NASA kusina si Jenina at kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang pinagkainan nila kanina. Siya na ang nagboluntaryo dahil hindi pa naman siya inaantok. Saka bukas naman ay opisyal na katulong na siya rito mansyon ni Señorito Drake. Saglit naman siya natigilan nang maalala niya ang pakiusap sa kaniya ni lola Estrella. Paano kaya niya aalagaan ang halimaw na iyon? E, hindi nga siya makakalapit doon dahil sa takot. Napailing siya. Hindi na muna niya iyon poproblemahin. Ang dapat na isipin niya ay ang magawa niya ng tama ang trabaho niya bukas. Saka makapag-aral ng mabuti. Hanggang umaga lang din ang trabaho niya dahil buong hapon ay mag-aaral siya, pagdating ng guro niya. Napangiti siya nang maaalala niyang bukas din ay mag-uumpisa na siyang mag-aral. “Ganda, pakipatay ng mga ilaw, ha? K

