Episode 21

1250 Words

"Good morning," bati ni Diva kay Brent. Napatingin naman ito sa kaniya habang sumisimsim ng kape. Sa ibabaw ng lamesa ay may nakapatong na newspaper at binabasa nito iyon. "Morning," matipid nitong bati pabalik. Napansin niyang bagong gupit din ito kaya pakiramdam niya mas lalo itong naging guwapo. "Ang guwapo mo ngayon, ah," papuri niya rito. "Saan ang punta mo, Mahal na hari?" Tumingin naman ito sa kaniya habang nakataas ang mga kilay nito. "Bakit hindi ba ako guwapo dati?" "Guwapo naman, pero mas guwapo ka ngayon," pahayag niya. Ibinaba nito ang hawak-hawak na kape at pagkatapos ay dinampot nito ang newspaper at itinaas nito iyon. "Nahiya pa kunwari! Huwag mo nang takpan 'yang mukha mo. Hindi ko tuloy makita 'yang kaguwapuhan mo ngayon. Sayang naman!" natatawa niyang sabi rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD