P O T R I C K
GAMIT ang tinidor na hawak ko, tinusok ko 'yon sa aking pang-limang hotdog sa plato.
Sunday ngayon at day-off ko sa Café. Naisipan akong yayain ni Dori dito sa isang Hotdog Court malapit sa may university. Since wala naman akong ginagawa, sumama ako. Kaya heto, sinusulit naming dalawa ang unli hotdogs na kinakain namin ngayon. Hindi ka naman na lugi dahil sa halagang 100 pesos ay pwede mo nang kainin kahit ilang hotdogs pa ang gusto mo. Basta kasya pa sa bibig mo at hangga't kaya mo pang lunukin.
"Ang sarap talaga ng hotdog!" Usal ni Dori habang sarap na sarap nga doon sa hotdog na kinakain niya. Mukhang enjoy na enjoy siya. "Hindi ka ba nasasarapan, Pot?" Bumaling ito ng tingin sa akin habang ngumunguya.
Ano ba 'tong si Dori? Kailangan ba talagang itanong pa 'yon? Tumango naman ako. "Masarap naman. Hindi lang ako gano'n kahilig sa hotdog." Tugon ko sa kanya sabay kagat sa hotdog na nasa tinidor ko. "Pang-ilan mo na ba 'yan, Dori?"
"Pang-fifteen na, Pot." Sagot nito na busy pa rin sa pagkain.
Nagulat naman ako sa naging sagot niya. As in, labing-lima? Hanep, ah!
"Grabe naman 'yang pagka-hilig mo sa hotdog, Dori. Ako nga, pang-lima pa lang, eh." Pagpuna ko sabay napailing habang medyo natatawa.
Nagpout siya. "Baliw, 'di kasi ako nag-lunch kanina kaya dito ako bumabawi Pot." Katuwiran nito. "At isa pa, unli naman 'to 'noh! Kaya susulitin ko na, sayang ang binayad ko ano!" Dagdag niya tapos kumain na ulit. Napangiti ako at umiling nalang sa kanya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Siguro, nakailang hotdogs din ako pero syempre, si Dori ang may pinaka-maraming hotdogs na nakain. Ako kasi, bumawi nalang sa unli iced tea nila dito. Kasama naman 'yon sa bayad namin, eh.
Maya-maya pa, napansin kong nagse-selfie na naman si Dori habang may hawak na tinidor kung saan nakatusok ang isang hotdog. Alam ko na 'to.
"Hashtag-hotdogcourt, hashtag-busolve, hashtag-sherep, hashtag-unlihotdogs!" Napailing nalang ako dahil sa mga hashtags na inu-usal niya. Iba talaga 'tong si Dori. "Ay, may nagtext!" Biglang sabi nito at nang tingnan ko'y nakangiti na.
"Sino?"
"Si Andrew," nakangiting tugon niya. "Niyayaya akong mamasyal sa mall, Pot." Kilig na kilig nitong sabi.
"Ngayon na ba? Sige na, alam ko namang 'di ka mapapakali kapag 'di ka pa umalis." Nakatawa kong sabi sa kanya na may halong pang-aasar.
"Sira! Gusto mo bang sumama? Tara, Pot! Para mas masaya," nakangiti niyang anyaya pero agad akong umiling.
"Hindi na, kayo nalang. Time niyo 'yan," ngumiti ako. "Basta, ingat ka. Ingat kayong dalawa." Paalala ko.
"Sure ka? O-sige, Pot." Nagsukbit na siya ng sling bag niya at tumayo. "Ikaw, 'di ka pa ba aalis?" Tanong nito.
"Maya-maya aalis na rin ako," tugon ko at nagwave sa kanya. "Sige na. Ba-bye na. Baka naghihintay na 'yong ka-date mo," biro ko pa at hinampas lang ako ni Dori sa braso.
"Baliw, sige na Pot. Alis na 'ko," paalam nito na masayang-masaya.
Nagwave ulit ako sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng Hotdog Court. Naiwan akong mag-isa sa table namin. Mabuti pa ang dalawang 'yon, may pa-kilig-kilig na ganap ngayong Sunday. Samantalang ako, waley. Hays.
Matapos inumin 'yong huling isang baso ng iced tea, nagpasya na akong lumabas doon.
Alas dos na ng hapon.
Mainit sa labas dahil mataas ang sikat ng araw nang ganitong oras. Wala din akong dalang payong kaya no choice ako kung 'di tiisin 'yong init. Naalala ko nga palang kay Dori lang ako nakisukob kanina. At dahil mainit nga at 'di ko na gustong tumambay pa kung sa'n-saan, minabuti ko nang maglakad papunta doon sa sakayan ng mga jeep para umuwi.
And oh, speaking of pag-uwi. Tonight, sa bahay ako matutulog. Usapan na rin kasi namin nila Mama at papa na kapag Sunday ay doon ako sa bahay. Ito lang kasi 'yong day-off ko as part-timer sa Café. Hindi na ako pinauwi ni Mama no'ng friday ng gabi dahil obviously, 9pm na 'yong out ko sa work. Kaya in-advice-san nalang nila ako na ngayong Sunday nalang. Isa pa, namiss ko rin ang mga luto ni Mama.
Bakit nga ba kailangan ko pang maglakad papunta sa sakayan ng mga jeep? Gano'ng pwede naman akong pumara nalang dito kung saan at sumakay? Well, sa sobra kasing disiplina ng lugar namin dito ay 'di lahat ng spot ay pwede mong para-han. So, you need to walk for 5 minutes or less para makarating ka doon sa tila terminal ng mga jeep. Gano'n dito.
Habang naglalakad sa maalinsangang hapon, I took the chance to roam my eyes around. Baka kasi may makita akong interesting na place na pwede naming kainan nila Dori if ever. Hindi kasi ako madalas dito sa lugar kung saan malapit ang university. And isa pa, mahigit 30 minutes din siguro ang layo nito sa lugar na tinitirahan ko. Kaya nililibot ko ang mga mata ko, just to observe kung anong pwedeng tambayan dito minsan when needed.
So, 'yon. Bago ako tuluyang makarating sa sakayan ng mga jeep, I saw something that caught my eyes. Isang Café rin iyon. But not just a typical coffee shop, may iba silang pakulo ayon sa nakikita ko doon sa poster at pangalan sa labas nito. Café Cat 'yong name no'ng place. Obviously, it has something to do with a cat and yeah, may mga pusa doon. As I can see sa clear glass walls nito, may mga buhay na pusa doon sa loob while may mga customers na nagkakape and enjoying the cuteness of those fluffy cats. Natuwa ako. Mahilig din kasi ako sa pusa, pero si Mama kasi ayaw niya sa pusa dahil palaging kinakain 'yong luto niya kapag naiiwanan sa kusina. Kaya ayon, last time na nagka-pusa ako ay 10 years old pa siguro ako. And now that I'm older, I'm wishing to have one.
Paalis na sana ako at lalampasan ang lugar na 'yon, but something caught my attention there. No, not something pala but someone.
Si Kuya Peter.
Nasa malayo ako pero I can clearly see his serious good-looking face habang hawak ang isang balbon na uri ng pusa doon. I smile. Gusto ko sana siyang puntahan at lapitan. Ang alam ko kasi ay sa bahay siya matutulog ngayong gabi since it's Sunday today. Binabalak ko na rin siyang sabayan pauwi. At syempre, magpapalibre na rin sana ako sa kanya doon sa Café and see the cats.
But my smile faded when I saw someone came to him.
Habang nakatigil pa rin sa kinatatayuan ko at 'di alintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat, sinigurado ko kung sino ang lalakeng lumapit kay Kuya Peter.
And it was Nick.
Medyo napa-kunot ang noo ko dahil nakitang magkasama ulit sila. Maybe, may kasama silang iba nilang lalakeng kaibigan. Si Kuya Peter naman kasi, eh. I also want to see Nick pero 'di niya ako sinasama sa mga lakad nila. Was that because they're older than I am?
Patuloy ako sa pagtingin sa kanila. Inilapag ni Nick 'yong dalawang kape sa table na kaharap ni Kuya Peter. Well, obviously ay mali ako. Wala silang ibang kasama. Dalawa lang kasi 'yong kapeng dala ni Nick. But what caught my eyes wide-open, nang makita kong kinurot ni Nick ang pisngi ni Kuya na animo'y nanggigigil bago siya umupo. Si Kuya naman did the same exact thing. Napa-kunot lalo ang noo ko.
Judging by their closeness towards each other, 'di na nakapagtataka na sa sobrang lapit nila siguro ay kumportable na sila to the point na magku-kurutan sila ng pisngi. Gano'n naman talaga ang magkaibigan.
I don't know why I'm still standing here kahit ang init ng panahon. Hindi ko din alam what I am waiting for. Ewan ko, basta nakatingin lang ako doon sa Café kung nasaan sila—as if I am waiting to see more.
Balak ko na sanang umalis na talaga when I saw Nick sweetly gave the cup of coffee to Kuya Peter and ginulo pa nito ang buhok niya. Nagngitian sila. I can see in their eyes that they're having a good time. Pero bakit ang sweet nila tingnan?
Umalis na ako dahil 'di ko na rin makayanan ang init sa pwestong kinatatayuan ko. But before I left, I took a glance at them. Umiinom sila ng kape. Lumagpas na ako doon pero 'di pa rin mawala sa isip ko 'yong mga nakita ko kanina.
Gano'n na ba talaga ka-sweet ang mga magkakaibigan ngayon? Mapa-lalake man or what? Iyon kasi 'yong nakita ko kanina kila Kuya Peter at Nick. Kung iisipin, para silang may something because of the way they treat each other. Kung paano sila ngumiti at 'yong mga gestures nila na maihahawig mo sa isang couple. But, no!
I know, gano'n lang naman talaga ang magkakaibigan right? Bakit ba feeling ko ay dapat pag-isipan ko sila ng kakaiba? Hindi na 'no. Ano ka ba, Pot? Baliw ka ba? It's Kuya Peter, kilala ko siya at alam ko kung sino ang kapatid ko. Malabong mangyari ang iniisip ko. It's just a waste of time to think about it twice.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa sakayan ng jeep.
Pero sa kamalas-malasang pagkakataon, walang jeep na nakaparada doon. May pila ng napakaraming taong nag-aabang ng masasakyan pero ni-isa walang jeep sa terminal. Tinanong ko 'yong nangangasiwa no'ng terminal at ang sabi, kailangan pa daw maghintay ng pagdating ng mga jeep. Mga 20 minutes pa daw. Marami daw kasing tao ngayon dahil Linggo kaya marami ding pasahero.
So, imbes na pumila sa haba ng mga taong nando'n at magtake ng risks kahit walang ka-siguraduhan—umalis nalang ako do'n. Yeah, I love taking risks but not in this kinda situation. Sunog na sunog na kaya ako!
Sumakay nalang ako ng tricycle at bumyahe ng 10 minutes pabalik sa university, imbes na 30 minutes papunta sa bahay. Mamaya nalang siguro ako uuwi doon dahil maaga pa naman, abot pa ako sa dinner time. Isa pa, kukunin ko rin 'yong ibang gamit ko dahil sa bahay nga ako matutulog tonight.
Tumigil ang tricycle na sinasakyan ko sa likod ng university kung saan na matayog na matataw mo ang dormitory building ng mga babae. Mas nauuna kasi iyon kaysa sa dorm ng mga lalake. Before, I could go inside the gate ay kailangan ko munang lakarin ang maliit na eskinitang ito dahil iyon lang 'yong pwede kong daanan papunta sa dorm. Well, meron namang isang alternative way at doon 'yon sa loob ng school. But then, since Sunday ngayon at 'di ko dala ID ko to pass from the LadyGuard na nagbabantay doon—kailangan kong maglakad ng less than 5 minutes para makarating sa gate ng mga dorms.
Busy akong binibilang 'yong sukli sa 50 pesos ko kanina sa tricycle nang bigla akong mapatingin sa harapan ko.
I saw 3 boys, naka-uniform sila pero mukhang 'di sila taga-EMU. May kalakihan din ang katawan pero I can say na kasing-edad ko lang din sila. But what scared me ay kung paano sila tumingin sa akin.
It's like, a predator found it's prey.
"Mukhang mayaman 'to, tol." Narinig kong sabi nung isang lalakeng may bandana sa ulo. Mukha siyang isang lowkey gangster. Ginagaya niya yata sa TV. Nakangisi ito.
"Oo, tol. Basta dito sa eskwelahan na 'to nag-aaral ay mayaman talaga 'yan." Sabi nung isa na pinaka-matangkad sa kanila. Nakangisi din at nakatingin sa akin nang diretso.
"Aalis na rin naman tayo dito, pagtripan na muna natin 'to." Nakangising sabi nung isa pang mukhang sanggano kaya't nakaramdam ako ng kaba. "May hawak na cellphone at pera, oh. Mukhang okay 'yong cellphone, magagamit ko 'yan. Kunin niyo," sambit pa niya na tila inuutusan 'yong dalawang lalake sa magkabilang gilid niya. Natakot ako.
Napa-atras ako. Una sa lahat, 'di ako mayaman. Pangalawa, bakit ba sila nandito at paano sila nakarating dito? At pangatlo, mukha silang mga manggagantso!
"T-teka, anong gagawin niyo?" Kabado kong sabi na medyo nagshe-shake na ang boses. "Huwag kayong lalapit, sisigaw ako." Pagbabanta ko sa kanila pero wala akong nakitang bakas ng pagka-takot sa kanilang mga mukha.
"Takte, tol! Bakla pala ang isang 'to!" Isang halakhak ang namutawi sa kanilang tatlo habang ang dalawa'y lumalapit sa akin ngayon. Mga baliw pala 'tong mga 'to, eh! Nakaka-insulto sila, ha?!
"Ayos 'yan, 'di yan lalaban." Pangisi-ngisi pa 'yong boss-bosan nila habang nakatingin sa akin. "Hoy, bakla! Ibigay mo nalang 'yong cellphone at mga pera mo para wala nang mangyari sa'yo," pananakot niya at na-sindak naman ako sa boses niya na sinabayan pa ng mahina nitong mala-demonyitong tawa.
Patuloy sa paglapit sa akin 'yong dalawang lalake na dinadahan-dahan pa para may thrill. Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako. I can't lose even my phone or my money. Gaya ng sabi ko, hindi ako mayaman!
Pero, I know, compare to them—hindi ko kayang lumaban.
Malalaki ang katawan nila kahit na alam kong kasing-edad ko lang ang mga ito pero sa itsura nila, mukhang nakakatakot na at sanay na sa gulo.
Pero still, hindi ko pa rin ibibigay ang gusto nila.
"Umalis na kayo o tatawag ako ng guard?!" Sigaw ko, pilit na tinatapangan hawak ang cellphone ko na naka-pwesto na para tumawag ng guard. Though, wala akong number ng guard dito.
"Kahit tumawag ka pa ng guard, wala 'yong magagawa! Ulol!" Nagtawanan sila kaya nainis ako lalo.
"Kunin niyo na 'yong cellphone niya, bilis!" Pa-sigaw na utos no'ng isa sa kanila kaya't nagmadali ang mga ito na lumapit sa akin para tuluyang kunin ang hawak ko.
But everything stopped nang may marinig kaming sigaw, it came from behind me.
"Itigil niyo 'yan!"
I turned to my back, nakita ko si Basti.
I don't know but somehow, nakaramdam ako ng relief. As if finally, ligtas na ako sa kamay ng mga baliw na lowkey-gangster na 'to!
To my surprise, tumigil nga ang mga baliw at animo'y natakot sa presensya ni Basti. Ganyan nga, matakot kayo!
Kahit ako din naman sa kanila, eh. Matatakot din ako kay Basti. Iyon din 'yong naramdaman ko at nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Kaya 'di na bago sa akin 'yon.
Kumpara sa mga lalakeng 'to, 'di hamak na mas malaki ang built ng katawan ni Basti kaysa sa kanila. Mas malalaki ang mga braso nito at kapansin-pansin ang bumubukol nitong lalakeng-lalake na dibdib mula sa kanyang fitted shirt. Matangkad din si Basti na 6 footer sa edad niyang 21. Iyon pa lang, matatakot ka na.
Idagdag mo pa 'yong famous dragon look niya na kahit sino ay matatakot. Damn.
Kahit papaano pala, sa mga ganitong pagkakataon ay may use din ang pagiging gano'n ng Basti na 'to.
"Hindi ba sinabi ko na sa inyo na huwag na huwag na kayong maliligaw dito?" Chill pero nakaka-chills na sabi ni Basti with his cold and serious face.
"Sorry, Basti. May binisita lang naman kami," Kilala nila si Basti? Or dapat ko bang tanungin na, kilala sila ni Basti? Pero paano?
"Oo nga, Basti. Paalis na rin naman kami." Ang maamong sabi no'ng isa pa. Wow, ha? Paalis?! Eh, halos gitgitin niyo na ako kanina!
"Hindi na kami babalik dito, Basti. Pangako, huli na 'to." Ang sabi pa no'ng tila boss nila. Tila natatakot sila kay Basti na ngayo'y seryoso pa rin ang tingin sa kanila.
"Kapag nakita ko pa kayo dito, babasagin ko na 'yang mga bungo niyo. Naiintindihan niyo?!" Sigaw ni Basti na maski ako ay nagulat. Galit kasi siya.
"Oo, Basti. Naiintindihan namin," chorus na sagot no'ng tatlong ulupong na animo'y mga pusa sa harap ng isang tigre.
Samantalang kanina, ang yayabang nila! Anong nangyari ngayon?
Dali-dali silang umalis at tumakbo palayo. Mukhang kung ano man ang atraso nila kay Basti noon, dahilan 'yon para matakot sila nang ganito ngayon.
Napatingin ako kay Basti na hinabol pa ng tingin ang tatlong mga lalakeng 'yon bago bumaling sa akin ng tingin.
Seryoso ito. "Matuto kang lumaban para sa sarili mo. Hindi sa lahat ng oras may darating para iligtas ka," pagsusungit nito at nilagpasan lang ako.
Ang lalakeng 'yon talaga! Imbes na tanungin ako ng okay ka lang ba ay mas pinili pang magsungit. Well, ano nga bang aasahan ko sa kanya? Doon naman siya maging eh. Ang mag-suplado at maging serious nalang palagi. Napailing ako.
Tumingin ako kay Basti na naglalakad na sa malayo. Nakatigil pa rin kasi ako dito.
Kung tutuusin, kahit gano'n ang lalake na 'yon, thankful pa rin ako dahil iniligtas niya ako mula doon sa mga lalakeng mukhang mga walang magawa sa buhay nila. Kung 'di siya dumating, malamang ay wala na akong cellphone ngayon.
Parang hero 'yong dating niya kanina. Hindi ko in-expect na darating siya to rescue me from distress. Sa istura niyang 'yon, he can be a good-looking hero.
But not just a typical hero or superhero.
More like, a snobbish-moreno hero.
√