Chapter 28

3118 Words
Chapter 28 Dayn’s PoV “OH MY GOD! Was I dreaming?” Bungad sa akin ni Clarene noong makatawid na ako. I put my hair in a bun and glanced at her. Ang extra-extra niya talaga kahit kailan pero hindi siya baduy at pangit tingnan, she matches everything perfectly. Overreacting din at palaging mataas ang energy. “Ano na naman bang nasa utak mo, ha? Ikaw kung ano-ano iniisip mo. Nilapitan lang ako, kung makapag-react ka naman para bang hinalikan ako!” I said to her. She bent to fix her ankle boots. She is wearing a bright pink faux feather coat underneath was our uniform. It was Monday that’s why we have to wear the type A. “Hey, girl, I should’ve been the one he is pursuing, not you!” sabi niya nang makatayo. Inangkla niya ang kamay niya sa braso ko at naglakad na kami. “My god, edi ayon, oh, sa iyong-iyo na,” sabi ko sabay turo kay Sxan na naglalakad sa gitna ng field. Tiningnan niya iyon at pairap na ibinalik ang paningin sa akin. “Kapag iyan inagaw ko, walang iiyak ha?” tanong niya. Tumaas nang kaonti ang kilay ko. Pabiro niyang hinampas ang braso ko, gumanti ako siyempre. “Charot lang siyempre. Eh, anong gagawin ko? Ikaw nga ‘yong gusto!” “Hindi ka nakakasigurado riyan, Clarene. At saka tingnan mo, oh.” We both looked at him, he is walking past girls who are saying hi to him. “Marecakes, lapitin ng babae, oh. Baka nga gawin lang tayong side chick niyan gaga ka.” Napaisip si Clarene. “You can see naman na he is not interested, oh,” sagot pa niya. “Sino ba naman kasi hindi makakapansin sa kagwapuhan na iyan.” Nasa kabilang building na si Sxan. Lumingon ito sa amin at nakangiting kumaway. My eyes narrowed and I just nodded at him. Clarene flashed a wide smile and waved back. Tinampal ko ang kamay niya, magkasalubong ang kilay niya na tumingin sa akin. Pinanlakihan ko siya ng kamay. “Selosa ‘to! Hindi ko naman iyan aagawin na, saksak mo na iyan sa heart mo tutal napopogian ka naman—” napahinto siya. Tinakpan niya ang kamay niya at nanlalaki ang mga mata. “Oh, em gee! Napopogian ka nga?! Sabi mo pa noon ‘hindi naman iyan guwapo,e’, tapos ngayon… just wow.” “Ano aba-aba bakit? Totoo naman, ha? Ipagkakaila ko pa bai yon?” I defended. Her face went from shocked to a confused one. “Ipagkaka-what?” tanong niya. “Ipagkakaila,” ulit ko. “Ipagkakaila?” she repeated. “What’s that?” “Itatanggi, deny?” I shrugged. “Ahh…” tatango-tango niyang sagot.   “Sabay tayo mag-lunch, carbonara at pesto ata ang choices for pasta,” sabi ko sa kaniya habang nags-scroll sa webfeed. Nakatingin din si Clarene sa phone ko habang naglalakad kami. “Uy! Gagi, wait!” Napatingin ako sa kaniya. She stopped and scrolled it previously. Inihinto niya iyon sa post ni Precious. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa suot ni Precious na jacket sa suot ni Clarene. Oh, shucks. “This b***h!” She scoffed. “Whoops, looks like yours,” I said. I touched her jacket to feel it. It’s nice but I think it’s too warm here in the Philippines to wear that. Huminga siya nang malalim at sumimangot. Tiningnan ko kung kailan niya iyon ipinost. “She posted this yesterday, edi parang nagmumukha ka niyang manggagaya?” I hid my laughter. “Oh, my god!” she slapped her forehead and facepalmed. “This… oh my god! Kapag nakita ko talaga itong chararat na ito, I bought this like few years ago, this is from a couture I went in France!” “What couture?” I asked her. “Valentino Haute Couture last 2018!” “Really?! I was there too! Yeah, I think I saw this one, ito ‘yong sinuot noong isa sa tatlong model na sabay-sabay maglakad, ‘diba?” sabi ko. “Yas!” Napalingon ako sa harap namin noong may mga bulong akong narinig. Kinalabit ko si Clarene na nakatingin pa rin sa cellphone. “What?” she said. Kinalabit ko ulit siya para tingnan kung sino ang papalapit sa amin. Knives went out of her eyes and stabbed Precious’ face directly. That’s one way to describe it. Precious and her alipores are walking to us. Precious flipped her hair back. She put her hand on her mouth when she saw Clarene, I can see that she’s smiling behind that hand. “Looks who’s nanggagaya ng style ko,” parinig nito habang palapit sa amin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagtawanan ang mga alipores na nasa tabi niya. “Anong style naman ang gagayahin ko sa iyo? Wala ka ngang kasense-sense sa fashion,” sagot ni Clarene. She stood straight and put on her super kalerki b***h face, kung tawagin niya. Napaamang ang mga iilang tao na nakarinig sa sinagot ni Clarene. “Hah!” Precious scoffed and rolled her eyes back. “Look who’s talking, I think girls she’s talking to herself or maybe…” she looked at me from head to toe. “To her old slut friend,” one of her alipores continued. “Excuse you?” I stepped forward. “Oh, she didn’t hear it you guys, she said, to her old slut friend,” Precious repeated. Susugod na sana si Clarene pero pinigilan ko siya. Kinuha ko kay Clarene ang cellphone ko at pinindot ang isang video. Lumapit ako kay Precious at iniharap sa mukha niya ang video. “Look whose slut you are talking about.” I smirked. “Nakakahiya kayong magkakaibigan, nagsusulutan ng mga boyfriend. Just ew.” Nanlaki ang mata ni Precious sa nakita niya. Sa video ay makikita na nakikipaghalikan si Precious sa boyfriend ng isa niyang kaibigan, sa kaibigan niyang nagsabi na isa raw akong slut. Precious froze. Mas inilapit ko ang cellphone sa mukha noong babae na ngayon ay nagagalit at umiiyak habang pinanonood ang video. Tumabi ako kay Precious at bumulong sa kaniya, “Paano ngayon iyan, Precious, bagong scandal na naman ‘to.” Nagkibit-balikat ako. Nagulat ang lahat nang biglang sinampal ni Ate Girl si Precious. Napahawak si Precious sa pisngi niya. I took a picture of Precious looking like that and smirked at her. “What? Precious moments need to be captured.” I shrugged and went back to Clarene. “What the heck just happened?” she asked, still shocked. Nang tingnan ko ulit sila ay wala na roon si Precious at tumatakbo na palayo. Si Ate Girl naman ay napaupo sa gilid habang umiiyak. Hinahaplos siya sa likod, tinatalian ng buhok, at pinatatahan siya ng mga kaibigan niya. “Let’s go,” I held Clarene’s forearm and walked, but I stopped in front of the girl. Kinuha ko ang isang pack ng tissue sa bag ko at iniabot iyon sa babae. “Oh, sorry, you had to find out in the worst way possible. Ingat-ingat ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo, ha? Ayan nagback-fire tuloy agad.” Kinuha ng isa niyang kasama ang tissue sa kamay ko. Umalis na kami ni Clarene doon. Ang problema rito kay Clarene ay matagal makamove-on, maka-gets, maka-absorb ng mga pangyayari. Para na naman akong may akay-akay na estatwa. Ako pa ang naghatid sa classroom niya at nag-upo sa kaniya sa upuan. I had to slap her on the face to wake her up. “Ano ba? Aalis na ako, ha. See you later at lunch. Bye.” Tumango lang siya sa akin. I nodded back then went to my class. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Sxan na kumakaway at sinesenyasan ako na maupo sa tabi niya. I rolled my eyes and chuckled. Umupo ako sa tabi niya. “Ang aga mo ata ngayon,” I said to him. “Uh, ikaw? Bakit ngayon ka lang ah, halos sabay nga tayong pumasok, e.” “May eksena pa na naganap, e. Alam mo naman, si Clarene.” Tumango-tango siya bilang sagot. Umayos na ako ng upon ang pumasok na ang professor. Sxan looks very worn out and sleepy. Ilang beses ko na siyang napapansin na naghihikab. Yawning is contagious kaya napapahikab na rin ako. Nararamdaman ko na ang antok sa katawan ko. Tangina, kanina wala naman ito. “Gusto ko nang mag-shift,” he murmured. Napakangalumbaba siyang lumingon sa akin. “Huh? Where?” I asked. “Engineering.” I chuckled when he said that. “You?” I said, not believing what he just said. “Engineering? I don’t think so.” Inalis niya ang kamay niyang sapo-sapo ang baba niya. He looked at me intensely and surprised. “Hoy, Dayn, tingnan mo lang. Napakasama mo sa akin,” he said. I laughed silently and pricked his ear. He looked at me irritably, I laughed it off. “Ikaw, napakaano mo—” “Marsilion and del Montecillo, you two may leave my class.” Natigil ako sa pagtawa nang nagsalita ang professor. I pressed my lips together and gather my things to leave. I thought Sxan would say something back but he just did what I did. “Buti naman makakaalis na rin,” bulong niya habang nakatalikod siya at nakangiting aso. Sa backdoor kami lumabas. Tiningnan ko ang oras, instant free two hours tuloy kami ngayong dalawa. “Tangina ka, Sxan, kaya mo ata ako ginugulo kanina para makalayas ka na roon e.” I looked at him suspiciously. Humikab ulit siya at tumawa. Tumango siya sa akin. Sabi ko na nga ba, e. “Hayop ka talaga.” Aambahan ko sana siya sa braso pero tumakbo siya kaya sa ere tuloy naiwan ang kamay ko. “Sorry!” sabi niya habang humahalakhak. Hinabol ko siya hanggang sa huminto siya sa harap ng library. “Let’s stay here na lang muna ‘til our next class,” said he. I nodded at him. He opened the door for me, and we went inside. Hinawakan niya ako sa wrist at luminga-linga siya para humanap ng mauupuan. Naglakad kami patungo sa isang couch sa gilid. “Ehem.” Napatingin kami sa librarian na pilit na umubo. Ngumuso siya sa logbook. We forgot to logged in. Kinuha ko ang wrist ko from Sxan at bumalik sa entrance kung nasaan ang logbook. “Logged me in, please. Thanks,” he said. I watched him lay down on the couch. I thought the librarian would call him out, I was glad she did not. I wrote down our name and the date and time we went inside. I signed for the both of us. Kumuha ako ng libro sa shelf at umupo sa gilid ng ulo ni Sxan. Sumandal ako at nagsimulang magbasa. Sinilip ko si Sxan at nakapikit na siya at mukhang natutulog na. Nagulat ako noong itinaas ni Sxan ang ulo niya at umusod pataas. Ipinatong niya ang ulo niya sa hita ko. Tumagilid siya patalikod sa akin at inilagay ang kamay niya sa taas ng tuhod ko. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. I figured I should just let him. After thirty minutes or so, he reached for my hand and put it on his hair, his hand’s still on top of my hand. Binawi ko iyon pero kinuha niya ulit iyon at ipinatong ulit sa buhok niya. His hair is soft and shiny. He wants me to scratch his head. I ran my fingers through her hair once. Tumikhim siya nang mahina at isiniksik lalo ang ulo sa hita ko. I smirked and continued to brush his hair with my fingers. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naaalimpungatan lang ako noong gumalaw si Sxan. I slightly opened my eyes to see if he is awake. He’s now upright facing me. His eyes are still closed and his whole face is relaxed and peaceful. I take a good look at his face. Hinawakan ko ang kilay niya. Gosh, I wish I have these eyebrows. They looked like as if they were brushed and soaped properly. Tinititigan ko lang siya. I am admiring his beauty. Muntik na akong mapatalon noong bumukas ang mga mata niya. He smiled without his teeth showing. “Hello, pretty girl,” he said, still smirking. I chuckled. “What time is it?” he asked. Kinuha ko ang phone ko. “We still have an hour—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko noong nakita kong nagmessage sa akin ang isa kong kaklase. Walang pong pasok sa class before lunch, so you guys have another two hours to spare. It was sent by our vice president. “Actually, no. We still have about two and a half hours.” “Oh, that’s good, then,” he said then tumagilid ulit siya. Sinilip ko siya at nakapikit ulit ang mga mata niya. Tinapik ko siya sa balikat. “Hmm?” he moaned. “Uh, baka gusto mong umalis muna, I have to go to the restroom.” Tumango siya at inangat ang ulo niya para makatayo ako. “Go back agad, ha,” aniya. Umalis na ako para magpunta sa restroom. Noong makabalik ako ay nakaupo na siya at nakasandal pero nakapikit pa rin at mukhang natutulog. I sighed before going to him. Antok na antok siya, ano bang pinagkaabalahan nito kagabi? Noong makaupo ako ay bumukas nang kaonti ang mata niya. Humiga ulit siya at ginawang unan ang hita ko. Natulog ulit ang gago. I leaned back and went to sleep as well. “Hey again, pretty girl,” bungad niya sa akin noong nagising ako. Siya ngayon ang naunang nagising. “Che.” Kinusot ko ang mata ko. “Kanina mo pa siguro ako tinititigan, buti na lang hindi ako natunaw,” natatawa kong biro. “Buti nalang talaga,” natigil ang pagkusot ko sa mata sa sinagot niya. Nakayuko ngayon ako sa kaniya. Nagulat ako noong bigla niyang inangat ang ulo niya para tumayo habang nakayuko ako sa kaniya. Para akong tinamaan ng kidlat sa mukha dahil libo-libong boltahe talaga ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko noong nagdikit ang labi namin. I was so shocked that I couldn’t move, not even an inch. My eyes are wide, and I am completely surprised. My heart is beating like a f*****g drum and my throat got dry. The kiss lasted for a few second. I pulled back first and laughed it off, you know, I’m trying to pull myself together here. He put his head back on my thighs and buried his face on my stomach. I laughed when he whimpered. He’s kinikilig! He even squeezed my arm. He looked back at me, and I saw his cheeks flushed red. He is trying to keep his smile, but he couldn’t hide it, so he put his hands on his face to cover it. Mas lalo lang akong natawa. Para siyang bata, my gosh. “Nabawasan na pagka-astig ko niyan,” he said between his smiles. Binelatan ko siya at sinapok sa mukha. “Tigilan mo nga ako, sinadya mo ata iyon, e,” asar ko sa kaniya. “Stop, Dayn. Para kang tanga,” sabi niya at tumagilid. I laughed a little louder, the librarian shushed us. “Hala, ako pa itong parang tanga? Ikaw nga itong kinikilig diyan,” sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya. Nagulat ako dahil ang lakas pala ng kiliti niya. “Stop na, ha. Tara na nga.” Tumayo na siya at nauna na naglakad sa pintuan. He logged us out and opened the door. He waited for me. “It’s lunch. Are you going to eat sa cafeteria?” I asked. Tumango siya bilang sagot. Hindi siya makatingin sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Clarene na kasama namin si Sxan na kakain ng tanghalian. Okay ang sagot niya. Pumila na ako, nasa unahan ko si Sxan at nasa likuran ko naman si Clarene na namimili ng kakainin. Carbonara na lang ang inorder ko with pizza slice. Sliced fruits for dessert. Clarene went for baked mac, and Sxan chose pesto. Sxan put his plate beside me and Clarene’s sitting across us. Sxan went to the drink station to get us some water. “What’s happening?” Clarene asked. Kumunot ang noo ko. “Anong what’s happening? Nothing?” I answered. “Huh, really? Akala ko ba you don’t like him? Bakit parang always kayo magkasamang dalawa?” naniningkit ang mga mata niyang tanong. I took a bite. “Walang happening kaya stop ha,” Tumigil na si Clarene noong dumating na si Sxan. Pinagmamasdan niya kaming dalawa, para siyang strict parent na chaperone mo sa prom kung makamasid. Sxan got some tissues and placed it on the side of my plate. He took some as well and gave it to Clarene. “No, no, no, I can sense it. You two, did something happen that I didn’t know of?” she asked. “No.” “Yes.” Sxan answered. Pasimple kong tinapakan ko ang paa ni Sxan. “I mean, no, none,” bawi niya. Bobo talaga nitong lalaki na ito. Tingin niya ba maniniwala pa si Clarene? I heard him sighed. “We kissed.”   Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Sxan. Clarene almost choked. “She kissed me,” “No, you kissed me!” I correct him. “Why the f**k—” I was ready to attack Sxan. But Clarene almost told anybody here about what she just heard. “YOU KISSED HIM?” I immediately covered her mouth with my hand. “Excuse me, Sxan? You are the one who did that!” “Why did you say no?” he asked. “Shut the f**k up.” I let go of Clarene’s mouth. Her jaw dropped. “What the… heck?” “It was an accident.” I explained. “Stop overreacting.” Sxan turned to me, inilapit niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko. Kapag humarap ako sa kaniya, tiyak na magdidikit na naman ang labi namin. Which would be a very terrible situation. “Was it?” he uttered beneath his breath. I sighed. Bumaling na siya ulit kay Clarene. Clarene gasped so freaking hard when she saw our lips touched each other again. Noong inikot ko kasi ang ulo ko ay sabay din nang pag-ikot ng kaniya kaya nagtama ulit ang labi namin. Agad kong inalis ang mukha ko at lumayo sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang pwesto ni Sxan. “See? I told you,” Sxan said then smirked. He raised a brow quickly then continued to eat his stupid pesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD