Episode 38

2260 Words

Tanghali na nang makarating sina Diva, Mang Homer at Roberta sa Quezon City. Ang lugar kung saan siya nakatira. "Ayaw niyo pa po bang bumaba, Ma'am?" tanong ni Mang Homer na personal driver ni Brent. Ilang minuto na kasi ang nakakalipas nang makarating sila pero hindi pa rin siya bumababa. Nilingon siya ni Roberta habang nakaupo ito sa passenger seat. "Gusto mo bang kumain muna tayo, Diva?" tanong nito. "Tutal naman ayaw mo pang bumaba, eh." Napabuntong-hininga muna siya bago ngumiti sa dalawa. "Maraming salamat sa inyong dalawa sa paghatid sa akin dito. Mag-ingat kayo sa biyahe pauwi." Tinapik niya ang balikat ni Roberta. "Papasok na ako sa loob. Maraming salamat ulit. Mag-ingat kayo, ha? Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo ni Mang Homer sa Bicol para hindi ako mag-alala." "Ikaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD