"Hijo." Napalingon si Brent sa mommy ni Ville. "Bakit hindi ka pa natutulog? Puwede ka naman na matulog sa kuwarto ng asawa mo o 'di kaya'y sa kuwarto ng anak mo. Bakit nandito ka pa? Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. Hatinggabi na pero gising pa siya at nakaupo sa sofa. Nag-iisip ng mga bagay kung paano niya mapapaamo ang babaeng mahal niya. "Hindi pa po kasi ako inaantok, eh," tugon ni Brent sa ina ni Ville. "May bumabagabag ba sa 'yo kaya hindi ka makatulog, Hijo?" Tumingin siya sa ina ni Ville. Mabuti pa ito hindi nagtanim ng galit sa kaniya. "Wala naman po. Hindi lang po talaga ako makatulog," pagsisinungaling niya. "Naku! Matanda na ako at alam ko kung nagsisinungaling o hindi ang isang tao." "Maraming salamat po at hindi po kayo nagalit sa akin dahil po sa gin

