"Masarap ba, Anak?" tanong ni Brent sa anak niyang si Bryce. Ipinagluto niya kasi ito ng spaghetti dahil hindi pa raw ito nakakatikim ng luto niya. Kasama niya ngayon dito sa condo unit niya ang mag-ina niya. Ayaw nga sana ni Ville na sumama pero hindi ito tinigilan ni Bryce kaya napilitan itong sumama sa kanila. Sumama nga ito pero halos maghapon naman ay magkasalubong ang mga kilay nito. "Ang sarap niyo po pala talagang magluto, Daddy! Kaya po siguro mabilis na na-in love sa inyo si Mommy, 'no?" "Hindi lang dahil doon, Anak. Guwapo rin kasi ang tatay mo kaya gano'n. Isang ngiti ko pa lang ay bumigay na kaagad ang mommy mo." "Talaga po?" "Yeah." "Marami ka po bang naging girlfriends, Daddy?" "Sakto lang. Sa lahat ng naging girlfriends ko, 'yong mommy mo ang love na love ko.

