Sinasadya ba talaga ng tadhana na magkita kami ni leo?
"Saan mo balak pumunta, Ms. Davies?" Tanong niya habang nakapameywang sa harapan ng WTJ Restaurant.
"Uuwi na?" Patanong na sagot ko, pero sinamaan niya ako ng tingin.
Lumapit siya sakin, kaya kaagad akong lumayo sakanya pero mabilis niya akong nahuli sa braso.
"Uuwi ka sa bahay." Diin na sabi niya at hinila niya ako papalayo sa restaurant na pag-aari ko.
Pagkarating namin sa mismong harapan ng Lexus LC 500 na kulay red na kotse tinulak niya ako papasok.
"Aray! Dahan-dahan ka naman!" Reklamo ko pero mukhang wala naman siyang narinig dahil tahimik lang siyang nagmaneho.
Pagkarating namin sa mismong bahay niya, hinila niya ako papalabas ng kotse pero humawak ako sa bintana ng sasakyan niya.
"Bitaw." Diin na sabi niya, ngunit hindi ako nakinig sakanya.
Nabigla na lang ako ng suntukin niya ako sa tyan dahilan para manghin ako at mapabitaw.
Binuhat niya ako papasok ng bahay niya. "Ang sama mo." Nanghihina na sabi ko.
Hindi ko magawang gumalaw dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sa tyan ko.