Chapter Six

3041 Words
P O T R I C K HINDI pa tumitilaok ang manok, gising na gising na ako. Well, wala kaming manok pero hayaan niyo na. Siguro ay dala na rin ng masyadong excitement para sa araw na 'to kaya wala pang alas cuatro ay mulat na ang dalawang mata ko. It is my first day in college, men! Gising na rin kanina sila Mama at Papa, usual na sa kanila 'yon dahil si Mama ang nagpe-prepare ng breakfast ni Papa bago ito umalis papunta sa kanyang trabaho. Did I mention na ang tatay kong Engineer ay hindi pa man sumisikat ang araw, umaalis na sa bahay para asikasuhin ang kanyang mga blueprints at kung anu-anong bagay na tanging Engineer lang ang nakakaalam? So, yeah. When 5 am came, nagdesisyon akong kutingtingin ulit ang aking backpack na may mga gamit ko para sa school. Inayos ko ulit 'yon at dinouble-check kung may hindi ako na-isama o kung ano pang kailangan kong dalhin. Akala mo naman talaga ay magca-camping! Hays, Pot. Bumaba ulit ako sa may dining area para magkape, maaga pa naman masyado kaya pwede pa akong magchill. Besides, 8 am pa 'yong orientation sa East Middleton mamaya. Ako na mismo 'yong gumawa ng kape ko, ayoko kasing istorbohin si Mama na nagluluto pa rin hanggang ngayon. Nakaalis na si Papa, hindi na nito hinintay ang niluluto ni Mama at nagkape nalang. Masyado daw kasing maraming tatapusing plano sa site 'yon kaya nagmadaling umalis. Matapos magawa ang imbento kong kape na tatawagin kong Pot's Creamy Coffee, dinala ko ito sa lamesa at doon umupo. Ang kapeng ginawa ko ay consist of syempre kapeng puro, then konting creamer and konting milk. Natutunan ko ito doon sa Café. Madalas kasi ay inaaral ko talaga 'yong pagtimpla ng mga kape doon para kapag wala akong magawa at gusto kong magchill with a coffee, I can make one for me at maging kay Papa na mahilig din sa kape. Isa pa, gusto ko ding makatikim ng ibang timpla. Habang patuloy ako sa pag-inom ng ginawa kong kape, napukaw ng atensyon ko si Kuya Peter na pababa ng hagdan. One week na siyang nag-i-stay dito sa bahay dahil natapos na 'yong summer classes niya last week pa. Madalas, kapag umuuwi ako galing sa Café ay hindi ko siya naaabutan dito sa bahay at nitong nakaraang araw ay late na lagi siya sa dinner time naming pamilya. Ang sabi ni Mama at Papa, baka raw may nililigawan na si Kuya Peter kaya siya laging wala. Well, sino naman kaya 'yon? "Morning Kuya," bati ko sa kanya na pupungas-pungas na lumapit sa table kung nasaan ako. Hawak niya ang phone niya at umupo kaharap ako. "Morning," ngumiti ito sa akin at bumaling ng tingin kay Mama na nagluluto sa may kusina. "Morning, Ma." Bati rin niya dito bago bumaling sa kanyang phone. "Good morning," tugon ni Mama. Nakatingin lang ako kay Kuya na ngayo'y tila nagta-type sa cellphone niya. Napansin ko nitong mga nakaraang araw, madalas ko na siyang makitang tutok masyado sa cellphone niya at parang may ka-text. Hindi kaya totoo talaga na may nililigawan siya? O baka naman, may nobya na talaga si Kuya? "Sinong ka-text mo, Kuya? Girlfriend mo, noh?" Bigla kong pagtatanong dito na agad namang napatingin sa akin. Umiling ito at ngumiti, ang awkward niya tingnan. "Anong sinasabi mo dyan? Wala akong ka-text," tugon nito at ibinaba na ang phone niya bago ako tiningnan ulit. "Patikim nga niyang kapeng iniinom mo, mukhang masarap 'yan ah?" Pagda-divert nito sa topic na binuksan ko at kinuha 'yong baso sa akin. Uminom siya doon. "Wala daw, kaya pala madalas kitang nahuhuling nakangiti habang nakatingin dyan sa cellphone mo?" Hirit ko pa dahilan para kunutan ako ng noo nito. "Huwag mo nang i-deny Kuya, dine-deny mo pa eh. Obvious na obvious naman!" Natatawa kong pang-aasar kay Kuya Peter, baka-sakaling sabihin niya sa akin ang totoo. "Alam mo, ikaw? Ang aga-aga, ang hyper mo na agad. Mukhang excited ka na talagang pumasok, ah?" Sagot niya at hindi inintindi ang mga pang-aasar ko sa kanya. "Good luck sa first day mo, bro." Tumayo na ito at nginitian ako bago umalis dala ang phone niya. Tingnan mo ang isang 'yon, ang hilig mag-walk out habang kinakausap pa. Konti nalang, iisipin ko nang umiiwas siya sa topic na in-open ko kanina. Para siyang may tinatago, eh. Well, forget about Kuya Peter. This is my first day of being a college student, kaya dapat ay hindi ako mahuli sa pagpasok. Nang maluto na ni Mama 'yong mga pagkain, agad akong nag-almusal at dumiretso na sa banyo para maligo after. After an hour of fixing myself, reding-ready na akong umalis sa bahay at pumasok sa East Middleton University. Suot ko 'yong uniform ng university na nakuha ko lang 3 days ago. Kulay puti itong longsleeves na polo na may necktie na kulay navy blue, iyon kasi ang color na nire-represent ng buong university. Sa ibaba naman, slocks na tama lang ang fit sa akin. Actually, saktong-sakto ang uniform sa akin. Ang pogi kong tingnan, proudly. Umalis ako sa bahay mga 7 am pasado, sumakay ako ng jeep at bumiyahe ng halos bente minutos bago ko narating ang harap ng East Middleton University. Pagbaba ko, napangiti ako at the same time ay na-amaze sa laki ng school na 'to. Nakapunta na ako dito no'ng one time na nag-enroll ako personally pero I can't help but to be amaze again kasi ito ang first day ko, at sa ganitong ka-gandang university pa. Pumasok ako mula sa gate at naglakad sa kahabaan ng campus nito. Marami nang mga estudyante na nagkalat sa loob at lahat sila ay katulad ng uniform na suot ko, maliban doon sa mga babaeng naka-palda na hanggang tuhod. Speaking of babae, nasaan na ba si Dorothy? Ang sabi kasi niya sa akin ay mauna nalang ako dahil mag-aayos pa siya. Mukhang sineryoso niya nga talaga ang hindi ako sabayan kahit pwede naman kaming sabay pumasok dito. Excited din ang isang 'yon kahapon pa. Nang makuha kasi namin 'yong pang-isang buwan naming sweldo ay agad itong nagyaya para samahan siyang bumili ng make up sa mall. Mabuti nalang talaga at kasama niya ako para paalalahanan siya na huwag ubusin 'yong perang kinita niya ng isang buwan. Pang-tuition kaya niya 'yon! Ite-text ko na sana ang babaita nang biglang may kumalabit sa likod ko, nang humarap ako ay akala ko si Annabelle iyon dahil sa magkabila nitong blush on. But to make it clear, mas maganda naman siya doon. Mas better version ni Annabelle! "Hi, Pot!" Mukha siyang manika dahil sa make up niya. Gano'n din ang uniform niya sa mga babaeng nagkalat dito sa loob ng university. Naka-braid ang kanyang buhok at dala ang kanyang shoulder bag na maliit. Iyon kasi 'yong binili niya kahit sinabi ko naman sa kanyang hindi magkakasya doon ang mga gamit sa school. Matigas ang ulo niya, eh. "Akala ko inubos mo na 'yong make up na binili mo kahapon, eh. Kanina ka pa ba dito?" Pagbibiro ko kay Dori na natawa lang at hinampas ako sa braso. "Uy, grabe ka naman Pot! Syempre, I need to be fresh kasi first day natin bilang college 'diba? And nope, kabababa ko lang ng jeep!" Tugon niya at halatang excited na. "Ikaw? In fairness, ang cute mo dyan sa polo na 'yan Pot! Selfie tayo, dali!" Dagdag pa niya at gustuhin ko mang umangal, hindi ko na nagawa. Hinila na niya kasi ako at automatically, ilang shots na 'yong narinig kong tunog sa cellphone niya. "Ang daming tao, oh. Nakakahiya ang mga pinaggagagawa mo!" Pabiro kong sabi sa kanya matapos kumuha ng mga litrato. Pinagtitinginan na kasi kami dahil sa ingay na rin nitong si Dori. Mukha namang wala siyang pakealam, eh. "Hayaan mo sila, ang mahalaga ay maganda ako dito sa mga selfie natin! Upload ko 'to agad, Pot. Don't worry, ita-tag kita!" Nakangiti niyang sabi habang kinukutingting ang kanyang cellphone. "Hashtag-first day, hashtag-happy lang, hashtag-with Pot, hashtag-first year and hashtag-ganda ko! Ayan, na-upload ko na Pot!" Pa-sigaw nitong sambit at napailing nalang ako sa kabaliwan at mga hashtags niya. "Alam mo, bago maubos 'yang energy mo sa kaka-hashtag dyan, mabuti pa ay pumunta na tayo ngayon do'n sa may gymnasium bago tayo maubusan ng mauupuan." Sabi kong ganyan tapos hinila siya para magpatuloy sa paglalakad sa karamihan ng tao. "Let's go, go, go!" Rinig kong tugon niya at binilisan na rin ang paglalakad. Nang marating ang harap ng gym, pumasok na kami agad doon and as we expected ay marami nang mga estudyanteng nakaupo sa mga upuan na naroon. We looked for a spot at nang makahanap ng mauupuan, doon na kami nag-stay ni Dorothy na patuloy pa rin sa pagse-selfie. We waited for 30 minutes hanggang mapuno ang gymnasium kung nasaan kami. Ang sabi naman sa amin, mga first year lang ang nandito. Maliit lang naman 'yong gym na 'to kaya kasya ang 200 na katao sa loob. Iyon kasi ang bilang ng mga first year students dito according from the EMU website noong mag-sign up ako. Luckily, isa ako at si Dori sa 200 students na 'yon. Kapansin-pansin ang iba't ibang uri ng mga estudyante sa loob ng gym. Syempre, hindi mawawala 'yong mga naka-salamin, may mga maaangas ang dating, may mga pogi at magaganda and syempre, 'yong mga tipong yayamanin ang itsura. Well, i-level niyo nalang kami ni Dori doon sa mga estudyanteng simple lang pero may dating. Teka, nabanggit ko ba 'yon kanina? Basta, lahat ay may kanya-kanyang qualities na bumubuo sa isang batch ng mga first year college students. Huminto ang lahat sa pagda-daldalan nang magsalita sa unahan ng stage ang isang gwapo ngunit may edad nang lalake na naka-suit. Nagpakilala siya bilang si Mr. Benedict Alcazid III, ang founder at tumatayong dean ng university na ito. Halos lahat ng mga kababaihan dito ay tutok na tutok sa kanya at sa kanyang pagsasalita. Ang ilan pa nga ay hindi maitago ang pagngiti dahil sa kilig. Paano ba naman kasi? Nasa edad 50's na siguro ang founder ng school na ito pero ang gwapo at mukha pa rin itong mabango tingnan. Nakinig lang kami sa mga school rules and regulations na sinabi niya at sa kanyang welcome ceremony bago pumalakpak nang matapos siyang magsalita. After no'n, may isa pang lalakeng nagsalita sa unahan. May i-a-annouce daw. So, nakinig kami attentively. "There are 200 of you here at East Middleton University, half of that are boys and the other half are girls," panimulang sabi niya na ikinagulat ko. Say what? Ngayon ko lang nalaman na half and half pala 'yon. "So, first year students, bawat isa sa inyo ay may designated dorm rooms kung saan kayo mananatili for a year of studying here. Syempre, magkahiwalay ang dormitory ng boys at girls. Each one of you will be paired-up with the fourth year students, meaning to say, you will live with your senior in one room—katulad ng ginagawa ng university taon-taon." Ngumiti ito nang sabihin ang litanyang iyon. Imbes na maliwanagan ay lalo akong naguluhan. Ano daw? Ang iba ay nagtawanan dahil sa saya, ang iba naman ay bakas sa mga mukha ang hindi pagkabigla pero kaming dalawa ni Dori—nagkatinginan at nagulat dahil sa nalaman. Ngayon lang nagprocess sa utak ko lahat ng sinabi noong lalake sa unahan. Hindi ko alam ang tungkol doon. I didn't know na may ganito palang pakulo ang university na 'to. Wala akong alam tungkol sa dorm thingy noong magpasya akong magsign up para makapag-enroll dito. Hindi ko naman kasi binasa lahat ng nasa website nila at tanging form lang 'yong finill-up-an ko. Hindi ko naman alam na kapag pumasok ka pala dito ay automatic ka nang titira sa isang dormitory for the whole year. Maging si Dori ay nabigla sa narinig. Agad niya akong hinampas sa braso at agad din akong napa-aray. "Pot, hindi mo sinabi sa akin na kailangang magdorm dito sa university na 'to! Siguradong hindi ako papayagan nila Nanay at Tatay kapag nalaman nila," pag-aalala niya na naka-kunot ang noo. "Kilala mo naman ang mga 'yon, walang tiwala sa akin at gusto palagi na umuwi ako sa bahay. Hindi mo sinabi ang tungkol dito!" Paninisi niya pa pero agad kong dinepensahan ang panig ko. "Easy ka nga lang dyan, Dori! Actually, hindi ko rin alam ang tungkol sa kailangang pagdo-dorm dito okay? Ngayon ko lang din nalaman. Hindi ko binasa masyado 'yong lahat-lahat ng tungkol sa school kaya wala din akong ideya na may ganito pala," dismayado kong tugon sa kanya. "Paano na 'to? Siguro, pwede namang hindi magdorm 'diba? Gano'n naman sa ibang university, uwian?" Tanong ni Dori na nag-aalala sa sasabihin ng mga magulang niya. Bago pa ako magsalita, tila sinagot no'ng nasa unahang lalake 'yong tanong niya about sa pagdo-dorm. "Living in a dormitory is a big part of studying here at East Middleton University. Lahat ng pumapasok sa school na 'to, especially the first year students ay kinakailangang sumunod sa ganitong process. In order na rin for the safety of the students na nag-aaral dito. I know, you already knew it when you enrolled yourself here. So, I'll going to give the room numbers for each one of you and after that, pwede niyo itong puntahan after your classes. Okay?" Paliwanag pa no'ng lalake at sumagot naman ng chorus ang lahat ng estudyanteng nandito sa loob ng gym, maging kami ni Dori ay wala nang nagawa pa kung 'di ang tanggapin nalang ang sinabi ng lalake sa unahan. Naipaliwanag na niya, eh. Though, sinisisi pa rin ako ni Dori dahil hindi ko binasa nang maayos 'yong ibang details regarding sa mga pakulo nitong university, wala na rin siyang nagawa kung 'di ang ihanda ang sarili para ipaalam ito sa mga magulang niya. I got room number 53 sa boy's dormitory. Isa-isa 'yon binanggit kanina no'ng lalake na nasa unahan. And Dori got room number 75 sa dorm ng mga girls. I don't know kung anong sasabihin nila Mama at Papa kapag nalaman nilang required na tumira sa dorm dito sa university, pero I hope okay lang sa kanila. Isa pa, first time kong magdo-dorm if ever. Why do I feel an excitement all of a sudden? Matapos ang orientation, nagtungo na kami sa aming mga klase at hinanap ang mga classrooms na kailangan naming puntahan mamaya. We have a guide booklet ng mga rooms dito sa university kaya hindi kami gaanong nahirapan sa paghahanap. Pareho kaming AB Literature ni Dori at same class schedules din, kaya we don't need to part ways at magkasama pa rin kaming dalawa. As usual, pakilala dito and pakilala doon ang naging siste ng unang araw namin sa klase. Every room kasi and every professor na mapupuntahan namin ay paulit-ulit lang kaming pinag-i-introduce sa unahan. After makilala ang mga professors namin at ma-introduce sa bawat klase ang aming pangalan, mabilis na natapos ang buong araw. Minabuti namin ni Dori na maghiwalay muna ng landas para pumunta sa dormitory ng bawat isa, to check the assigned room for us. Hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa pagdo-dorm ko dito sa university, mamaya nalang siguro kapag uwi ko sa bahay. But for now, I'm going to check the room that I will going to live in. Bilang room number 53 pa 'yong sa akin, nasa second floor na iyon ng building na ito. Nasa baba kasi 'yong room number 1-50. Umakyat ako sa taas kung saan naroon ang kalahati ng dormitory. Madali ko namang nahanap ang pang-limangpu't tatlong kwarto sa pagpunta ko doon. Katulad ng ibang rooms, may number na naka-dikit sa harap ng pinto kaya 'di ako pwedeng magkamali. Ito na 'yon. Kumatok ako ng isa, dalawa at tatlong beses pero walang sumasagot. Naghintay ako nang response pero wala talaga. Pinihit ko 'yong door knob at napansing hindi iyon naka-lock. It's either may tao doon o wala, papasok na ako sa loob. Besides, ang sabi naman no'ng lalake kanina ay pwede kaming pumunta dito at bisitahin ang magiging kwarto na rin namin. So, I did. Pagkapasok ko, namangha ako sa ganda ng kwarto. Bukas ang ilaw doon kaya madali kong napansin ang buong lawak ng lugar. May dalawang kamang magkahiwalay at dalawang study table sa magkabilang side ng mga ito. Kapansin-pansin din ang kalinisan ng buong kwarto. Mukhang malinis at responsableng tao ang makakasama ko dito. Sa aking paglibot ng paningin sa loob, napukaw ang atensyon ko sa kaliwang side ng kama. May mga gamit doon. Obviously, sa gumagamit ng kwarto na ito ang mga 'yon. May ilang posters ng mga football players at football teams sa may pader at may mga gamit na may pagkakatulad sa larong 'yon ang maayos na naka-pwesto sa side ng kama. Mukhang sporty ang kung sino mang 'yon at obvious na obvious ang pagkahilig nito sa football. Sa kalagitnaan ng pagngiti at pagka-aliw sa mga nakikita, isang malakas na boses ang gumulat sa akin. "What the f*ck are you doing here?!" Nang dahil sa pagkabigla, napalingon ako sa aking likuran kung saan galing ang pagsigaw. Lalo akong nagulat nang makita ang isang lalakeng mukhang kalalabas lang ng banyo at ngayo'y nakatapis lang ng tuwalya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang lalakeng kaharap ko ngayon. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't isa. "Ikaw?!" "You?!" Hindi ako makapaniwala sa kung sino ang nakita ko sa loob ng kwartong 'yon. Napailing ako at pilit na kinu-kumbinsi ang sarili ko na hindi ito totoo. There's no way for us to meet again, though alam kong makikita ko siya dito dahil pareho kami ng university na pinapasukan, but?! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana para magkataon na ang lalakeng 'yon ang makakasama ko sa iisang kwarto? But then, naisip kong ipe-pair nga pala kami sa kwarto ng mga seniors ng university na ito. In that case, siya pala ang 4th year college student na napunta sa akin. Or maybe, ako ang napunta sa kamalas-malasang kwarto ng morenong lalakeng si Basti. Believe me when I say, hindi ko siya gustong makasama sa kwartong 'to. Bakit sa dinami-dami ng lalakeng 4th year student dito sa East Middleton ay siya pa 'yong makakasama ko sa dorm room na 'to? Ayoko siyang makasama! Period. Ayoko, ayoko, ayoko! But what can I do? Goddamnit! √
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD