Chapter 41

1039 Words
Lumabas si Clarene at umupo sa upuan na nasa harapan ko. May dala-dala siyang pistachio nuts. Tumaas ang kilay niyo noong nakita niya ang braso ni Sxan sa baywang ko. Ngumisi pa siya sa akin nang nakakaloko. “Ay, anong label ninyo?” asar niya. Natawa ako at sinenyasan siya na manahimik. “Hayaan mon a, pagod, e. Hindi naman siya unang tao na umakap sa akin nang ganiyan,” sabi ko at kumuha ng kinakain niya. Nag-indian sit ako. “Really? Sino naman ‘yon?” tanong niya. “Secret.” Tumawa ako. Inirapan niya ko at binato ng balat ng pistachio. “Nga pala, tuloy tayo sa farm, ha?” she said. Her hair is untied and dancing with the wind. Napunta pa sa bibig niya ang buhok. Pinanood ko siyang alisin iyon. “Oo, gigisingin ko nalang ‘to.” I glimpse at him, still asleep. “Malamig ba ‘yung tubig?” tanong ko. Umiling siya. “No, just the right temperature. Hindi naman ako nilamig kanina habang nags-swimming,” sagot niya. Tumango ako. “Marami ka bang nakuhang pictures kanina?” tanong ko. “Yes, nagpalit na ako ng memory card for later pictures.” Kumunot ang noo ko. “Why? Puno na ba agad?” “Nope, gusto ko lang ihiwalay, and nasa laptop na yung iba, inayos ko kanina,” she said. Napatingin kaming pareho noong may kumatok sa pinto namin. Dali-daling tumayo si Clarene at tumakbo sa pintuan. Binuksan niya ang pinto ngunit hindi ko naman makita kung sino iyon dahil nakaharang si Clarene. Naagaw naman ni Sxan ang pansin ko dahil gumalaw siya. Inalis niya ang braso niya at ginhawa ang naramdaman ko. Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya at kinusot iyon. Bumangon siya at nginitian ako habang nag-iinat ng braso. “You good?” I asked him. I didn’t smile back or anything, just normal and everyday reaction: nothing. “Hmm yeah.” Malalim ang boses niyang sumagot sa akin. Sumandal siya at bumuntong hininga. “What time is it?’ “Almost three, you woke up just in time.” Humaba ang leeg ko para tingnan kung ano na bang nangyari kay Clarene. Nakita ko siyang isinara ang pinto. Naglakad siya pabalik sa amin na may hawak na tray na may lamang pagkain. Lumingon din si Sxan sa kaniya. “Oh, you’re up!” Clarene exclaimed. “Let’s eat first,” sabi niya at ibinaba ang tray sa center table. May fruit salad. guacamole, whipped cream parfaits, waffles, and crepes. May slushies din. It’s more than enough for three people but probably just enough for us three since we like to eat. “Ang gwapo noong waiter,” Clarene giggled while eating the parfait. Natawa ako. “Really? Kaya naman pala ang tagal mo sa pinto! What’s his name?” tanong ko at saka sumubo ng fruit salad. Huminahon ang kilig ni Clarene at tumagos ang tingin kay Sxan. Nilingon ko siya at nakatingin lang din siya sa akin. Nakahinto sa ere ang tinidor niya na may slice ng waffle. Medyo nakataas ang kilay niya at parang may sinasabi ang mga mata niya. Hinawakan ko ang pulso niya at saka iginaya ang kamay niyang isubo ang waffle sa bibig. Humarap na ulit ako kay Clarene. “I didn’t get the chance to ask him,” she frowned. “What? Bakit naman?!” I asked, disappointed. “Ano ba? Eh na-star struck nga ako! Hindi ko rin nakita yung name tag,” sagot niya. Sumubo siya ng pakwan. “Ano ba ‘yan, ang tanga naman. Kasi naman sa mukha ka lang nakatingin, e.” Inirapan ko siya. Nilingon ko ulit si Sxan. Tahimik siyang kumakain at nakikinig lang sa amin. “Sana makita ko ulit siya,” sabi ni Clarene, nakasimangot at malungkot ang mukha. “Makikita pa na’tin ‘yon,” I said, laughing. “Hanggang bukas pa tayo nandito. Hu-hunting-in na’tin later.” She grinned and laughed. “Sige, sige!” Tumayo si Sxan at pinatong ang kinakain niya sa mesa. Nagkatinginan kami ni Clarene at sabay na nagkibit-balikat. Niligpit na namin ang pinagkainan para mamaya kapag lumabas na ay isasabay na naming. Maya-maya lang ay lumabas na si Sxan na naka-khaki na shorts at ang polo niya ay hindi pa nakabutones. Pinupunasan niya ng towel ang buhok niya na basa. Naligo naman pala kaya umalis kanina. Bumagsak ang panga ni Clarene. Agad akong lumapit kay Clarene at isinara ang bunganga niya. She pressed her lips together and tilted her head. I widened my eyes at her. “Mauna na kami sa labas, sumunod ka nalang, ha?” I said to him. Tumingin siya sa akin at tumango. Dala-dala ni Clarene ang tray habang naglalakad kami. May nakasalubong kaming staffs at kinuha ang mga pinagkainan namin. Tinanong din namin kung saan ang daan papunta sa bee farm. Hinatid kami ng isang staff doon. Umupo si Clarene at nakatayo naman ako, hawak-hawak ang camera at nagpipicture ng iilang bagay-bagay habang hinihintay namin si Sxan. “Alam kaya ‘to ni Sxan?” sabi ni Clarene. Ibinaba ko ang camera at nagkibit-balikat. “Malaki na ‘yon. Sanay naman siguro siyang magtanong kung saan,” sagot ko. “Tingin sa akin,” sabi ko sa kaniya at inangat ulit ang camera sa mata ko. Ngumiti siya at nagpose, hindi niya alam ay naka-video ito. I like taking videos randomly whenever I’m holding a camera. With videos, you can hear the voices and laughs, so whenever I feel like I am forgetting their voices, I get the camera and play everything back. Iniwas ko ang camera sa kaniya at iginala iyon, huminto iyon kay Sxan na kararating lang. Kumaway siya at ngumiti. Lumapit siya sa akin at pinitik nang mahina ang lente. “I thought you were taking a picture,” he talked to the camera. I chuckled then shook my head no. Ibinaba ko ang camera at umiling sa kaniya nang pilit na nakangiti. "Tara na?" sabi niya at ipinatong ang braso niya sa balikat ko. Tinanggal ko iyon at sininghalan siya dahil nabitagan ako roon. Tumawa siya at inilapit sa akin ang mukha. "Ganda mo," he giggled then he nudged my nose a litlle with his index finger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD