CHAPTER 3

2230 Words
“teka nga muna…” sabay lingon niya kay Elaiza na naggugupit ng mga papel. napatingin ito sa kanya na nakataas ang isang kilay. “wala kang klase?” umiling ito at ngumiti sa kaniya. “hoy Elaiza! bawal na iyang katamaran mo sa pag-aaral ngayong kolehiyo kana. Baka bagsak ka naman kagaya no’ng high school tayo.” “Best… huwag ka ngang praning diyan, ako nga hindi nag-aalala eh.  ikaw pa kaya.” “paanong hindi ako mag-aalala sa’yo. May I remind you, dito Japan, naka-focus ang mga estudyante sa pag-aaral. Mas pressured sila kesa sa Pilipinas na papitiks-pitiks lang ang mga estudyante.” huminga ito ng malalim. “alam ko naman iyon! ikaw nga hindi pumasok eh… kung makapagsabi na hindi ako pumasok, siya din naman.” anito’t inisnaban pa siya. May magagawa pa ba siya? Iyan ang utak ng kaibigan niya at hindi na niya mababago pa iyon. Minsan sarap na nitong kutusan dahil sa pabaya nga sa eskwela.  “pagkatapos naglasing ka pa kagabi, akala mo siguro nasa tamang edad kana… eh, same lang naman tayo ng edad!” “hoy! mas matanda ako sa’yo!” “anong matanda pinagsasabi mo diyan? buwan lang naman pagitan natin ah? tse! kung makapagsabi ng matanda na siya, manahimik ka! tapon ko sa’yo ‘tong gunting eh… pinapainit mo ang ulo ko!” anito’t tumayo sa kinauupuan. Mas lalo yatang sumakit ang ulo niya dahil sa talak ng kaibigan niya. Kailan ba magbabago ang kaibigan niya? sumasakit ulo niya dito minsan,  pero,  ang mga pinsan nito  parang ayos lang at  mukhang  nagugustuhan  ang pagiging spoiled ng dalaga nitong mga nakaraang buwan. Hindi iyon magandang senyales at sinasabihan naman niya ang kambal na huwag ii-spoiled ang kaibigan  pero, ayaw makinig ng dalawa. palaging sinasabi na pambawi daw nila sa mga taon na hindi nila nakasama si Elaiza. Lumalaki minsan ang ulo ng dalaga, pero, manghingi ito sa mga pinsan nito ay iyon namang nagagamit nito. “makaalis na nga, susunduin daw ako ni kuya Harold eh.” “hoy! sabay na ako.” sambit niya at dali-daling bumangon. Medyo nawawala na ang sakit ng ulo niya dahil sa gamot na binigay ni Elaiza. “hindi pwede! Magtrabaho ka do’n, nagpakalasing ka kagabi ‘tapos ngayon hindi ka magtatrabaho? Ano ka sinuswerte?” “wow!  a big words coming from you.” aniya’t inakbayan ito nang maabutan niya. “sama na ako. Hindi ako makapagmaneho ng maayos dahil masakit ang ulo ko at isa pa wala ang sasakyan ko. Nasa club, iniwan ko do’n.” “alangan naman madadala mo iyon? lasing ka nga di’ba?” sabay yakap nito sa katawan niya. “ang sweet talaga nilang dalawa.” ani ng secretary ni Elaiza na papasok sana opisina nito. “ma’am…” sambit nito. “Nani?”  anito sa malamig na boses at napailing na lang siya. Malaki siguro problema ng babaeng ito at nagiging malamig sa secretary niya ngayon.  “do you have  problem? hindi naman kita pinatawag ah?” “pwede po ba akong mag-leave ng isang linggo?” “bakit?” “okane wo motte imasen.” (I have no money) “bakit ka magle-leave kung wala kang pera? bakit ngayon mo lang din sinabi?” patay na! huminga siya ng malalim at tiningnan ng mabuti ang kabuuan ng mukha ng secretary ng best friend niya.  Itim ang ilalim ng mga mata nito, malaki ang mga eyebags. Anong nangyayari dito? Natutulog pa ba ito? kinakawawa ba ito ni Elaiza? Hindi naman siguro sinasagad ni Elaiza ang secretary niya di’ba?  “what’s your problem?” tanong niya dito. “I think, you need sleep.” “may lagnat po kasi ako.” “bakit ka pa pumasok kung may lagnat ka pala?” “baka po kasi… kailangan niyo ako or magpapa- reschedule  kayo ng mga meeting.” sagot nito sa mababang boses at mahina din ang boses nito. “may ibang trabaho ka. am I right?” yumuko lang ito at hindi na nakasagot sa best friend niya.  ops! mukhang may nilabag itong rules ah.  “kulang pa ba ang sweldo mo para maghanap ka ng ibang trabaho bukod sa pagiging secretary ko?” “kailangan na kailangan ko talaga ng pera para sa tatay kong nasa hospital ngayon.” “so, sinagad mo ang sarili mo para lang matustusan mo ang pangangailangan ng pamilya mo? bakit hindi ka agad lumapit sa akin? nilabag mo ang rules… can you face the consequences?  you know what will happen to you.”  “gomenasai…” narinig niyang huminga ng malalim ang best friend niya. “sige na, magpahinga kana at ibigay mo sa akin ang name ng hospital. Nasa Pilipinas di’ba?” tumango ito at ngumiti. “thank you! thank you so much Elaiza-san.” bigla na lang yumakap ito sa best friend niya kaya siya lumayo siya ng konti. “ang bait-bait niyo po talaga. I swear… hindi na po ako magtatrabaho ng part-time job at magiging loyal na loyal na po ako sa inyo.” anito habang yakap pa rin best friend niya. “pagtatrabahuan ko po ang binayad niyo sa hospital.” “oo na! oo na… tama na ang yakap, magpahinga ka na.” aniya sa secretary niyang walang tulog. Nang kumalas ito ay ngumiti siya dito at tinaboy niya na.  Dahil kapag hindi niya na pinaalis ang secretary niya hindi  matatapos ang usapan nila. Dami pa naman itong tsismis na hindi niya forte.  Ayaw niyang  makipag-tsismis dito dahil wala naman iyong naidudulot na maganda sa buhay niya.  Nang makalayo na ito ay tiningnan niya ang best friend niyang nakamasid lang din sa kaniya kanina pa. magsasalita na sana siya kaya lang may narinig siyang boses na sumisigaw palapit sa kanila. Alam niya kung kaninong boses iyon. “auntie! auntie!” sigaw nito sabay takbo palapit sa kaniya. “don’t run baby.” pero hindi pa rin ito nakinig at dire-diretso itong tumalon payakap sa kaniya. “I told you not to run.” pinagalitan niya ito. “I’m sorry auntie. Next time po.” anito.  “good… tara na.”  aniya at sabay bigay sa bag niya kay Edzel. Pumasok sila sa elevator na karga-karga niya ang kaniyang pamangkin. “ang bigat mo na baby… kay uncle Edzel ka magpakarga huwag sa akin.” “auntie… I don’t like uncle right now.”                “why?”  nakita niyang pinindot ni Edzel ang button pababa sa ground floor. lumapit ito sa tenga niya at bumulong. “amoy alak po si uncle Edzel, huwag niyo po sabihin kay uncle Edzel ang sinabi ko auntie.” Napatingin siya kay Edzel na nasa tabi niya na napapailing. Dinilatan niya nga ito eh… bumulong ang pamangkin niya pero naririnig naman ng huli. Gusto niyang tumawa dahil sa sinabi ng pamangkin niya kaya lang nagpipigil siya. Naamoy din niya kasi kanina kaya lang ayaw niyang magreklamo baka magalit ang kaibigan niya. Pikon pa naman minsan. “teka nga muna… bakit ikaw lang pumunta dito sa taas?” “si daddy po kasi sabi niya maghihintay na lang daw po siya sa labas ng building ‘tapos ako na lang daw po susundo sa’yo.” tumango siya sa sinabi nito.  “hindi mo naman abot ang mga button.” “si ateng maganda po na nasa front desk po ang nagpindot ‘tapos inihatid niya ako sa floor niyo po ‘tapos sabi niya babalik na daw agad siya sa front desk baka pagalitan niyo daw po siya. Hindi kasi aakyat na si daddy eh, nag-uusap po sila ni mommy. Bawal daw po ako sumabat sa usapan nila sa phone.” nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ng pamangkin. “gusto mo kumain?”  biglang nangislap ang mga mata nito. “gusto ko ng chowking auntie… gusto ko din sana makatikim ng Jollibee kaya lang wala dito sa Japan. auntie… kailan ka po makakapunta ng Pilipinas? bilhan mo naman ako ng chicken joy nila.” “baby… hindi na ako babalik ng Pilipinas.” “po? ede… hindi na ako makakapunta doon?” anito at bigla na lang lumungkot ang boses nito. “bakit hindi ka umuwi ng Pilipinas at bisitahin mo mga pinsan mo?” “eh… si daddy nga ayaw pumunta ng Pilipinas eh… sabi niya pupunta daw siya kung pupunta ka sa Pilipinas. Si ninong kasi, hindi na ulit bumisita dito  sa Japan… nagdadala pa naman iyon ng pasalubong sa akin kapag galing siya sa Pilipinas. Madami rin siya dala katulad ng durian candy, mangosteen, langka candy, pineapple candy. Basta marami siyang dala na klase-klaseng candy flavor.” bigla siyang natahimik dahil sa kilala niya kung sino ang tinutukoy nitong ninong. Alam niyang isang taon na ang lumipas pero, masakit pa rin pala ang ginawa ng kapatid nito sa kaniya at inaakusahan din siya nito ng isang gold digger. Napatingin din sa kaniya si Edzel na may awa ang mga mata. tinikom na lang niya ang kaniyang bibig at lumabas pagkabukas ng elevator. nakita niya ang pinsan niyang may kausap nga sa cell phone at mukhang mainit ang ulo nito. biglang  bumaba ang pamangkin niya at tumakbo papunta sa ama nito. Nakasunod lang siya dito  at bigla na lang siyang inakbayan ni Edzel. “hey…cheer up.” huminga siya ng malalim, lumingon at nginitian ang kaibigan ng matamis na mga ngiti. Alam niya sa sarili niya na kailangan niya munang kalimutan ang bagay-bagay kahit masakit para sa kaniya. Nasasaktan man siya ngayon pero babangon siya para sa sarili niya at para sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi habangbuhay ay palagi na lang siyang lugmok pero alam niya sa sarili niya na may galit na namumuo sa puso niya. Kailangan niyang hindi pairalin ang galit na namumuo dahil makakasakit siya ng tao na nakapaligid sa kaniya. “ang tagal niyo cuz…”  reklamo ng pinsan niya nang makalapit silang dalawa. “gomen.” “tara na…” tumango siya at sumakay na sa backseat kasama ang pamangkin. Si Edzel ay sa unahan umupo at nilagyan ng seatbelt ang pamangkin niya. “thank you, auntie.” anito at hinalikan siya sa pisngi. Ang sweet talaga ng batang ito kahit kailan pero makulit nga lang. Hindi nga nakikinig sa mga magulang minsan, sa kaniya lang ito nakikinig pero makulit pa din. Ewan ba niya saan nagmana ang katigasan ng ulo ng pamangkin. Hindi naman siguro makulit ang pinsan niya noong mga bata pa sila di’ba? “daddy… kain daw tayo sa labas sabi ni auntie.” “hindi pwede… nagluto ang mommy mo ng lunch.” sagot nito habang kinakabit ang seatbelt. Napatingin ito sa rearview mirror. “let’s go.” Tumango siya sa sinabi nito sa kaniya. Kaya ba mainit ang ulo nitong pinsan niya dahil magluluto ang asawa nito? Hindi pa siya nakakatikim ng niluto ni Shane dahil binawalan itong gumala sa kusina ni Harold dahil disaster daw ang mabibigay ng huli sa kaniya.  natatawa nga siya minsan eh, dahil kapag sinasama ko si Shane sa kusina dali-daling pupunta ang pinsan niya at pinapalabas si Shane. Marunong  naman sigurong magluto ang huli di’ba? kaya lang basag daw lahat ng gamit nila kapag pinahawak niya ng babasagin ang huli. Kaya kapag nagluluto siya hindi niya sinasama si Shane dahil baka siya pa pagalitan ng pinsan kapag naubos gamit nila sa kusina. hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng pinsan niya kay Shane bukod sa maganda ito. Mabait naman ang ugali ng babae at maalaga pero mukhang hindi yata pwede sa kusina eh. Marunong naman talagang magluto ito kaya lang ang gamitin nila iyong platong sartin or di kaya ay plastic dahil sigurado siyang mauubos ang mga babasagin nila sa kusina. Narinig niyang may tumatawag sa phone niya.  Kaya lang ang phone niya nasa bag niya na hawak naman ni Edzel. “pakisagot best.”  aniya’t nakita naman niyang kinukuha nito ang phone sa bag niya. “hello.” sagot niya. “sino ‘to?” tanong ng nasa kabilang linya. Napakunot ang noo niya kaya agad niyang tiningnan kung sino mang poncho pilato ang tumatawag  sa best friend niya. Hindi naman naka-registered ang tumawag. “ako dapat ang magtatanong ng mga iyan sa’yo. Sino ‘to?” “best sino yan?” tanong ng best friend niya na likod at binigay niya dito ang cell phone. Sino kaya ang tumawag na iyon? sasagotin na sana ng best friend niya ang tawag kaya  lang namatay na ito. Binalik naman ng kaibigan niya sa kaniya ang cell phone nito at nilagay naman niya iyon sa bag. Nagkibit balikat na lang din sila dahil wala din naman saysay kung tatanongin niya ang kaibigan niya. Wala siyang mapapala na sagot mula dito. Pinoy ang tumawag dito at sino naman ang tatawag sa kaibigan niya? wala naman itong kilala bukod sa kanila na malalapit sa dalaga. Baka isa sa mga kaklase nitong lalaki na pinoy din. Pinagsawalang bahala niya na lang ang lahat at tumingin sa labas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD