hindi pansinin ang dalawa ay hindi niya maikailang nakakaramdam siya ng pagkailang. Hindi na ‘yon bago para sa kaniya. Palihim siyang napabuntonghininga, at binilisan ng kaunti ang pagsubo ng pagkain dahilan para aksidente niyang masagi ang bukas na tumbler.
“Aish, Aia!” Inis na bulong ni Aia sa sarili. “Ang clumsy!” Dali-dali siyang tumayo upang maagapan ang pagkabasa ng suot niyang palda.
“Here, take this.” Pag-alok ni Jane sa kaniyang panyo. Sandaling napatigil si Aia, nagdadalawang isip kung tatanggapin niya ba ang tulong nito.
“Salamat,” tipid niyang tugon matapos kunin ang panyo at gamitin iyon pamunas sa kaniyang palda.
Inis na napabuntong hininga si Aia nang nakitang bahagyang namantsahan ng orange juice ang suot niyang puting blouse. Dalawa lang ang pares ng uniform ang pag-aari niya kaya kailangan niya itong ingatan ng mabuti para hindi masira.
Agad naman siyang naglakad papunta sa comfort room upang linisin ang sarili. Jane took it as an opportunity to help and talk to her best friend.
“Ang tanga mo, Aia!” Pagalit na kinosot ni Aia ang hinubad niyang blouse upang mahugasan ng maigi ang namantsahan bahagi nito. May doble naman siyang puting short sleeve T-shirt kaya naman ay okay lang ‘yon.
Saglit na tumigil si Aia nang magtagpo ang landas ng mga mata nila ni Jane sa salamin. Jane gave her best friend a small smile, with hopes that she’d smile back at her, but Aia just looked away and continued to clean her blouse.
“Here. You can wear this.” Jane handed out a fresh pair of school uniform clothes that she took from her locker before coming to meet with Aia. “Magka-size naman tayo kaya okay lang naman siguro ‘to ‘no?” She smiled.
“No thanks,” malamig na tinangihan ni Aia ang alok ni Jane at ipinagpatuloy ang paglinis sa sariling uniporme. Nang hindi pa rin maalis ang bakas ng orange juice ay inis na itinapon ni Jane sa basurahan ang blouse.
“Sige na, Aia, kunin mo na,” Muling pag-alok ni Jane.
Paunti-unting iniyukom ni Aia ang kaniyang kamao bago hinarap ang kaibigan.
“Bakit ba ang kulit mo?” inis na singhal ni Aia. “Sinabi ko nang ayaw ko di ba, pero ba’t pinipilit mo pa rin?”
Bahagyang napaatras si Jane sa gulat nang nagtaas ng boses ang kaibigan. “A-I just wanted to help. . .” saad niya.
“Hindi ko kailangan ng tulong mo!” Aia hissed.
Pain and sadness grew evident in Jane’s eyes. Nasasaktan siya dahil ramdam niyang ipinagtutulakan siya palayo ng kaibigan.
“Why are you doing this, Aia?” mahinahong tanong ni Jane. “Ano bang nagawa kong mali?” dagdag niya pa.
“Tell me, Aia,” Jane said. “I want to know what I did wrong, para makapag sorry ako.”
Aia painfully gazed into Jane’s eyes. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kaibigan, dahil alam niyang sa simula’t sapul walang ginawang masama si Jane. Kung naiinis man siya kay Jane ay mas naiinis siya sa sarili niya dahil maski siya’y hindi na rin alam ang rason sa mga bakit.
“Wala kang ginawang mali.” Buntonghininga ni Aia.
“Then why, Aia?” naguguluhang tanong ni Jane pabalik. “What’s happening, please let me understand.” Dahan-dahan nilapitan ni Jane ang kaibigan.
“Di ba best friends tayo?” Paunti-unting namuo ang mga butil ng luha sa gilid ng kanilang mga mata. “Best friends do not keep secrets from each other, and will always tell if there’s something wrong.”
Hindi magawa ni Aia na idiretso ang tingin sa mata ni Jane sa takot na baka tuluyan siyang maiyak. Dahan-dahan inabot ni Jane ang kamay ng kaibigan para ito’y hawakan. Tears began to fall from Jane’s eyes as she waited for Aia’s response.
Despite having a lot of differences, the two of them became best friends because they’re the only ones whom each other can lean on most of the time. Nagkakatampuhan sila noon pero lagi naman agad silang nagkakabati dahil hindi nila matiis ang isa’t-isa. Hindi na napigilan ni Aia ang mga luha’t isa-isa na itong naglandas pababa sa kaniyang pisngi.
Dahan-dahang hinarap ni Aia ang kaibigan para tingnan ito sa mata.
“Nasa ‘yo na ang lahat! Ang perfect mo; you’re everyone’s ideal!” Aia cried. “Pagod na akong makumpara sa’yo. Pagod na akong magkunwaring okay lang ako sa tuwing ipinaghahambing tayo ng mga tao.”
“Everyone likes you; even my own father wishes to have you as his daughter.” Punong-puno ng hinanakit ang puso ni Jane. “How do I become half as good as you?”
“A-I’m not perfect, Aia.” Jane shook her head in reply. “A-And not everyone likes me.” She sadly chuckled.
“You should shine as you, not become someone else.” Jane smiled. “Don’t wish to be me, Aia.” Jane shook her head.
“Don’t wish to be someone who's dying. . .”