"Baby, aalis muna ako sandali, ha? Uuwi muna ako sa Magiron para tingnan sila Aling Lilia roon," paalam ni Brent kay Diva. "Huwag na huwag kang lalabas. Kung lalabas ka man magpasama ka kay Roberta, okay?" Tumango siya. "Sige, mag-ingat ka, ha? I love you." "I love you, too," tugon nito sabay halik sa mga labi niya. Hinalikan din nito ang anak nila na nakagawian na nito sa tuwing umaalis ito. Nagtataka si Diva habang nakatingin sa papalayong pigura ni Brent. Uuwi na rin naman kasi sila bukas, kaya bakit kailangan pa nitong umuwi sa Magiron ngayon? Hindi ba puwedeng bukas na lang? Isang araw lang naman ang pagitan, eh. Mayamaya pa ay napatingin siya sa cellphone na hawak-hawak niya. Napangiti siya nang makita niyang si Angelo ang tumatawag. Nakadestino raw kasi ito sa Naga at day

