"What the f**k! What happened? Is everything okay? Who the f**k are they? Where are you? Wait for me there, I'm coming!" Napahinto si Diva sa pagtangka niyang paglapit kay Brent dahil halatang naiinis ito sa kausap nito sa cellphone. Ano kayang problema nito? Base sa hitsura nito ngayon, mukhang may sinabi na malaking problema ang kausap nito sa kabilang linya. Nang matapos ito sa pakikipag-usap ay napahawak pa ito sa batok kaya naman pinalipas niya muna ang ilang minuto bago niya ito nilapitan. "May problema ba, Brent?" Parang nagulat pa ito nang bigla siyang magsalita. "Kanina ka pa ba riyan?" "Ngayon lang." Tila nagdududa ito sa naging sagot niya. "May problema ba? Bakit ka sumisigaw?" Umiling naman ito na halatang nagsisinungaling. Ang gusto sana ni Brent ay sa kubo sila matul

