Chapter 4

1868 Words
“Mr. Chua,” Drake said coldly to Mr. Herbert Chua. The old man was sitting regally near the floor-to-ceiling window. Pinili nitong makipag-usap sa kanya dito sa hotel na pag-aari nito. Nakita naman niyang tumayo ito mula sa kinauupuan nito. "Mr. Fortalejo, thank you for coming," said the old man with a smile, as he extended his right hand for a handshake. In his peripheral vision, nakita niyang naka-line-up sa kabilang gilid ang mga tauhan nito. Mr. Herbert Chua is a filthy wealthy business tycoon. But after this meeting, he doubts if this old hog would still hold on to that title. He smirked. “Of course, Mr. Chua." he replied, mockingly. Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa harap niya at siya rin ang unang nagbitiw ng kamay. "Bakit naman hindi ako makakarating kung malaking karne ang madadala ko pag-uwi, ‘di ba?" makahulugang aniya sa matanda. Natigilan ito at hindi makapagsalita. Alam niyang naiintindihan nito ang ibig niyang sabihin. He smiled wickedly and tilted his head. "Have seat please, Mr. Fortalejo." Ani Mr. Chua nang makabawi. Iminuwestra pa nito sa kanya ang kaharap nitong upuan. Not minding his sarcastic smile. Agad namang lumapit si Aldo, ang kanyang Personal Assistant, at hinila ang upuang nasa tapat ni Mr. Chua para sa kanya. Matapos nitong gawin iyon ay yumukod ito ng bahagya sa kanya bago bumalik kung saan ito nakatayo kanina. "Anyway, I arranged this meeting to make it clear that you can't take all my properties anymore, or else..." Mr. Chua's voice trailed off as they both took their seats. “Or else—what Mr. Chua?" he sarcastically asked the old man. Naupo siya nang tuwid at ipinatong ang magkasalikop niyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Otherwise, the stench of your company will come out, Mr. Fortalejo." Matigas at nang-uuyam ang tonong banta nito. Natigilan siya. He wasn’t expecting about it. His eyes glazed over as he looked at the old man. Damn it! This old hog knows about something in his company. "Another thing, our agreement was not legalized." The old man, added. Drake Rafael smirked. Umaayos siya sa pagkakaupo. He was no longer taken aback by the old man's words, for he knew him all too well. This old hog was sly and duplicitous—a leech in the business world, vanishing like a bubble after exploiting his victims. Ngunit kailanman ay hindi ito papantay sa kanyang katusuhan. If this man was a leech, then, he is a lion ready to devour his prey, but in a clean way. "Hmm, is that so, Mr. Chua?" he asked in a cold but calm voice. But, beneath the surface, a storm of anger raged within him. He even wanted to smash the old man’s face. Pasalamat na lang ito at may natitira pa siyang respeto sa mga matatanda. "Yes. Since only my wife dealt with you—technically not with you, but with your assistant—I can use that as grounds in court." Drake laughed sarcastically. Mukhang naging bobo na yata itong matandang ito. "Well, as far as I know, you collateralized all your properties to DRL Bank..." he paused when a waiter approached them and served the food. Hinintay niya munang umalis ang waiter, bago siya nagpatuloy. "As I was saying, you collateralized all your properties to my bank," he said confidently. "Yes, given that you were not there. But I believe your signature was enough. I am right, Mr. Chua?" he added sarcastically. Mr. Chua's face became pale. Nakita rin niya ang takot na dumaan sa mga mata nito. Ano ba ang akala ng matandang ‘to sa kanya? Bobo? He tsked and shook his head. "Mr. Fortalejo, puwede naman natin itong pag-usapan. Hindi ko ilalabas ang mga nalalaman ko tungkol sa 'yo at sa kompanya mo kung mananatili pa rin sa akin ang fifty percent shares nitong Hotel." laban pa rin nito, kahit alam nitong hindi talaga ito mananalo sa kanya. Nakita naman niya iyon sa mukha nito. Sweat was already forming on the old man's forehead. Umiling siya. "I see this was coming, Mr. Chua. So, I'm already prepared for this." He said, gritting his teeth. He knew already what this old man could do, but he was sorry for him. He is not that doomed and easily fooled by someone. He signaled his executive assistant to come closer. Mabilis naman itong lumapit at binigay sa kanya ang isang black folder na hawak nito. Pagkatapos ay agad din itong dumistansya at bumalik sa puwesto nito. Binuksan niya ang folder at bahagyang pinasadahan ng tingin ang laman niyon. Kung akala ng matandang ito na ito lang ang may alas laban sa kanya. Then, this old man was wrong. He was not stupid to dive into war without enough ammunition. "I see. You have lots of debts with different banks," he mocked and closed the folder and passed it to Mr. Chua. "Just take a look of it, Mr. Chua, siguradong mamamangha ka." he added, sarcastically. Mariin naman itong nakatingin sa kanya. Pagkuwa’y nanginginig ang mga kamay na inabot naman nito sa kanya ang folder at kaagad binasa ang laman niyon. "No! You can't do this to me, Mr. Fortalejo. May anak at asawa akong kailangan kong buhayin." Namumutlang sabi nito. Ang kaninang matalim at puno ng kompyansang mga titig nito sa kanya ay nawala na. He only looked at Mr. Chua coldly. "Trust me. I can Mr. Chua," he icily said. "Dahil wala akong anak o asawa na kailangan kung isipin." Then stood up from his seat. "No. La Cruix Chains of Hotel and Restaurant is mine!" sigaw nito at padarag na napatayo. Akmang susugurin na sana siya nito, nang harangin kaagad ito ng limang bodyguards niya. Ang executive assistant naman niyang si Aldo ay kaagad ding nakalapit sa tabi niya. "Accept it, Mr. Chua, that you are no longer the hotel chain owner." He said roughly and turned his back on him. "F-Fine, but please spare my son about this. J-Just promise me that he will still a manager in this hotel." With trembling voice Mr. Chua begged. Ang akmang pagtalikod niya ay natigil at humarap ulit siya sa matanda. Nang-uuyam na tiningnan niya ito. Bigong-bigo ang hitsura nito. Ang mga bodyguard naman nito ay nanatiling nasa likuran lang ng matanda. Nakita pa niya ang mangiyak-ngiyak na hitsura ng anak nito na nakatayo sa may gilid kasama ng mga bodyguard ng ama nito. At sa kabilang gilid naman ay ang mga stockholder ng hotel. Well, as long as na mapasakanya lang ang hotel nito, there's no problem about that. "No problem, nice meeting and dealing with you Mr. Chua and next time don't try to fool me." sabi niya at naglakad palapit sa matanda pero hindi ito ang pakay niya kundi ang anak nito. “You really deserved on that title. Nice dealing with you too, Mr. Fortalejo." Narinig niyang sabi ni Mr. Chua nang lampasan niya ito. Yeah! That title made by that Yes! Magazine. Tsk! business genius. But to those who know him well... "I'm more than that," he murmured before he headed towards Mr. Chua's son. "Albert Chua, right?" he asked the young boy. Tumango naman ang lalaki. "Well, you should thank your father. You remain the manager of this hotel because of him." "T-Thank you, Sir," mangiyak-ngiyak ang hitsurang sabi nito. "Do the right thing, 'wag kang gumaya sa ama mo," malamig na sabi niya, bago tumalikod at tuluyan ng umalis ng hotel. Pagkalabas niya ng La Cruix Hotel ay agad siyang sinalubong ng mga reporters na mabilis ding naharang ng mga bodyguard niya. Tumulong na rin ang mga security guard ng hotel. "Mr. Fortalejo, is it true that the La Cruix chain of hotels and restaurants is now under of Fortalejo Empire?" Malamig na tiningnan niya ang babaeng nagtanong niyon sa kanya. May hawak itong mamahaling cell phone hindi gaya ng mga kasama nito na mikropono ang mga hawak. Ah, this woman is a writer, at ire-record yata ang sasabihin niya. He smirked. Pathetic writer. "Mr. Fortalejo, paano na si Mr. Herbert Chua? May karapat—" Hindi na niya narinig ang sinabi ng isang reporter ng tuluyan na siyang makalayo sa mga ito. "In my office," aniya sa kanyang driver nang makasakay na siya sa kanyang limo kasama ang kanyang assistant. "And Aldo, find the traitor inside my company." Malamig niyang utos sa kanyang executive assistant. Naniningkit ang mga matang napatingin sa kanya ang assistant. Halatang hindi ito natuwa na may traydor sa loob ng kompanya niya. Pero sumang-ayon din naman ng mabilis. "Yes, Sir." Aldo Jin is not only his E.A. He is his buddy. A best friend and he treats him like his real brother. Second year college siya nang makita niya itong nakikipag-away sa may kanto. Nag-iisa itong nakikipaglaban sa hindi niya mga kilalang lalaki kaya tinulungan niya ito. Muntik pa nga silang matalo at mapatay kung hindi lang dumating ang mga bodyguards niya. Dinala niya ito sa mansion at nagustuhan ito ng Lolo Leonardo niya kaya pinag-aral ito hanggang sa nag-graduate sila ng kolehiyo. Sabay din silang nagtratrabaho sa Fortalejo Empire sa mababang posisyon. Nagsimula silang dalawa bilang isang utility ng kompanya bago sila nakarating din ng sabay kung anuman ang position nila ngayon. Pero bago pa nangyari iyon, may mga pinagdadaanan siyang akala niya hindi niya kakayanin. But thanks to him. He conquered it all but is not the same Drake Rafael Fortalejo anymore. He is now a cunning, ruthless, and merciless businessman. At kahit na puwede itong magtrabaho sa kahit na saang company pa nito gusto ay hindi nito iyon ginawa at nanatili pa rin itong nasa tabi niya at handa siyang tulungan. Mula sa bintana ng kanyang sasakyan ay nakita niyang hindi maganda ang panahon at umaambon pa. Whoever you are, I will make your life miserable to the point that you will regret that you dared to sabotage my company. Silently, he swears to himself. Nang makarating sila sa building ng Fortalejo Empire ay walang emosyong naglakad siya papasok sa kanyang private lift kasama ang kanyang executive assistant. "Tell the secretary to make a coffee, Aldo," he said when they reached his office. "Okay, Sir." anito at kaagad lumabas ng kanyang office. His office was located at the 10th floor. Ayaw rin niya ng masyadong maingay kaya ipinagbawal din niya ang pagpunta ng ibang empleyado sa buong floor kung hindi naman kailangan. Nakapamulsang nakatayo lang siya paharap sa floor to ceiling large window ng kanyang opisina. At nakikita niya sa ibaba ang buhul-buhol na mga sasakyan sanhi ng walang katapusang trapiko sa daan. Pero hindi iyon ang concern niya. Iniisip niya kung paano niya matutukoy at mahuhuli ang traydor na halos makasira sa kanyang mga plano. Hindi talaga niya papalagpasin ang ganito. He hates traitor. Pinapakain ito ng kompanya niya at sinasahuran ng tama. But damn! Still, he betrayed his company. Tatlong magkakasunod na katok ang narinig niya pero hindi siya natinag mula sa pagkakatayo. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina "Sir, tumawag po ang driver ni lola Estrella, nasa hospital daw sila." Awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay at kaagad napalingon kay Aldo nang marinig niya ang sinabi nito. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD