Episode 6

1090 Words
"Hindi ka pa ba tapos magbihis?" nakasimangot na tanong ng lalaki kay Diva. "Kanina pa ako tapos magbihis," tugon niya. Mabuti na lang tapos na siyang magbihis bago pa ito bumalik. Hindi man lang kasi ito marunong kumatok. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sumama pa siya rito gayong hindi niya naman ito kilala. "Follow me," anito at pagkatapos ay nauna na itong maglakad. Hindi man lang siya nito hinintay. Pagdating sa hapag-kainan parang gusto niyang umatras dahil mariin na nakatitig sa kaniya ang babaeng naroon. Ito siguro 'yong babae na nakakita sa kaniya kanina sa kalunos-lunos na sitwasyon. Maganda ito at medyo bata pa. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Tumikhim ang lalaking nasa tabi niya kaya naman napatingin siya rito. "Sit down, woman," utos nito sa kaniya. Ipinaghila siya nito ng isang upuan bago ito naghila para sa sarili nito. Gentleman din pala ito paminsan-minsan. Napairap na naman siya. Kapag silang dalawa lang kasi ang magkasama hindi niya maramdaman ang pagiging maginoo nito. "What was that for?" Napatingin siya rito. "You always do that," dugtong pa nito na hindi niya alam kung ano ba ang bagay na tinutukoy nito. "Do what?" usisa niya dahil wala talaga siyang ideya kung ano ang tinutukoy nito. "Like this," panggagaya nito sa pag-irap niya. "Tama na yan. Kumain na muna tayo. Mamaya na kayo magbangayan diyan," pukaw sa kanila ng babaeng naroon habang nakaismid. Habang kumakain hindi niya mapigilan na hindi pagmasdan ang lalaking katabi niya at ang babaeng nakaupo sa harapan nila. Paminsan-minsan kasi nagkakatitigan ang dalawa na para bang may mga pinaplano ito sa isip. Tumikhim siya kaya natigil ang pagtititigan ng mga ito. Hindi kaya may masamang binabalak ang dalawa sa kaniya? Kinilabutan tuloy siya dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan niya. "Eat!" Nagulat siya dahil bahagya siyang siniko ng katabi niya. "Ano pa lang pangalan mo?" tanong sa kaniya ng babae pagkuwan. "Diva," matipid niyang sagot habang panaka-naka itong sinusulyapan dahil hindi siya rito makatingin ng matagal. "Oh." Iyon lang ang reaksiyon nito at pagkatapos ay binalingan ang katabi niya habang napapangiti. Ang lalaking katabi niya naman ay tila walang pakialam sa paligid. "I'm Robi," pagpapakilala naman nito. Nag-angat ng tingin ang katabi niya at nagtatakang tumingin ito sa babae. "Anong problema mo? May reklamo ka ba, ha?" paghahamon nito sa lalaking katabi niya kahit wala naman ito ni isang salitang binibitawan kaya nagtataka siya sa naging akto ng babae. "It's Roberta, not Robi," pagtatama ng katabi niya na ikina-igkas ng isang kilay ng babae. "Whatever!" wika ng babae na tila sumusuko na dahil alam siguro nitong hindi magpapatalo ang katabi niya. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti kaya ginantihan niya rin ito. "Magpinsan nga pala kami ni Al. Alam mo ba na sa aming magpipinsan 'yang katabi mo ang pinakapangit sa amin?" Napatingin siya sa katabi niya na tahimik na kumakain. Magpinsan pala ang mga ito at Al pala ang pangalan ng katabi niya. Kumunot ang noo niya sa naging pahayag nito na si Al ang pinakapangit. Napakaguwapo kasi nito kaya hindi siya naniniwala na ito pala ang pinakapangit. "Just eat and don't listen to her," sabi sa kaniya ni Al at pagkatapos ay sinamaan nito ng tingin ang pinsan nito. Natawa naman ang babae sa sinabi nito. "Alam mo, Diva, kapag nakita mo ang lahat ng mga pinsan namin doon mo mapapatunayan na nagsasabi ako ng totoo," dagdag pa ni Roberta at hindi pinansin si Al. "Will you please shut up, Roberta?" "It's Robi, not Roberta, Al!" Tumingin sa kaniya si Roberta. "May boyfriend ka na ba, Diva?" Tumango siya at ngumiti. "Anong pangalan ng boyfriend mo?" "Angelo." "Nice name. Ilang taon na kayong magkasintahan?" "Matagal na kaming magkarelasyon at malapit na rin kaming magpakasal," pahayag niya kay Roberta. "Congrats in advance, Diva. Anyway, puwede ba akong pumunta sa kasal niyo?" Tumango siya. "No problem." Napatingin siya kay Al dahil huminto ito sa pagsubo. "Both of you, shut up!" bulyaw nito sa kanila. Mayamaya ay tumingin ito sa kaniya. Parang kakaiba ang mga titig nito kaya naman kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil naiilang siya sa mga titig na ipinupukol nito. Wala sa sariling kinapa-kapa niya ang kaniyang mukha dahil baka may dumi siya o baka naman may kulangot siya sa ilong hindi lang nito masabi. Tiningnan niya ulit ang katabi sa pangalawang pagkakataon. Hindi na ito nakatingin sa mukha niya bagkus nakatingin na ito sa dibdib niyang tayong-tayo dahil bakat na bakat pala ang n*****s niya. Shit! Oo nga, pala! Wala nga pala siyang suot na bra! Ang damit kasing pinahiram nito sa kaniya ay medyo manipis at kulay puti pa. Dahil sa pinaghalong pagkainis at hiya kinurot niya ang hita nito sa ilalim ng lamesa para matigil ang kakatitig nito sa dibdib n'ya. "s**t! What the hell! What's wrong with you, woman?" angil nito habang hinahaplos-haplos ang hita nito. "Because you're intently staring at my chest!" naiinis niyang bulong dito. "Me?" turo nito sa sarili. "I have seen many breasts that are even bigger compared to you." Dahil sa sinabi nito napatingin siya sa sariling dibdib. Tsk! Kunwari pa 'tong lalaking 'to. Simpleng manyakis din pala. Binalingan niya ang katabi. "Eh, bakit ka nakatingin sa dibdib ko? Ang sabihin mo malandi ka talaga! Naiinggit ka lang kasi wala kang dibdib," pang-aasar niya rito. Hindi pa siya nakontento umusod pa siya ng kaunti at bumulong dito. "Naiinggit ka siguro, 'no?" Umiling ito at tiningnan siya mula ulo hanggang dibdib pagkatapos ay sarkastiko itong ngumiti. "In your dreams, woman." "Talaga naman, ah! Inggit ka kasi kaya ka nagagalit sa 'kin. Palibhasa kasi wala ka nito." Turo niya sa dibdib niya. Sinundan naman ito nang lalaki ng tingin at pagkatapos ay nakita niyang sunod-sunod itong lumunok. "Ladies and gentleman, tapos na akong kumain. Kayo na ang bahala rito dahil aalis na 'ko. Mukhang aabutin pa kayo ng hatinggabi rito, eh." Tumayo na ang pinsan nito at inilagay na sa sink ang mga pinagkainan nito. Napatingin na lang sila rito habang patakbo nitong binabaybay ang hagdanan pataas. Marahil ay pupunta na ito sa sariling nitong kuwarto para magpahinga. "She did that intentionally because she doesn't want to wash the dishes," untag ng kasama niya. Napailing na lang siya at hindi na kumibo pa. Silang dalawa na lang ang naiwan sa hapagkainan. "Ikaw na ang maghugas ng plato, ah. Ako na lang magwawalis at magpupunas nitong lamesa," pahayag niya sa lalaking kasama niya. "Why me?" mariin nitong tanong na akala mo naman mabigat na responsibilidad ang ipinapaako niya rito. "Dahil gusto ko," seryosong pahayag niya. Tiningnan siya nito ng masama at pagkatapos ay marahas itong tumayo. Muntikan pang matumba ang inupuan nito, mabuti na lang at naging maagap siya. Dinala na nito sa lababo ang lahat ng mga platong pinagkainan nila. Habang nagwawalis narinig niyang sunod-sunod ang pagkabasag ng mga platong hinuhugasan nito. Maya't maya rin nitong tinatapon iyon sa trash bin. Kaya naman binilisan niya ang pagwawalis dahil balak niyang siya na lang ang maghugas ng mga plato. Nang matapos siya sa pagwawalis dali-dali niya itong nilapitan dahil baka kinabukasan wala nang platong gagamitin sa bahay na ito. "Ano bang ginagawa mo? Balak mo bang basagin lahat ng mga 'yan?" Tiningnan siya nito ng walang ekspresyon ang mukha pagkatapos ay ibinalik na ulit ang atensiyon nito sa mga platong hinuhugasan. Hindi niya alam kung paghuhugas bang matatawag iyon o pagbabasag lang. "Can't you wash the dishes without breaking anything? Pang-apat mo na yata yan, eh!" sita niya rito habang napapasabunot na rin siya sa sariling buhok Hindi na rin siya mapakali dahil kapag nagpatuloy ito baka lahat ng kinainan nila ngayon mapunta lang sa basurahan. Hindi kasi ito marunong magdahan-dahan. "Hindi ka ba marunong maghugas ng mga plato? Kung babasagin mo rin pala lahat ng mga 'yan huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Itapon mo na lang lahat 'yan sa basurahan ng diretso." "Not my fault. It's their fault because they slip into my hands. They're f*cking asshole." Laglag ang mga panga niya dahil sa sinabi nito. Goodness! So, kasalanan pa pala ng mga plato kung bakit nabasag ang mga ito? Ano kayang pag-iisip mayroon ang lalaking ito? Kinalabit niya ito. "Ako na nga lang diyan." "No! Ako na rito! I can handle this," pagmamatigas nito kahit kitang-kita niya hirap na hirap ito sa ginagawa. Hindi ito pumayag sa alok niya. Ang tigas talaga ng ulo! Masyadong mataas ang ego kahit hindi naman talaga kaya. Akmang tatalikod na siya ng makarinig na naman ng pagkabasag. Napapitlag siya at agad niyang hinarap ang salarin na ngayon ay nakatingin na din pala sa kaniya. Bubuka na sana niya ang kanyang bibig para sitahin ito pero nagulat siya ng dali-dali itong lumapit sa kaniya at ihinarang nito ang isang palad sa kaniyang bibig. "May sasabihin ka?" tanong nito sa kaniya habang nakasimangot. Paano siya sasagot kung nakaharang ang isang palad nito sa bibig niya? Umiling-iling siya indikasyon na wala siyang sasabihin. "Good! Akala ko mayroon, eh!" Napabuga siya ng hangin pagkatapos siya nitong bitawan. "Mas magandang itikom mo na lang 'yang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin, babae!" "Alam mo ba–" Hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin pa sana niya dahil masama na naman ang tingin nito sa kanya. "Ako na lang po ang gagawa niyan." Turo niya sa mga huhugasan pa sana nito. "Magpahinga na po kayo para po makapag-relax na po kayo. Kayang-kaya ko na po yan, Boss. Sige na, pumasok na po kayo sa kuwarto niyo at nang makapagpahinga na po kayo," pagtataboy niya rito. Tutal hindi naman ito nakakatulong bagkus ay nakakaperwisyo pa. Marahan niya pa itong tinulak para umalis na roon. Tiningnan naman siya nito ng may kasamang pagdududa. "Magpahinga ka na dahil kung magmamatigas ka pa baka palayasin tayo ng pinsan mo. Simpleng paghuhugas lang hindi mo pa alam." Tiningnan siya nito ng masama at pagkatapos ay nagdadabog itong umalis sa harapan niya. May saltik talaga! Dapat nga magpasalamat pa ito dahil inako na niya ang dapat sana na gagawin nito, eh! Pero parang ito pa yata ang galit. Akala mo batang paslit na nagmamaktol dahil hindi naibigay ang gusto. Pambihira! Nang matapos siyang maghugas ng mga plato ay kumuha siya ng upuan at umupo malapit sa may bintana. Napakalakas pa rin ng ulan. Sumagi sa isipan niya na mayroon na lang siyang isang araw para makausap ang nagngangalang Brint Jigs Alcantara Madrigal. In short, maghapon na lang kinabukasan dapat makausap niya na ito. Pero paano mangyayari 'yon? Paano niya ito makakausap gayong masama ang panahon? At saan niya ito hahagilapin? Isa lang ang paraan para makausap niya ito. 'Yon ay kung sasamahan at tutulungan siya ni Al. Kung wala lang siguro siyang iniisip na problema ngayon baka nagtatampisaw na siya sa ulan habang sumisigaw sa tuwa. Ang kaso hindi, eh. How can she? Puro problema ang iniwan ng ama. Kaya heto siya ngayon malayo sa pamilya at kasintahan para hanapin at kausapin ang lalaking wala siyang ideya kung ano ba ang totoong pagkatao nito. Ngayon niya lang din napagtanto na hindi pa pala niya natatawagan ang kanyang ina at kapatid na siguradong nag-aalala na sa mga oras na ito. Si Angelo, malamang nag-aalala na rin sa kaniya dahil maghapon na siyang hindi nagparamdam dito. Kung hindi sana sugarol ang ama wala sana siya sa kinalalagyan niya ngayon. Iniisip na lang niya na alang-alang sa ina kaya niya ito ginagawa. 'Yon ang nagbibigay sa kaniya ng lakas at pag-asa dahil mahal niya ito at ang nag-iisa niyang kapatid. "Matatapos din 'tong lahat ng 'to, Diva. Magtiwala ka lang," kumbinsi niya sa sarili. Ang kaniyang ina at kapatid ang tanging pinagkukunan niya lagi ng lakas. Ayaw niyang nakikitang lumuluha ang mga ito dahil para na rin siyang pinapatay kapag nasasaktan ang dalawa. May mga bagay talaga na kahit alam mong wala nang pag-asa, patuloy ka pa rin na magtitiwala at kakapit alang-alang sa mga mahal mo sa buhay. Kagaya na lamang niya. Kahit walang kasiguraduhan, pumunta pa rin siya rito sa Bicol para hanapin ang taong hindi niya alam ang pagkakakilanlan. Alam niyang suntok sa buwan ang ginagawa niya pero sinubukan niya pa rin alang-alang sa pamilya niyang umaasa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD