Chapter 22

1439 Words
Chapter 22 Dayn’s PoV “Saan ba ‘yung sinasabi mong den ninyong Tourism-1B?” tanong ni Clarene sa tabi ko. Wednesday ngayon, inaaya niya ako na mag-mall pero sabi ko marami kako akong gagawin. She asked me if I could tag along, of course I said yes. Some of my classmates will be there too to help unpacked and place the things Sxan and I bought. Dumating na kasi ang mga ipinadeliver namin. Tumawag sa akin kagabi ang pinagpapagawaan namin ng custom tables and chair, sinabi nito na matatagalan pa raw ang inorder naming sa kanila. Kaya napagpasiyahan namin na bumili muna ng iilang plastic chairs and tables pansamantala. “Malapit na tayo, sigurado ka bang tutulong ka, ha?” I asked her. “Yes, naman girl. Marami bang aayusin?” Inalog niya ang Starbucks chai latte niya na puro yelo na lang ata ang laman. “Oo, ata? Oo,” I confirmed. Habang papalapit kami ay natanaw ko na ang iilang mga lalaki na nagtutulong-tulong na ipasok ang sofa. Sumunod si Sxan na may bitbit na mga boxes, siguro iyon ata ang lalagyanan ng mga pinggan at baso. “Wow, oh my g na g! This is so cool!” Clarene said in awe. Her jaw dropped while she turns her head left to right and stood frozen. “Will I be able to hang out in this place?” “I think so, yes, uhm. Why not? But only when you are with somebody who has a key card and belongs to our class, of course.” Pinagpag ko muna ang sapatos ko bago pumasok, ganoon din ang ginawa ni Clarene. Nakakatuwang tingnan na halos lahat sila ay kumikilos. Siguro halos kalahati ng klase ay nandito. May nag-aayos sa kitchen area noong napadaan ako roon para tingnan kung ano na ang itsura ng banyo. It looks nice. It has white tiles, pieces of wood are placed on the white wall, black vanity with three white circular sinks, a large mirror that runs from end to end, and there are pots of small plants as well that acts as accents. Tiningnan ko ang mga cabinets kung may laman na, medyo nagtaka pa ako kung bakit mayroon na na laman samantalang hindi naman kami namili ni Sxan ng toiletries. May nagsabi sa akin na may namili na raw para hindi na raw kami mahirapan ni Sxan. Kumpleto iyon ng stocks, may mga small sizes na toothbrush, tissues, wet wipes, make-up remover, toothpaste, sanitary pads, feminine wash, shampoo, conditioner, mayroon din na condoms. Tiningnan ko rin ang mga cubicle, kumpleto na rin, may mga tissues at may freshener kada cubicle. The whole bathroom looks fuzzy and warm. Manghang-mangha si Clarene sa nakikita niya. “Just wow! Para akong nasa hotel bestie!” “Yeah, me too, I am surprised, actually. I didn’t expect this bathroom to look this nice and perfect,” I agreed to her. “Let’s take a look at the shower room.” Hinila ko siya papunta roon. May mga loofah na nakasabit, mga towels na nakatiklop at nakalagay sa isang shelf. Hotel na hotel talaga ang itsura pero mas plain at ordinary ito. Three showerheads on both walls, six shower heads in total, there are also elevated platforms, they go about one and a half feet off the ground, I think they are seats. I looked at the Men’s shower room, it’s pretty much the same as the Women’s, the only difference is that they don’t have seats. Lumabas na kami roon, si Clarene ay umalis na sa tabi ko para tumulong na mag-ayos sa sala. Pumunta naman akong sunod sa kitchen area. Maliit lang ito pero nagkasya ang mga gamit na binili namin. Nakasaksak na rin ang refrigerator para palamigin ang loob. “Dayn!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa gilid ko ay papalapit si Sxan. Pinagbangga niya ang mga balikat namin noong makatabi na siya sa akin. “Oh? Bakit?” nakataas ang kilay ko na nag-tanong sa kaniya. “Ito naman, tinawag lang galit na agad,” sagot niya. “Doon ka nga, hindi ka naman ata tumutulong, e,” taboy ko sa kaniya. Inakbayan niya ako kaya tiningnan ko siya nang masama. “Anong hindi? Hiyang-hiya naman ako sa iyo, ikaw nga palinga-linga lang parang supervisor, daig mo pa ‘yung president, e.” Tinanggal ko ang braso niya na nakapatong sa balikat ko at inirapan siya. “Anong palinga-linga pinagsasasabi mo riyan? Malamang tinitingnan ko gawain ninyo kung maayos ba, kahiya-hiya naman aba Tourism tayo tapos ang kalat-kalat na’tin?” “Grabe ka naman,” angal niya. “Bakit? Totoo naman, ah? Nga pala, pakisabi kila Kisses salamat sa--- hayst, ako na nga.” Iniwan ko na siya roon at lumapit kay Kisses. “Kisses, salamat pala sa pagbili ninyo ng mga toiletries, irerefund ko nalang ‘yung nagastos ninyo. Paki-send nalang sa akin ‘yung resibo or kahit ‘yung total na lang.” She waived my proposal off. “Ay no need na for refunds and stuffs, cheap lang naman iyon, it didn’t cost me as much, so it’s fine, really.” ‘Didn’t cost me as much’ your face. Maybe it’s nothing to her but, hey, the products she bought were Celeteque, Cetaphil, bar soaps from Dior, and shampoos are from local shops but when I looked them up, they’re pretty expensive. “You really didn’t have to do that. So, thanks ulit, ha?” She said no worries and she’s happy for what she had contributed, she said to me. I head back to the kitchen and saw Sxan wiping the counters. Bago pa ako makarating doon ay tinawag siya ng kaklase ko para magpatulong na ipasok ang mga bean bags at mga throw pillow. Clarene went to him to help arrange the sofa. They have laid the carpet on a good place. We bought the dark grey one para hindi siya mabilis na marumihan. Maayos na ang kitchen, nakapatong na ang mga dapat na ipatong. May nagtitimpla ng kape kaya nagtimpla na rin ako at nagtanong sa iba kung gusto rin ba nila. Apat ata ang sumagot ng oo. “Gusto niyo? Edi magtimpla kayo, dzuh,” I said to them. They laughed at it which they shouldn’t have because what I said was not a joke, I am not kidding in any way. They stood up to get their own coffee. Tiningnan ko si Sxan at natawa rin siya sa sinabi ko, dahil sa akin ba o dahil sa kausap niya si Clarene? Ngumingisi-ngisi siya habang nagsasalita si Clarene. May nagpatugtog ng Tahanan na kanta. Tumayo ang lalaking kaklase ko at nilapitan ang isa naming kaklase na babae. Balita ko na nagliligawan daw ang dalawa na iyon. Tumayo ang babae at hinawakan ang kamay ni lucky boy at saka sila nagsayaw. Maya-maya ay lahat ay sumasayaw na nang mabagal sa tugtog. Kahit babae sa babae habang nagtatawanan. Itinigil nila ang kanilang mga ginagawa para sumayaw. Umupo ako sa isang beanbag at pinanood sila habang nagtitiklop ng mga karton. May mga umalma pa na bakit daw sumasayaw samantalang ang dami-dami raw dapat ayusin, pinatahimik siya ng Vice president at sinabihan na hayaan na para makapagpahinga naman daw. Noong nilingon ko si Clarene ay may kasayaw na siyang lalaki at tumatawa silang dalawa. Edi, ikaw na nga may kasayaw, hindi ba? Nagulat ako nang may naglahad ng kamay sa harap ko. Itinaas ko ang tingin ko at huminto sa mga kulay kayumangging mata ni Sxan. Iniwas niya iyon at tumingin sa kung saan. Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, anong gagawin ko riyan?” “Tara na, isasayaw na kita, kitang-kita naman kasi sa iyo na naiinggit ka. Kaya ito na, ako na lang,” sabi niya. Ibinaba ko ang karton na hawak ko. “Hoy, hindi naman ako inggetera, iba na lang isayaw mo,” sagot ko sa kaniya. “Sus, pakipot ka pa, tara na bago pa matapos ‘yung kanta.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Nagpatianod na ako dahil alam ko naman na hindi niya ako titigilan. “Hoy, Sxan, ang sabihin mo gusto mo lang talaga ako isayaw.” “Naawa lang talaga ako sa iyo, may kasayaw kaibigan mo tapos ikaw wala? Kawawang assumerang frog.” Iniling-iling niya nang konti ang ulo niya. Ipinatong niya ang kamay ko sa balikat niya at inilagay naman niya ang kamay niya sa bewang ko. Iginaya niya ang katawan ko na sumunod sa tugtog. “Oh, hindi ba?” he uttered. “Oh, ano? Sus, ang dami mo namang pakulo, Sxan.” Irap ko ulit sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD