Chapter 30
Dayn’s PoV
“Tara na? Tapos ka na?” I asked Clarene. Tumitingin-tingin pa rin siya sa mga libro samantalang halos hindi na niya mabitbit ang mga libro na hawak niya. “Tama na ‘yan, Clarene, may bukas pa ano ka ba.” Hinila ko na siya sa manggas ng blusa niya.
Hila-hila ko siya papuntang cashier pero ang leeg niya ay halos humaba na kakatingin sa mga libro na nadadaanan namin.
Ibinaba ko sa counter lahat ng napamili namin. Hindi ko alam kung paano ba namin ito bibitbitin palabas.
Mapapagastos ka talaga ng malaki kapag kasama mo si Clarene mamili.
“Ayos na ‘yan, ha. Hindi tayo si hulk para magbuhat ng ganiyan karaming libro.” Turo ko sa librong isa-isa na ipinapunch ng babae.
She smiled at me then nodded yes. She’s tiptoeing while holding the Hermes paper bag.
“You know what? Stay here, I’m just going to get something very quickly.” I said to her. She frowned and stopped what she was doing.
“Where?”
“Wait a minute,” paalam ko at lumabas na ng Bookstore. Naglalakad ako ngayon papunta sa supermarket. Tinakbo ko ang babae na palabas ng bayaran na may tulak-tulak na cart na walang laman at mukhang ibabalik na niya ata iyon sa pilahan ng mga cart.
“Miss, tapos na po kayo?” I asked.
She said yes kaya kinuha ko na iyon. Para akong tanga na may tulak-tulak na cart na wala namang laman palabas ng supermarket.
Lumiwanag ang mukha ni Clarene noong nakita niya ako pero agad din iyon napalitan ng pagkalito noong nakita niya ang pushcart na walang laman. Napatingin pa sa akin ang ibang customers. Nasa isang tabi si Clarene at sa gilid niya ay naroon ang tatlong plastic bag ng libro.
Lumapit ako sa kaniya. “How much ba iyong akin?” I asked then proceeded to get my wallet from my side pocket. Pinigilan niya ako.
“It’s nothing much. Ugh, I am so tired,” she complained and sighed deeply.
My eyes narrowed and I wrinkled my nose. I showed my teeth then rolled my eyes, not at her though. “Sino ba namang hindi mapapagod? Pagkakain na’tin, ito na iyong mga pinaggagagawa na’tin. Mag-waldas ng pera.”
Kinuha niya ang plastic bag, inangat niya iyon habang salo ko naman ang ilalim nito at inilagay iyon sa cart. Ginawa namin ‘yon hanggang sa mailagay na lahat.
“So where should I drop you?” she asked while pushing the cart.
“Hmm… just drop me off sa school. I left something sa den,” I answered.
Wala naman akong naiwan na kahit ano, it’s actually who. I knew I have to go to school even if it’s late, it’s like eight thirty at night already.
Kumunot ang noo niya. “But it’s late, ipagpabukas mo nalang iyan. Ano pati ang sasakyan mo kung doon kita ibaba?”
Nakarating na kami sa parking lot ng mall. Inilabas niya ang car key niya at in-unlock ang car. Binuksan niya ang likod para mailagay namin ang mga naipamili.
“Hmm. Papasundo na lang ako,” I lied. “Pauwi na rin si Kuya ngayon sabi ko daanan kako ako sa school,” sagot ko pa.
Tumango-tango siya habang tulong kaming dalawa. “Are you sure?”
“Yeah,”
“What about these books that you bought?”
I looked at those. “Can you bring it tomorrow, tapos saka ko sa iyo kukuhanin? Is this the same car you will be using tomorrow?” I asked.
“Yes. Okay, sure ka na riyan ha? Baka mamaya may mangyari sa iyong bad doon. Take care, ha?” she said.
I assured her that nothing is going to happen, if ma-late na talaga ako, sa den nalang ako matutulog.
We drove to the school. Huminto siya sa parking lot malapit sa den. I just decided to call our decorated room exclusively for us a “den”. It’s much easier and short.
“Dayn, take care ha! I’ll go na when you’re inside na,” she said when I got out of her car.
I shook my head. “Huwag na, ang liwa-liwanag naman dito, e, at saka iyan lang ang den, oh.” Turo ko sa daan papunta sa den. “Sige na, mauna ka na, baka hinahanap ka na sa inyo, late na oh.”
She waived goodbye and flew a kiss. I catched it then dropped it on the ground and stepped on it. She laughed then raised a finger.
Sa wakas ay umalis na rin siya. I cracked my knuckles and my neck. I looked around to see if there’s any active CCTV cameras. I spotted one, and there, two. Kumuha ako ng bato at binato iyon.
Tinanggal ko ang ponytail ko at yumuko para ayusin ang sintas ng sapatos.
“Hayop ka, sabi ko na nga ba, e,” I uttered.
Nahuli ko ang kamay na may hawak na kutsilyo. Akma niya sanang gilitan ako sa leeg, akala niya siguro ay hindi ako alerto sa kapaligiran ko. Pinilipit ko ang wrist niya hanggang sa mabitiwan niya ang kutsilyong hawak niya. Umikot ako para makita ang mukha niya.
Nakita ko ang paa niyang mabilis na kumilos para patirin ako, mabuti nalang ay nakaiwas ako. Diniretso ko ang paa ko sa sikmura niya. Tumalsik siya sa flowerbed. Lalapitan ko na sana siya nang may humampas sa likod ko ng kahoy.
Gago, ang sakit! Tiniis ko ang sakit at humarap sa pumalo sa akin. Nakailag ako sa sumunod na hampas niya. I’ve been through worse than this, this one’s nothing. Matagal-tagal na rin simula noong makaramdam ako nang ganoong kasakit na hampas. There is a thin line between pain and pleasure, and I am feeling both now. Pain brought me pleasure and adrenaline started rushing to my body.
Sinalo ko ang sumunod niyang hampas. Hinila ko ang kahoy na hawak niya at saka ko siya pinatamaan sa leeg ng tatlong beses. Ang mga ilag niya ay walang silbi dahil lahat ng atake ko ay tumatama sa kaniya.
Imbes na takot ang maramdaman ko, kakaibang pakiramdam ang nangingibabaw ngayon sa akin. Napasinghal ako noong may lumabas na tatlong lalaki mula sa mga puno na nakapalibot sa parking lot. Four o’ clock, eight, at twelve o’ clock ang pwesto nila. Mabuti na lamang ay walang sasakyan ang nakaparada ngayon dito kaya maluwang ang pwesto para sa laban, kung sabagay ay dulo na ito kaya siguro ganoon.
“Tingnan mo nga naman, lima pala kayo?” I laughed, I thought there’ll be only two or three, five was unexpected.
The three started running towards me. I prepared myself for the counterattack I’ll be doing. They made a fool of themselves when I bowed and escaped from their cluster. Tumama sila sa isa’t isa, ang mga suntok na dapat para sa akin ay tumama sa kanila.
I watched them fall on the ground, holding their faces na nasuntok nila. I placed my hands on my pocket and cackled. “Look at you three,” I said.
I was having such fun until somebody tried to slice my flesh open. Tumama iyon sa balikat ko.
Putangina, may isa pa?!
Mabuti na lang at nakailag ako sa isa pa niyang atake kung hindi ay isa na akong kaso ng murder at mababalita na ako sa telebisyon. Napahawak ako sa dumudugo kong sugat. Napamura ako sa hapdi, nagtataka ako kung bakit ganito kahapdi, samantalang noon ay hindi naman. Inalis ko ang kamay ko para tingnan kung anong mayroon.
They put shattered and almost powdered glass on the knife. Kaya naman pala sobrang hapdi, nag-level up na pala sila. Wala namang ganiyan noon, may toppings na sila ngayon.
Napapaingit na ako sa sakit, namumuo na rin ang luha sa gilid ng mga mata ko. Pinawi ko iyon bago pa lumabo ang mata ko.
Back then, I can handle five to seven guys at once. I think I have to step up my game, gosh, I can’t lose to these stupid guys.
I pulled myself together. Nakatayo na silang lahat at nakaabang sa susunod kong galaw.
“Come at me, shitheads.” I grinned.
Sabay-sabay silang tumakbo patungo sa akin. Noong malapit na sila ay sinaboy ko sa kanila ng buhangin na kinuha ko kanina noong napaupo dahil sa pagkakahiwa sa akin. Napaatras silang lahat at napahawak sa mga mata nila. Napangisi ako at kinuha ang opportunity na ito para makaganti.
Ang isa ay parang tanga na winawagiway sa ere ang kutsilyo. Sunod-sunod ko silang binalian ng kamay at braso. Noong naagaw ko ang kutsilyo ay ginamit ko iyon para mabilis na saksakin ang mga hita nila. I hit their femoral arteries. Blood started gushing down their thighs. They can’t see and now they can’t walk. If they can’t make it on time to the hospital, they will die.
Napaatras ako noong may humintong van sa likod nila. May mga lumabas na lalaki na mga naka-mask, hinila nila ang anim na lalaki papasok sa loob at pinaharurot ang sasakyan paalis.
Napangiwi ako noong bumalik ang sakit. I tried putting pressure on the wound, but it just hurt so f*****g bad, I’m glad that it stopped bleeding though. Hindi na ako dumaan pa sa den para sa first aid kit. I have to go home. Everything I need is in there. Baka review-hin nila ang CCTV at makita ako na ako ang sumira sa CCTV sa parking lot. Alas onse na nang tingnan ko ang relos ko. Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang cellphone.
Mabuti na lang ay walang text o tawag kay Ate. Tinext ko pa rin siya na ayos lang ako at hindi pa ako patay. I didn’t say my whereabouts, but I think she just presumed that I am at Clarene’s since I told her that I might go home late because we’re going out.
Sinuot ko ang jacket at umalis na agad ako sa parking lot para pumara ng taxi.
Pabalik-balik ang tingin sa akin ng driver sa rearview. May pawis akong naramdaman sa noo ko kaya pinunasan ko iyon, nang tingnan ko ang kamay ko ay dugo iyon. Putangina naman. Tinamaan nga rin pala ako sa noong kahoy sa noo noong humarap ako sa lalaki.
I laughed awkwardly. “Wala lang po ito, nahulog ako sa hagdan kanina, Manong. Ang dilim kasi sa hagdanan sa school, e,” palusot ko. Alam ko naman na hindi iyon gagana pero sinabi ko pa rin para na rin mabasag ang katahimikan sa loob ng taxi.
Ibinaba niya ako iilang bahay ang layo sa amin. Nag-aalala ang mga mata niya noong inabot ko sa kaniya ng bayad ko.
“Sa susunod ay mag-iingat ka, hija,” sabi niya.
I faked a smile then said thank you.
Nag-over the bakod ako para makapasok sa backyard. Tiningala ko ang room ko, paano ako aakyat nito? Tiyak na sasakit ito nang malala kapag pinilit ko pero wala naman akong ibang choice kundi gawin iyon.
With all my strength, I managed to get up to my balcony. The hard part is over. I sighed of relief.
Muntik na akong atakihin sa puso noong may nakita akong tao na nakaupo sa kama ko. Hindi ko siya makita nang maayos dahil madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi kong ilaw.
“Tangina naman, oh, hanggang dito ba naman?” mura ko.
Hinanda ko ang sarili ko sa atake niya noong tumayo siya. Lumapit siya sa pintuan ko at binuksan ang ilaw.
“Look at you,” he said, shaking his head side to side.
Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig dahil wala na talaga akong lakas, tapos ang sakit-sakit pa no’ng sugat ko sa likod ng balikat.
He went to me immediately to help me stand up. I pushed him away and stand up on my own.
“What the f**k are you doing here?” I asked him.
“What happened?”
“You knew, don’t f*****g pretend.” Umupo ako sa kama at hinubad ang jacket. Hinagis ko iyon sa sulok ng kuwarto ko. Naramdaman ko ulit ang dugo sa noo ko. Pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko.
Hindi niya sinabi ang gusto kong marinig sa kaniya. “I asked you, what happened?”
I rolled my eyes then suppressed a laugh. I scoffed.
I watched him go through my things hanggang sa makuha niya ang first-aid kit ko.
“f**k you.” I spoke.
He stopped, I saw he clenched his jaw and sighed.
“Get the hell out of here before I push you off the balcony,” I told him.
Hindi niya ako pinansin. Sinara niya ang cabinet at sumadal doon.
“Then make me,” he said, mocking me.
I looked at him, he stared back. His eyes were cold and taunting me. Hindi niya ako madadaan sa ganiyan. Tumayo ako, hindi inaalis ang mata ko sa kaniya.
“Leave,” madiin kong sabi.
He just raised his eyebrow and grinned. “I don’t want to.”
“I said get the f**k out of here.”
I am fusing mad right now and I don’t know what I could do to him if he won’t leave. I am now in my vulnerable state, I don’t want this stupid asshole to witness me in this state.
“Stop acting tough,” he said.
“I don’t act,” I answered.
Nilapitan ko siya at tumayo sa harap niya. My legs together with my hands are shaking. I feel something building up in my chest and my heartrate is getting higher. The pain in my shoulder won’t go away, and my back is hurting like a f*****g b***h.
I lost it when he touched the blood on my forehead. I almost dropped on the floor, but he caught me in his arms. Tears started running down my cheeks. Now it hurts everywhere. He helped me to get on the bed. Pinupunasan ko lang ang mga luha ko. Umalis siya sa kama at kinuha ang first aid kit.
He glanced in my eyes and started wiping the blood on my forehead.
“This one’s going to hurt,” he warned. Kumukha siya ng cotton ball at nilagyan iyon ng betadine.
Napangiwi ako noong dumapo iyon sa sugat ko sa noo. Huminto siya saglit at nagpatuloy ulit matapos ang ilang segundo.
“Why are you here?” I asked him.
“You know why I am here,” he answered.
Ano ba namang klaseng sagot iyon? Ano? Hulaan portion ba ito?
So, he knew what happened then.
“Tell me,” I said.
“Shut up,” malamig niyang sagot.
“Damn you,” mura ko. Huminto siya at tinapunan ako ng tingin. “What are you looking at?” mataray kong tanong.
Magkasalubong ang kilay niya at at seryosong ginagamot ang sugat ko. Marahas kong hinawi ang kamay niya.
“Ano ba, Dayn?!” tumaas ang boses niya.
“I can handle this, get the hell out of my room, Sxan,” I said looking straight into his eyes.
“f**k it, Dayn,” he cursed, he didn’t move at all. Inangat niya ulit ang kamay niya. I though he was going to hit me kaya umilag ako. Nagulat siya sa naging reaksyon ko. “Did you think I was going to hit you?” he asked.
“Bakit? Hindi ba?” I answered back. His hands landed on my forehead, he continued to clean my wound.
“Goddamn it, no!” I was surprised by the sudden change in his tone. “I would never hit you.”
My stomach whirled when he put his other hand on top of mine. Tiningnan ko iyon, pagyuko ko ay biglang sumakit ang sugat ko sa likod ng balikat. Napatingin siya roon.
Kumunot ang noo niya. Tumayo siya at tiningnan ang likod ko. I moved away as if hindi niya iyon makikita.
“What the f**k?! Why didn’t you tell me that you have a wound sa likod mo?” galit niyang tanong.
“Bakit naman sa iyo sasabihin? Kanina pa nga kita pinapaalis, ‘diba?”
“Tigas talaga ng ulo mo.”
“Wala ka nang pakielam do’n. Umalis ka na, kaya ko na ang sarili ko.”
Umiling-iling siya sa akin na may halong pagkadismaya.
“Really?” he asked in a very scornful way. He placed his hands on his waist then looked at me.
“Yes, so leave now.”
“After I saw this?” he said, pertaining to my wound in my shoulder. “f**k off.”
Umupo siya sa likod ko at hinawi ang buhok ko sa gilid. Kumuha siya ng panali at itinali ang buhok ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko hinahayaan siyang gawin iyon.
“I’m going to touch it,” he said. He said, he didn’t ask. Dahan-dahan niyang ibinaba ang damit ko para makita ang sugat. It’s not enough, I have to take off my clothing for him to clean it. “Damn it, Dayn. Will you please…”
“I can do this, so leave,” No, don’t leave.
“Bakit ba sobrang tigas ng ulo mong babae ka, ha?” Tumayo siya sa kama at pumunta sa harap ko. Inirapan ko lang siya. “Pinaaalis mo ako even if you, yourself know it that you can’t do this on your own and I am offering my help and you…” he clenched his fist and sighed. “You keep refusing it? Hm? Why? Tell me a good reason and I will leave.”
I didn’t answer. I just looked away.
“See? You are going to get an infection if you won’t let me clean it. The wound has powdered glass, Dayn. So, please, let me help you.”
I started to unbutton my blouse, just enough to expose the wound. Umalis na siya sa harap ko at pumunta sa likuran ko.
“Thank you, my god.” He sighed.
He started cleaning my wound. Tuwing umiingit ako sa sakit ay humihinto siya at tinatanong kung ayos lang ba ako. He put a bandage on it. Tumayo siya at pumasok sa closet ko. Noong lumabas siya ay may bitbit na siya na pajama at t-shirt. Ibinaba niya iyon sa tabi ko.
“Hold on,” bumalik siya sa loob. Paglabas niya ay may dala siyang basin na may bimpo.
Umupo siya sa harap ko at inalis ang sapatos ko. Pati na rin ang medyas ko. Pinilipitan niya ang bimpo at dahan-dahan pinunasan ang mukha ko.
“Why are you doing this?” I asked.
“This is the least I could do,” he said.
Pinanood ko lang siya na gawin iyon. Hindi na ako nagsalita pa. Mas relaxed na ngayon ang mukha niya kaysa kanina na galit. Binanlawan niya ang bimpo at sinimulang punasan ang braso ko, sunod ang binti ko.
“Do you need help putting on your t-shirt? You can’t move your shoulder. I won’t look, I promise.”
I nodded yes. Kinuha niya ang t-shirt at inayos iyon. He closed his eyes as he promised and helped me put it one.
“You can now open your eyes. I can put my pants on,” I said. Tumango siya at kinuha ang basin at bimpo at pumasok sa banyo.
Noong makabalik siya ay tapos na ako. Kumuha siya ng isang basong tubig. Itatapat na sana niya sa bibig ko iyon nang kunin ko iyon sa kamay niya.
“I can do it,” sabi ko. Tumango siya. Kinuha niya ang baso pagkatapos ko uminom.
“Go to sleep, sleep on your other side.”
He helped me lay down. He tucked me in. He turned the lights off and sat beside me.
“Goodnight, little fighter,” he said then I felt his lips on my forehead.