HI#31 HINDI naging madali ang sumunod na araw ni Jenina. Stress na stress siya, lalo pa at laging nire-reject ng teacher nila ang unang chapter ng thesis na ginawa nila. Laging tumatawag sa kanya si Drake pero hindi naman niya ito nasasagot dahil busy siya kung hindi naman ay tulog siya. Pero hindi naman ito pumapalya na magpapadala ng message sa kanya kasabay ng pagdating ng mamahaling bouquet ng bulaklak na ipinapadala nito sa mansion. "Ayaw mo pa rin ba siyang kausapin, Anak?" sabi ng Papa niya. Nasa kwarto niya ito dahil buong araw siyang nagkulong kaya kinamusta siya nito. "Bukas na ang flight niya. Uuwi na siya ng Pilipinas kagaya ng gusto mo." Mula sa screen ng kanyang laptop ay kaagad siyang nag-angat ng tingin sa Papa niya. Nangingilid ang luha niya sa mga mata niya. Noong a

