Chapter 3
Dayn’s Point of View
When I returned to the Philippines, I thought a lot had changed. If there are, it surely is unnoticeable, except the new café in front of our village. Pagdating ko rito, sakto naman na paalis sila Mama. Babalik sila ng Los Angeles dahil nagkaproblema ata sa isang branch doon.
My sister was a bit skeptical of me, going back here, though it’s out of concern and worry. Gayundin sila Mama, pero tingin ko naman ay mas tumatag ang tiwala nila sa akin. They expect nothing to me, but they wish that I will be a good girl here like I was in States. Iyon din naman ang gusto ko mangyari, pero pakiramdam ko, mismong gulo talaga ang lalapit sa akin.
First day of school ngayon kaya naghahanda ako ng maaga. Little bit excited, I guess?
"I’m just a little bit caught in the middle!" I sang out loud the chorus of the song habang nag-aayos para pumasok.
"Dayn! May balak ka pa ba na kumain ha? Napaka-kapal naman niyang libag mo! Susmariyosep, bilis bilisan mo riyan!" sigaw ni Ate.
Rinig na rinig mula sa ibaba ang lakas ng boses ni Ate. Tuwing umaga lagi siyang ganiyan.
"Pusang gala Ate balak mo bang basagin yung salamin ng shower room? Grabe kung makasigaw akala mo naman bingi yung kausap," angal ko noong makababa na ako.
"Ewan ko sayong babae ka. Kumain ka na nga, unang araw ng pasukan late ka. Dios mio,"she said shaking her head slowly.
Mas pinili ko na lang kumain kaysa makipagtalo sa kanya. I finished my breakfast and in just a few minutes the car beeped.
"Alis na ako.” I signaled, waving my hand.
"Sige wag kang mag-iingat ha, lumapit ka sa gulo nang mahanap mo hinahanap mo!" sigaw niya.
Ano bang klaseng abiso iyon? Napakasarkastika.
Caydenn Bay University. Malawak at malinis ang kapaligiran, blue at white ang theme ng school. Halata rin na mayayaman ang mga nag-aaral dito, the poor here can buy a Louis Vuitton bag and the rich can buy an island.
2nd year college, 1st semester BS Tourism. Halo-halo naman daw ang mga estudyante, kumbaga sa isang classroom, may matalino, may matiyaga, o mayroon ding nakapasok dahil lang sa pera.
Hinahanap ko ngayon ang building na Roxas. Maliligaw ka talaga sa sobrang laki, mala-UP ang datingan ng school na ito. Dahil nga isa rin itong International University, may mga condominiums dito, oo condo, hindi dorms. May mga restaurant din sa gilid-gilid, countless libraries, at iba’t ibang courts sa kada sport. Bakit hindi ako dito pinag-aral ni Mama noong grade 10 ako?
"s**t!" I fell to the ground because someone bumped onto me. What the hell?
"What the hell? Harang ka nang harang sa dinaraanan ko, are you blind?" He growled.
What the actual f**k? Nagulat ako sa binulalas niya. He did not even bother to say sorry!
"What? Excuse me? You are the one who bumped into me. Ikaw yung hindi tumitingin sa dinaraanan, baka ikaw yung bulag? Akala mo naman kung sinong guwapo.” pabulong kong sinabi yung huli.
He’s very unbelievable, how dare he is to say that when clearly he’s the one at fault?
"Tama, bulag ka nga. Hindi mo makita na guwapo ako." Nakapamaywang pa siya habang nagsasalita. He proudly said the word “gwapo” with stress.
He’s very pissed, I bet on his mind he’s now torturing me. Ako rin naman, naiinis na, pavictim pa siya at akala mo kung sinong mayabang.
"What an asshole. Ang yabang mo," asik ko.
He placed his hands on his waist. "What did you just call me? Ginagago mo ba ako?"
Natawa ako sa tinanong niya. He’s very stupid to even talk to me in that way, palalampasin ko na sana siya kung nagsorry siya, pero hindi, mas ginusto pa niya na makipagtalo.
"What do you think? Eh gago ka naman talaga, nagtaka ka pa," asar ko. Namiss ko ito, iyong mang-asar. Naalala ko tuloy si Luke.
"What a b***h. Hindi maman maganda,” bulong niya at tinalikuran ako.
Oh my god, he even has the balls to say that.
Bago siya makalayo ay nagsalita ako. "Ang kapal naman ng pagmu-mukha hindi na kailangan ng makeup at prosthetics. Tapos wala pang respeto, at kung makapag-salita akala mo kung sinong entitled."
He stopped walking and faced me.
Just clicked the trigger, eh?
"Respeto? Gago ka ba? Karespe-respeto ba ang ugali mo? Kung makahingi ka ng respeto akala mong siya mayroon,” he barked.
I was triggered by what he said, I punched him on the face, then he fell to the ground because of the impact. Now, he’s looking at me with fire in his eyes, and his hands on his face—the part I punched— because it hurts so much, I made sure it would.
Wag mo akong pinipika, hindi mo ako kilala.
Bulong ko sa sarili ko matapos ko siyang suntukin.
Tumayo siya at lumapit siya sa akin ng sobrang lapit. Inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tainga ko, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.
Bumulong siya sa akin, "Hindi pa tayo tapos."
Nagulat ako nang maramdaman kong dumampi ang bibig niya sa ibabaw ng tainga ko, sa ginawa niyang ay napaatras ako ng bahagya.
Lumayo siya sakin at malamig akong tiningnan bago pumihit patalikod.
What in the world just happened? What is he, a s*x offender?
I suddenly got chills with that thought.
I entered using the backdoor of the room, fussing mad. Nairita ako sa ginawa niya, hindi iyon maganda at hindi ko rin maintindihan kung para saan ba iyon. Iginala ko ang paningin ko sa buong klase at tumigil ito sa sobrang lamig na mata. Nilabanan ko ang titig niya pero ako rin ang agad na umiwas. Tha ay he looks at me sent shivers down my spine.
Hinila ko ang upuan na nakita ko sa hallway at dinala iyon sa tabi ng lalaking may malalamig na titig. Nakatingin sa akin ang mga kaklase ko habang ginagawa ko iyon.
"Are you crazy? May balak ka pa talagang tumabi sa akin?" Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa nagsalita. Of course, it’s him.
Sumama ang kaninang malamig na titig.
"Tss. Why would I want to seat beside you? My god, you're insane." Hinila ko ang upuan para lumipat sa ibang puwesto.
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at dali-daling pumunta sa akin. Sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na nakakulong na ako sa mga braso niya, at nakasandal na sa blackboard.
Tinitigan niya lang ako. Napansin kong nag-iigting ang panga niya. Sinubukan ko na itulak siya ng malakas pero hindi man lamang siya natinag.
Look at this boy, he’s kinda strong tho.
Sinamaan ko siya ng tingin at inilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. Nag-uunahan sa bilis ang t***k ng puso niya, pakiramdam ko ilang segundo lang hihimatayin na siya sa sobrang bilis ng heartbeat niya. Tinulak ko siya ng buong lakas na nakapagpahina sa akin. Nakawala ako sa kaniya at pinaliparan siya ng isang sapak sa mukha.
Napangiwi siya sa sakit at nakita kong may bahid ng dugo ang gilid ng kaniyang labi.
Na-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya, pero kasalanan niya naman kasi, at saka hindi ko alam kung paano ba mag-sorry.
Tiningnan niya ko nang matalim at sobrang lamig. Lumapit ako at sinubukang pawiin ang dugo sa gilid ng labi niya pero hinawi niya ito at bumalik na sa kaniyang upuan, ngunit sa panibago ng upuan.
Kung hindi naman siya sumugod wala namang action scene na mangyayari, kung hindi niya ako pinakaba wala sanang sapak, hindi ba?
My god, this man, he’s starting to drive me crazy!
Umupo na rin ako dahil natitiyak kong ilang minuto nalang at dadating na ang teacher namin sa first subject.
"Good morning, Tourism 2! What's happening here?" our first subject teacher said.
Well, based on her looks, she looks like she’s in her mid-twenties and she probably has a boyfriend. She looks like she can be your cool, nice, tita-or-friend-vibes teacher.
I tried to control my classmates by giving them the don’t-you-dare look.
"Nothing Mam," they all answered in unison. I can’t believe it would work on them. Hindi naman araw-araw may nakikita silang ganito. Or should I say makikita?
"Okay,” she started. “ So, let's proceed, I'm Ms. Shayeen Hale, I am your Philosophy professor. It's your turn to introduce yourselves. Say your name, age, and something you believe in. The guy on the back, last seat, please stand up and introduce yourself."
"I'm Krey Lerks, 19, and I believe in something called faith. Nice to meet you all,” he said. He is the seatmate of he-who-should-not-be-talked-about-because-he-is-an-ass-and-no-one-wants-to-talk-about-asses.
And now, it is he-who-should-not-be-talked-about-because-he-is-an-ass-and-no-one-wants-to-talk-about-asses turn.
"I'm Sxan Atticus Castillo, 20, single but taken, I believe in the power of love," he said. I saw him giving me a glance. Gawd, creepy.
Papansin talaga siya, wala naming sinabi kung dapat bang i-include yung relationship status mo.
So, it is Sxan Atticus, huh? Is he single but he’s technically taken? Or he is taken but technically single? Why do I care?
Then after more people, it's my turn.
"I'm Dayn Celestine Marsillion, 19, and I believe in second chances," pormal na pakilala ko. Pag-upo ko ay saktong may nagsalita.
"Second chances? For what? Once a cheater, always a cheater. He broke your trust; will you allow him to break it again? Sinaktan ka na niya, ipapaulit mo pa?" one of my classmates asked. Napangiti ako sa tanong niya.
"Cheating will always be cheating, no other excuses, it is very wrong, and I will never tolerate cheating,” panimula ko.
“But if it is not about unfaithfulness, and the reasons why you two broke up are justifiable, then why not try it again. Sometimes love is sweeter the second time around, and that time, both of you had probably realized your own mistakes and will never do it again. Still, sometimes letting go is the best option, and we can never blame people for doing so. Letting go of something or someone you’ve always love and known requires a lot of courage and acceptance to do. Every feeling should be validated and never ignored,” I explained.
Naagaw ang atensyon ng lahat sa malakas na palakpak ni Sxan. Spotlight stealer. Tinaasan ko siya ng kilay pero iling lang ang isinagot niya.
Nagsisimula nang magturo si Ma’am pero nararamdaman kong may mga matang nakatingin sa akin, hinanap ko ang mga tingin na iyon at nahinto sa mga mata ni Sxan, nang nagtama ang paningin namin ayiniwas niya ang kaniya at tumingin na sa harapan. Gayundin ang ginawa ko.
Sinulyapan ko ulit siya at nagtama ulit ang paningin namin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano, basta iniwas ko nalang ulit ang tingin ko at pinangako sa sarili na hindi na ulit titingin pa sa kaniya.
Hindi ako komportable, hindi ako makapag-focus sa lesson. Iniisip ko lang ngayon kung paano ba makakaalis dito.
Itinaas ako ang kamay ko para agawin ang atensiyon ni Ma’am. "Excuse me Ma’am, may I go out?"
"Why Ms. Marsilion?" tanong niya.
Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Ma’am I need to go to the washroom. Ngayon po pala kase yung dalaw ko, nakalimutan ko po. Babalik din po ko agad."
Alright, nagsisinungaling lang ako kasi hindi ko na talaga kaya ang hindi komportableng pakiramdam. Sana naman maniwala si Ma’am.
"Oh, okay," she nodded.
See? It worked.
"Do you have--? You know? Girly thing," she asked.
"Yes Ma’am. Thank you." Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng room. I sighed of relief.
Pumunta ako ng washroom pero hindi para sa rason na iyon kundi para mag-ayos ng sarili at makahinga ng maluwag.
I felt somebody’s presence near me. "Hey.” I looked at the person who just talked. I am not surprised by who I saw.
"What the f**k are you doing here?" galit kong tanong. "Umalis-alis ka nga sa harap ko. This is ladies’ room! If you’re trans then I apologized for my words."
"What the? Excuse me? Me? Transgender? No offense but I am not! Ayusin mo nga mga tanong mo, baka anakan kita riyan." Ngumisi siya.
Palapit siya nang palapit sa akin kaya napapaatras ako, tumama ang balakang ko sa sink hudyat na wala na akong pwede pang atrasan. Oh come on, we’re not in the movies.
Unti-unti na akong kinakapos ako ng hangin habang siya'y nakatingin sa akin. Nakakapanlambot ang kanyang mga titig.
Sobrang lapit namin sa isa't isa. Nagsisimula na akong mag-panic, nararamdaman ko na mabilis ang t***k ng puso ko.
Ilang segundo lang nagising na rin ako, sinapak ko siya ng malakas kaya napalayo siya sa akin. Kinuwelyuhan ko siya at sinuntok ulit. Pumihit na ako palabas pero hinigit niya ang palapulsuhan ko kaya napaharap ako sa kaniya.
"So bitchy, you'll pay for this." He smirked so evilly and his jaw clenched.
I decided to mock him, I raised my left eyebrow. "Magkano?"
Anong akala niya sa akin? Hampaslupa? Baka ihampas ko pa sa kaniya ang lupang pinagsasasabi niya. I hate him from the bone marrow of my bones.
Hinigit niya ako sa bewang at inilapit sa kaniya. Pinaglebel niya ang mga mukha namin. Nakatitig lang siya akin. Tumaas ang gilid ng labi niya, he smirked, that’s all. Sobrang lapit ng mga mukha namin, parang isang galaw nalang magdidikit na ang mga labi namin. Sa kabila ng mga nag-aapoy niyang mata ay nakakahilo ang mga titig niya.
Nagbukas ang pinto ng restroom at natinag kaming pareho. Palagay ko’y nakita kami ng estudyanteng pumasok kasi humingi ito ng pasensya at lumabas ulit.
Laking pasalamat ko sa pumasok na iyon dahil nagising ako, hinawi ako ang kamay niyang nasa baywang ko at lumabas na ng restroom na parang hilo pa rin. It’s like I am under influenced by him because of his hazelnut-colored eyes.