Chapter 10
Dayn’s POV
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang papunta sa school. I checked my bag if everything I needed was there or else, I would have to go back to get it. Inilabas ko ang cellphone para hindi maburyo sa loob.
“Ma’am,” tawag sa akin ni Manong.
“Yes po?” Ibinaba ko nang kaonti ang cellphone ko para pakinggan ang sasabihin niya.
“Ma’am nakauwi na po iyong anak ni Bautista, Precious daw po pala pangalan no’n.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Isinilid ko ang cellphone ko sa bulsa at dumungaw sa pagitan ng driver’s seat at shot gun seat para marinig ko nang malinaw ang sasabihin niya.
“Eh, hindi ho ba’t kaaalis-alis lang noon? Bakit andito na agad?” tanong kong muli.
“Kaya nga po, e. Wala pa nga po atang isang o dalawang linggo iyon doon. Bumalik na po rito, balita ko po nangako raw po sa ama na hindi na ulit gagawa pa ng kalokohan kaya’t pumayag na rin,” paliwanag niya habang pinanonood ko siyang iliko ang manibela at magmaneho.
“Ano raw pong gagawin naman no’n dito? Ibig sabihin niyan edi dito siya mag-aaral?” My face turned sour just with the thought of her, though chances are small that I will bump into her, but it is not zero.
“Ano pa nga po ba ang mangyayari? Tiyak na dito iyan mag-aaral. Siya ngang akin din narinig, kesyo dine raw siya papasok.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Saang school po? Ay anak ng tipaklong,” bumaba ang boses ko.
Mukhang hindi na kailangan pang sagutin ni Manong ang tanong ko dahil nakita ko na si Precious, bumaba siya sa sasakyan nila. Nakilala ko ang heels sa paa niya, nakita ko iyon sa States, Jimmy Choos na closed toe at kumikinang-kinang pa.
“Dito Ma’am, kung saan ka rin pumapasok,” sabi niya at napakamot siya likod ng ulo ulo niya.
Nilapitan siya ng mga alipores niya at tumatawa sila at nagkukwenuhan. Akala mo naman hindi nagkita ng iimang taon. Magaganda ang suot nila, one of them has their hair braided, one tied up, and Precious’ hair was dancing in the wind. Bumaba na ako ng sasakyan nang huminto iyon ilang metro ang layo mula sa gate. Inilabas ko ang mga gamit ko na ilalagay sa locker.
Malapit na ako sa gate kung saan sa kaliwang daanan nandoon sila Precious at sa kanan naman ako dadaan. Nakita ko na dumapo ang tingin sa akin ni Precious, tinaasan niya ako ng kilay kaya inirapan ko na lang siya at tinuloy ang paglalakad.
Malapit na ako sa guwardiya nang may motor na dumaan sa harap, nagtataka ako kung bakit hindi pa nila binubuksan ang gate. Lahat ay maglalakad sa loob ng campus, puwera na lamang sa mga nakabike. Ang sabi raw kaya ganoon ay para mas malibot ng mga estudyante ang buong campus, pati na ang mga daan na hindi nadadaanan ng mga kotse. Hanggang bukas daw ito, may mga natuwa, marami rin ang nainis lalo na’t layo-layo ang mga department building sa isa’t isa.
Putangina na ‘yan, oh. Nakilala ko agad kung sino ang nasa motor. Kahit iba pa ang motor na gamit niya, alam ko pa rin na siya iyon.
I glanced back at Precious and she is looking at him. I just knew that exact moment, Precious has a new target and it is indeed, Sxan. I watched Sxan removed his helmet and put it on the top of his motor and started walking into my direction. I immediately removed myself there, but he still was able to reach me. It’s like I closed my eyes for a second and then he’s here the moment I opened my eyes. He is a human mushroom. I saw Preciouss eyes rolled her eyes at me as she watched us. Dali-dali akong naglakad papasok.
SInabayan ako ni Sxan maglakad. “Anong ginawa mo?” tanong niya. Hinarap ko siyang nakakunot ang noo at nalilito.
“Wala. Wala akong ginawa kaya please lang? Layuan mo ‘ko, you smell like trouble, so please, stop buggin me,” I spoke.
Mabuti na lamang ay umalis na siya sa tabi ko nang nakarating kami sa main hallway. Tinunton ko ang locker ko. “1087, 1085… there you are, 1084.” I was about to lay my hands on the locker door when somebody put his hands on it before I do.
“You, you… you,” she started. I rolled my eyes at the situation, I saw her eyes darted straightly on me, it was like she was trying to shut me up and scare me. But I feel no threat, no scary things I should be afraid of. It’s all bullshit.
“Do not get started with me,” I said then I aggressively removed her hand that is touching my locker. It sure hurt because she whimpered, and her taunting eyes earlier were now easily filled with madness. What a puss.
I opened my locker and begun putting things in. My jacket, spare uniforms, books, and all sorts of other abubot.
She was about to grab me by my hair, but when I turned to her, some other girl is squeezing her hand so hard that she is crying. The girl’s face expression is just blank and straight towards Precious. Medyo nag-alala na rin ako kay Precious kaya aawatin ko na sana pero binitiwan na rin nung babae. Umiiyak si Precious sa umalis.
“That stupid girl tried to grab you by your hair,” she said when she turned to me. I raised my eyebrow and let out an inhaled air. Her voice is soft, but steady. It’s like the thing she just did is not really her thing. “Anyway, I am Clarene,” she smiled widely at me. I am so freaking confused here.
“Uhm…” I didn’t know what to answer. “Uh, I’m Dayn. Hindi mo naman iyon kailangang gawin.”
“Hmm, ayoko sa kaniya. Siguro naman madadala na siya,” sabi niya sabay irap sa hangin. “Anong course mo?”
“Tourism, ikaw?” sagot ko. Hinawakan niya bigla ang dalawa kong kamay at tumalon-talon siya.
“Oh my gosh!” she exclaimed. “We are besties now, ha? I am a tourism student din!”
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. I just smiled at her awkwardly before getting my hands off hers.
She covered her mouth with her hand and said, “Oh, sorry. I am just really excited.”
“Yeah, I can definitely see that, Clarene.” Yeah, super. “I’m afraid I have to go now, I’ve got classes to attend, see you around.”
“Oh, can we eat lunch together?” pahabol niya.
“Yeah, I guess we could. Let’s see each other at the cafeteria then.” I waved goodbye and wondered what’s going to happen next. Today is just so extra, it is still morning, oh my gosh, this day keeps on surprising me with these people.
Pumasok na ako sa isa kong klase at sa bandang gitna ako umupo. Mabuti at wala pa ang professor kaya nakapag-ayos ako nang mga gamit nang kaonti. Ilang minuto lang ay dumating na ang professor.
"Good morning, Tourism 1B,” she greeted.
We gretted back, "Good Morning!"
"Take your seat."
Pag-upo ay agad pasimpleng hinanap ng paningin ko si Sxan. Wala pa siya samantalang halos sabay kami pumasok ng eskuwelahan.
Nasa kalagitnaan nang pagtuturo si Mam nang bumukas ang pinto at iniluwa si Sxan. Natigil sa pagsasalita si Ma’am at lahat ng tingin ay nasa kaniya.
"You're thirty minutes late, Mr.?”
“---del Montecillo, Miss.”
“Mr. del Montecillo. Dapat hindi kana pumasok,” said she.
“Pasensiya na po.” Napataas nang marahan ang kilay ko sa pagpapaumanhin niya.
“Dahil andyan ka na, maupo ka na. Palalampasin ko ito ngayon, there will be no next time," she spoke.
Yeah, he's thirty minutes late and still he has the face to come here? Goodness.
Hindi na siya pinansin ni Ma’am at itinuloy ang pagtuturo. He sat cross-legged nearby the door, put his notebook on the desk and started taking down notes.
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang lingunin niya ako at nagtama ang paningin namin. Agad kong iniwas ang akin, nakita ko lang sa peripheral vision ko na nailing siyang tumatawa ng mahina.
Throughout the class, napapansin ko ang madalas niyang pagsulyap sa akin. Alam ko naman na maganda ako pero huwag naman sana to the extent na may gusto nang manabunot ng buhok ko at paulit-ulit tingnan. Medyo uncomfortable din lalo na’t conscious ka na may tumitingin sa iyo.
Natapos ang tatlong subjects kaya lunch break na namin. Napagpasiyahan kong pumunta na sa cafeteria at umorder, hindi kasi dapat ginugutom ang mga magaganda, baka mabawasan kami, napakalaking panghihinayang ang matatamo ng Pilipinas. Nakita ko rin agad si Clarene, kinawayan niya ako at magkasunod kaming pumila sa linya.
I chose Fresh Lumpia, nachos, and a squeezed sugarcane with lemon for the drink. Umupo na agad ako noong nakakita ako ng blankong upuan, sa dami ng nakapila, maya-maya lang ay mapupuno na ito at mahihirapan na makahanap ng upuan. I started to eat nachos piece by piece when somebody sat right across me, I thought it was Clarene so I didn’t mind her and continue to look at my phone while eating.
"What did you do?” Nag uutos na tanong niya. Nang iangat ko ang paningin ko ay si Sxan ang naroon at hindi si Clarene. Si Clarene ay nasa counter pa rin at umoorder.
How dare is he to talk to me like that?!
“Excuse me? What the hell are you saying?” I asked. He probably got an intel that I am the one who killed Dark.
“To him,” he said seriously. I acted like I didn’t know the ‘him’ he is talking about.
“Hey, I think you might be mistaken, that is my seat so will you please---”
He turned to Clarene who just got here.
“Oh my god,” she said, almost dropped her food. She went over to me and whispered, “You talk to each other, I’ll seat on another table.” She then proceeded to sit on another table, few tables away from us. She winked at me and started eating her food.
“You brought him to that place? All by yourself? How?” he asked.
“Who the f**k are you talking about? Leave me alone,” matigas kong sabi.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang wrist ko noong pasubo na sana ako ng nachos, unti-unti ang paghigpit kaya pasakit nang pasakit habang tumatagal. I grabbed his wrists as well, and you will overlook this as more of a holding each other than hurting each other. With all my force left in the wrist his holding, I tried to bury my fingernails on that hand, I noticed his face expression changed. It did work, nasaktan siya sa ginawa ko.
"I'm more dangerous than the place you are talking about, Sxan. I am the fire; I don’t feel afraid." My eyes challenging his eyes that looks like an earthquake who is ready to wake up and provoke the sleeping volcanoes. Mas diniinan ko pa ang pagbagon ng kuko sa wrist niya, nararamdaman ko na lumuluwag-luwag na ang paghawak niya sa akin. “And why do you keep asking me? Are you from them?” I asked.
"Answer me,” I demanded. Things are getting more heated and interesting.
Kinuha ko ang kamay niyang nakakapit sa akin at ginamit iyon na hawakan. Hinawi ko ang mga pagkain na nasa mesa at nagpadulas doon palapit sa kaniya. Sobrang lapit namin na ang mga dibdib namin ay naririnig ang mabibilis na t***k ng puso ng bawat isa. Hinigpitan ko nang mabuting-mabuti ang kanyang kamay hanggang sa dumaing siya. Naaalala ko noon na pinagtatawanan ako dahil lagi akong talo sa punong braso, ngayon, kahit itapat mo pa sa akin si hulk, lalabanan ko.
"You're not listening, idiot. Just like what I've said, mas delikado ako. Don't you dare to talk to me again," I warned.
I took a step back and his grip loosened. Nang tingnan ko si Clarene ay nakatulala ang siya sa amin. NIlapitan ko siya at pinitik sa noo.
Hinila ko na siya palabas doon pero ang utak niya ay naroon pa rin ata sa loob. Iniwan ko siya saglit sa labas habang nakatulala dahil may naiwan ako sa loob. Nakakabwisit, nagugutom pa naman ako tapos… ugh! Kinuha ko ang drinks ko na hindi ko nahawi, hindi ko na tiningnan si Sxan sa mata, basta umalis nalang ako sa harap niya at kumuha ng bagong straw.
Nasa pinto na ako ng cafeteria nang maramdaman kong may sumusunod. I sensed that it is him, again. I turned around and, in my mind, I am flipping him off, but it sounds inappropriate thing to do, okay I will.
I flipped him, "Don't you dare to follow me, asshole.” I glared at him. Umatras siya ng ilang hakbang, inirapan ko muna siya bago bitbitin ulit si Clarene na akala mong nakita si Medusa dahil ayaw niya magpatinag.