P O T R I C K HINDI ko pa man iminu-mulat ang mga mata ko, parang gusto na ulit bumalik sa mahimbing na pagtulog. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng kama ko ngayon, eh. Parang may kakaiba. Pati 'tong unan na yakap ko, bukod sa mabango na ay may kakaibang lambot at tigas pa. Hindi ganito ang usual na amoy, lambot at pakiramdam ng kama ko eh. Parang hindi ko nga ito kama. Wait. Napa-mulat ako nang kaunti nang ma-realize na hindi nga ganito ang pakiramdam ng kama ko. Hindi ganito ang amoy ng kumot at unang madalas ay yakap-yakap ko. At isa pa, bakit parang gumagalaw nang bahagya 'yong unan? Shocks! Napa-balikwas ako bigla nang makita si Basti na katabi ko. Topless at walang malay na natutulog. Shems. Siya pala 'yong yakap-yakap ko! Damn, bakit 'di ko napansin agad? At paano ako napunt

