Chapter 26
“Dayn, dahan-dahan lang sa paglalagay, baka madurog naman ‘yong mga nasa ilalim,” paalala niya sa akin.
Tiningnan ko ang cart na tulak-tulak niya. “Oh, sorry.” Malapit na iyon mapuno. Dali-dali akong nagpunta sa candy and chocolate section. Limang box ng Troli ang kinuha ko at iilang pirasong gum, mints, at kung ano-ano pa.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na ibinabalik niya ang iba kong kinukuha. Lumapit ako sa kaniya. Kaya pala hindi mapuno-puno ang cart kasi binabawasan niya!
“Hoy hoy Sxan! What do you think you’re doing?” I asked. Tipong ibabalik na niya sana ang isang biscuit, nahuli ko siya kaya napatigil siya.
“Dayn naman, you don’t need this much,” he said, pointing out the products that are in the cart.
“Sino bang magbabayad? Ako ‘diba?”
Tumikhim siya at bumuntong hininga. “No, kahit na.”
Kinuha niya ang chips na bitbit ko at ibinalik iyon sa shelf.
“Okay okay, isa lang?” I pleaded. He looked at me for a whole minute. Kumuha siya ng isa at ibinigay iyon sa akin. “Ito para iilan lang, e.”
He raised an eyebrow. “Iilan lang? Hoy, Dayn kahon-kahon ang kinukuha mo,” he said with beyond doubt.
Naglakad na ako palayo, kunwari ay hindi ko siya narinig. When I was satisfied with what we’ve got in our cart, pumila na kami.
Nasa likuran ko siya habang ako naman ay nasa tabi mismo ng cart. Nakita ko na may babae sa likod niya, parang nag-aalangan itong lumapit.
“Nakalimutan ko pala kumuha ng dishwashing liquid, can you please get me at least two bottles?” utos ko sa kaniya.
“Hindi ka ba nakakuha? Parang nakita ko naman na may nailagay ka rito.” Sumilip siya sa cart, hindi niya iyon makikita kasi nasa ilalim iyon.
I shook my head.
“Alright, two, right?” he said. I nodded yes. He excused himself to the woman behind him. She just smiled at him ang let him pass through.
Tumalikod ako at sumilay sa labi ko ang nakakalokong ngiti. Tinawag na ako ng cashier para sabihin na turn ko na. Inilalapag ko ang mga binili nang may humawak sa balikat ko. Lumingon ako para tingnan iyon, ibinaba ni Sxan ang dalawang bote ng dishwashing liquid na ipinakuha ko sa kaniya. Nahagip ng mga mata ko ang babae kanina. May kasama na ito at parang pinag-uusapan ata nila si Sxan dahil sumusulyap sa direksyon namin ang kararating lang na babae.
Hindi ko marinig ng maayos ang usapan nila, mas malapit si Sxan sa kanila kaya nagtataka tuloy ako kung naririnig niya ba ang pinag-uusapan nung dalawa.
“Ma’am thirteen thousand five hundred sixty-seven po.”
Iniabot ko sa cashier ang card ko.
“Let’s have some snacks, shall we?” he asked while pushing the cart, naka-plastic na ang mga pinamili namin.
“Uhm, excuse me?” Napahinto kami sa paglalakad nang may magsalita sa likod namin. Ako ang unang lumingon sumunod si Sxan. Sila ‘yong kanina na nasa likuran ni Sxan na mga nagdadaldalan.
“Yes?” Sxan replied.
“I’m sorry, but you really look so nice, can I have your number? Maybe we can hang out sometime.”
Pareho kaming nagulat ni Sxan sa sinabi ng babae. The other girl handed a cellphone for Sxan to type his number in. Lumingon sa akin si Sxan, nagkibit-balikat ako. Bakit sa akin ka tumitingin?
“Uhm…” he put his hand around my waist. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. “No, can’t do that, my girlfriend is going to eat me alive.” I was caught off guard when he pulled me closer to him.
“Oh, I’m sorry, I didn’t know you’re his girlfriend,” she said to me. “I’m really sorry,”
“What?” lito kong sagot. I catched up quickly so I said, “Uhm, yeah no worries, sino ba namang hindi makapapansin sa gwapong nilalang na ‘to, hindi ba?” I faked a laugh.
They both apologized and left.
Inalis ko ang kamay ni Sxan na nasa baywang ko. “Talaga nga naman, oh, dapat binigay mo na.” I said to him.
He chuckled. “Ayoko nga, baka wala na akong kasama pag-uwi, e.”
I rolled my eyes at him. Kinuha ko ang cart at ako na ang nagtulak. He chased after me and took the cart. Itinulak niya ako sa gilid at naglakad na. Ipinatong ko na lang ang isa kong kamay sa handle habang lumilingon-lingon sa paligid.
“Do you want ice-cream?” he asked. I turned to him and his looking at an ice cream stall. Marami ang nakapila, siguro nga ay masarap dito. Ngayon ko lang ito nakita rito, noong huli naman namin na punta ay wala nito.
“Sige, tara.”
Iniwan muna namin ang napamili namin sa pinakamalapit na table sa counter para natatanaw namin. Nalungkot pa siya at wala raw vanilla-coconut flavored. More on basic flavors sila rito. Tinanong ko rin kung may Chocolate mint ba.
“Sorry, Ma’am, ito lang po ang available flavors namin for today,” sabi noong babae sa amin, itinuro niya ang menu na nasa gilid.
I said thanks, hinila ko na si Sxan palayo roon.
“Let’s just get ice cream sa Scooper,” I suggested.
“Yeah, sounds good.”
We then went to Scooper, kung saan sinabihan niya ako noon na “Who eats chocolate mint?”. Siya nga rito ang gustong kumain ng niyog na vanilla flavored. Ugh, disgusting.
Ano pa nga ba ang inorder namin? Walang iba kundi ang mga flavors na nabanggit ko.
“Should I drop you at school mamaya?” he asked, he brought the spoon to his mouth.
“Yup.”
“I told you na magpahatid ka nalang kanina ‘diba? Tigas talaga ng ulo.”
“Hindi kaya, wala lang kasing maghahatid sa akin, no choice ako kundi ipag-drive ang sarili ko, no.”
Tumango-tango siya. Kumuha siya ng tissue at inilapag iyon sa tabi ng cup ko. Sinenyasan ako na punasan ang bibig ko. Dumampot ako at pinunasan iyon. Umiling siya kaya inilipat ko ang pagpupunas ng bibig ko.
“No—” he picked a tissue and extended his hand to my mouth. “…Right here.” He then proceeded to wipe the side of my mouth. I didn’t say anything. I looked down and hid my smile then just continued to eat my ice cream. I hope that my cheeks aren’t red because I feel cold right now, so I don’t really know if it’s hot and flushed. Oh, my god.
“You are eating a cold food, why are your cheeks red?”
Goddamn it! Really? Kailangan niya pa ba talaga iyon sabihin?!
“Oh, because it’s cold,” I lied.
Tumango-tango siya. “But your cheeks only flush red when it’s hot, and when you’re kinikilig.”
I can’t seem to open my mouth and answer him.
“So, which one are you feeling right now?” he asked, wiggling his eyebrows and smirking.
“Oh, shut up,” those three words are the only words that managed to get out of my mouth.