P O T R I C K ANG tatlong araw naming pananatili sa Casa Del Fuego ay tuluyan nang natapos. We took the same bus nang bumalik kami sa syudad. Everyone was fine. Maliban sa akin. Akala ko, matatapos ang tatlong araw na 'yon nang wala akong dadalhin na kahit anong bagay na iisipin. Kung mayroon man, iyon siguro ang mga happy moments ko o namin doon sa beach resort. Hindi ko in-expect na bago pala matapos ang trip na iyon ay may mangyayari pang yayanig sa mundo ko. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ko 'yon makalimutan. Sige nga, how can you forget your first kiss? Nang dahil sa paghalik sa akin ni Basti noong gabing 'yon, hindi na tumigil ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kung bakit niya ginawa 'yon at kung paano ko tatanggapin na wala na iyong first kiss na dapat sana'y sa taong gu

