"Talk," utos ni Diva kay Brent habang kumakain siya ng niluto nitong pagkain. "Saan ba ako magsisimula?" "Siyempre sa umpisa." "Alright." Nang magsimula itong magkuwento ay pahinto-pahinto siya sa pagsubo dahil mataman siyang nakikinig dito. "Nagawa ba 'yon ng ama ko?" tanong niya rito. Sinabi kasi nito na ilang beses na raw itong napahamak dahil sa ama niya. Kaya pala lagi raw itong may gasgas noon kapag umuuwi ito na nabanggit nga sa kaniya ni Roberta dati. Hindi lang daw isang beses na tinanggalan ng preno ang sasakyan nito ng mga kaibigan ng papa niya na kapwa lulong na rin sa mga bisyo. Kung hindi naman daw ay bigla na lang itong hahampasin ng papa niya sa iba't ibang parte ng katawan nito. Ilang beses na rin daw itong nag-agaw buhay dahil sinaksak din ito ng ama niya mal

